4th: Untrusted

124 8 2
                                    

"People who have trust issues only need to look in the mirror. There they will meet the one person that will betray them the most."

-Shannon L. Alder

"Are you trying to get yourself killed?!" Napa-lingon siya nang marinig ang pagalit na turan sa kaniya ng pamilyar na boses ng lalaking naka-palibot ang kamay sa bewang niya mula sa kaniyang likuran.

Agad naramdaman ni Alona ang panghihina ng kaniyang tuhod mula sa isiping mutik na siyang masagasaan. Muntik na siyang mamatay. Muntik na.

He felt a pair of warm hands hold her cheeks that made her look up to the person who miraculously save her.

"C-Clifford?" Her voice was so weak and terrified. She's having mixed emotions. Ang mga blangkong mata nito ay nabalutan ng pag-aalala. "Hey, are you okay?" Now, his voice is more calmer than earlier. "You're shaking." Anito at hinawakan ang magkabilang-balikat niya.

Alam niyang nanginginig pa siya sa takot, ngunit nang makita ang pag-aalala sa mukha nito ay parang kahit papaano'y nababawasan na ang takot na nadarama niya.

And when she finally found the strength to stand up alone, she managed to pull away from him. Hinayaan naman siya ng binata at tinitigan lang siya, his eyes we're void of emotion once again.

"I'm okay. Thank you." Aniya at ikinatuwa niyang hindi na nanginig ang boses. Hindi niya alam kung naniwala sa kaniya ang binata dahil hindi na kababakasan ng emosyon ang mga mata nito. Naisip niyang baka guni-guni lang na makita ang pag-aalala sa ekspresyon nito kanina.

"Mukha kang wala sa sarili kanina." This was her first time to have an actual conversation with Clifford Serafino. Funny how it happened in the midst of her almost dying.

"I was just lost in my thoughts. Hindi ko na napansin ang dinadaanan ko." Dahilan niya. Clifford looked unfazed by her reason but decided to nod and accept it. "Alright, I better go." Maikling sambit nito at nag-lakad palampas sa kaniya.

Alona did not bother to look back and just continued crossing the streets with extra alertness. She might not be that lucky the next time.

Nagpa-tuloy siya sa pag-lalakad pauwi. Pilit niyang inaalis sa isipan ang namumuong takot sa hindi niya malamang dahilan. Gusto na lang niyang pumasok sa kwarto at mag-kulong. At nang maka-rating na sa bahay, sinalubong siya ng malungkot na paligid. Walang katao-tao. Parehong nasa trabaho ang mga magulang nila kaya't tuwing uuwi siya ay wala siyang nadadatnan.

Pagka-pasok niya sa kwarto, narinig niya ang pag-tunog ng cellphone sa loob ng bag niya.

Tita Alexis calling...

"Hello po Tita?" Bati niya sa tumawag. [Alona, nakauwi ka na ba?] Tanong ng tiyahin sa kabilang linya.

"Opo Tita, kauuwi ko lang po."

[Punta ka dito sa bahay, gumawa ako ng leche flan. Nangungulit sina Aliyah at Clarisse na papuntahin ka dito, favorite mo daw kasi 'to.] Ani Alexis na ikinatawa niya. "Sige, Tita. Punta ako diyan." Pag-payag niya. Masaya namang nag-paalam ang Tita Alexis niya at bago pa maibaba nito ang telepono ay naka-rinig siya ng masasayang boses mula sa mga bata, marahil sina Aliyah at Clarisse 'yon. Mga anak ng Tita Alexis niya.

Agad namang lumabas ng bahay si Alona para pumunta sa bahay ng Tita niya. She could feel her heart jump in excitement knowing she would have the chance to see her cousins again and Tita Alexis cooked her favorite food.

Ngunit habang naka-sakay ng taxi papunta sa subdivision ng Tita Alexis niya, nakaramdam siyang muli ng kirot sa puso ng ma-alala ang nakaraan. Her mom used to make that dessert too when she was still a little girl. She had loved that too, pero ang huling kain niya ng pang-himagas na iyon ay noong maliit pa siya.

When Alana did what she did, she lost her mom the most. She wasn't the same loving woman she knew. That's why she worked hard to win her parents trust again, because she never wanted to lose her mom. Her dad was pretty neutral about them but she could feel that he was concern about her before.

But maybe there isn't anything inevitable in this world but change.

And she's starting to realize how fate twisted her life to teach her a lesson about change.

Kahit anong gawin niya para panatilihin ang mga taong mahahalaga sa kaniya, maiiwan parin siya. Hindi mag-dadalawang isip ang mga tao na iwan siya.

That's why she hates commitment, it damages her self-esteem and it ruined her self confidence. Every time someone tries to be close to her, she couldn't be at ease with them. She would always think that they will eventually leave her and she would be left alone again.

Kahit si Elisha ay hindi niya man lang mapagkatiwalaan ng lubusan. Kahit apat na taon na silang mag-kasama, hindi niya parin magawang ibigay ng lubusan ang sarili sa itinuturing na kaibigan. Alam niyang nababasa siya ni Elisha pero pinagpapasalamat niyang nirerespeto nito ang mga lihim niya kahit halos lahat na ng sikreto ni Elisha ay alam niya.

She knew it was so unfair of her, pero hindi niya masisi ang sarili. Wala siyang magandang memorya pag-dating pagkakaroon ng kapatid o kaibigan. At si Elisha, kung kapatid nga ang turing nito sa kaniya, nahihirapan siyang mag-tiwala.

Napahilamos na lang siya ng mukha dahil sa pamomoroblema.

Napa-tingin siya sa cellphone nang marinig ang pag-tunog noon, hudyat ng isang mensaheng kaniyang natanggap.

From: Elisha

Alona, napirmahan mo na ba yung proposal letter? Nakalimutan 'kong kunin sa'yo kanina hehe.

To: Elisha
Yes, iniwan ko dun sa desk ko sa room ng Student Leaders

From: Elisha
Alright, kunin ko na lang. Maya pa 'ko uuwi. Bye byeeee

Napa-ngiti na lang si Alona ngunit hindi na niya pinili pang sagutin ang mensahe ng kaibigan.

No matter how much she tried to stop herself from getting too attached with people who will never stay with her. Elisha sometimes becomes an exception.

Gustung-gusto niyang magpaka-totoo sa kaibigan ngunit paano na lang kapag nalaman nito kung gaano siya kahina noon? Hinihintay niya na nga lang na ito mismo ang tumraydor sa kaniya. For sure, Alana is already planning to make Elisha turn her back on her.

Pero tuwing naiisip niya iyon, hindi niya mapigilang masaktan. Hindi man niya aminin, isa na si Elisha sa mga taong pinahahalagahan niya. Paniguradong mahihirapan na naman siyang bumangon ulit kapag kinuha na nito ang kaibigan niya.

Kaya't hangga't maari, ayaw niyang ipahalata sa kahit kanino kung paano niya pinahahalagahan ng kaibigan. Sapat na sa kaniyang pahalagahan ito ng palihim.

ขอบคุณสำหรับการอ่าน! <3

Somebody To HealOnde histórias criam vida. Descubra agora