5th: Isolated Amendment

104 7 2
                                    

"To say goodbye is to die a little."

-Raymond Chandler, The Long Goodbye (Philip Marlowe, #6)

"Ma'am, nandito na po tayo." Nabalik siya mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang driver ng taxi. Inilibot niya ang paningin sa labas at totoo ngang nasa gate na sila ng subdivision ng Tita Alexis niya. Agad niyang binayaran ang driver at lumabas para dumiretso sa guard.

"Ma'am Alona, kayo po pala." Bati nito sa kaniya at binuklat ang log book ng mga bumibisita sa mga naka-tira sa loob ng subdivision. "Kumusta po kayo, kuya guard?" Naka-ngiting tanong niya habang nag-susulat ng kaniyang pangalan.

"Nako, mabuting-mabuting po. Dadalawin niyo po ba si Ma'am Alexis?" Tanong nito at naka-ngiti lamang siyang tumango. Matapos mag-sulat ay kumaway na lang siya sa gwardiya bilang pagpapaalam.

Kilalang-kilala na siya ng mga gwardiya ng lugar dahil simula pagka-bata ay pumupunta na siya dito. Ang Tita Alexis at ang asawa nitong si Tito Chase ang tumayong ikalawang magulang niya. Lalo na nang nangyari ang bagay na ginawa ni Alana.

Madalas na siyang ditong tumuloy kapag nadadalas siyang pagalitan ng kaniyang ina sa mga kaunting pagkakamali niya.

"Ate Alona!" Napa-lingon siya nang marinig ang pamilyar na boses ng isang batang babae. Nakita niyang tumatakbo palapit sa kaniya ang nakababatang pinsang si Clarisse mula sa mga kumpol ng mga bata sa playground ng subdivision nila. "Hey, baby. Be careful." Turan niya at siya na mismo ang lumapit para kargahin ito.

"Buti na lang po nandito ka na, sarap po yung leche flan ni mommy." Masayang saad ng limang taong gulang na bata sa kaniyang bisig. Napa-ngiti naman siya at nag-lakad habang karga ang bata.

"Kumusta na kayo? How's mommy and daddy?" Tanong niya.

"They're doing good. But daddy's not yet here because of work." Agad napa-nguso ang bata na ikina-ngiti niya.

"Babalik din naman si Daddy mo mamaya eh, wag ka ng malungkot." Aniya na ikinaliwanag ng mukha muli ni Clarisse. "Sige po, nandito na din naman po kayo. Di na po ako malulungkot." Sago nito.

Nang maka-rating sila sa gate ng malaking bahay ng mga Smith, agad bumaba si Clarisse mula sa pagkaka-karga niya at pumasok sa loob. "Mommy! Ate Alona is here!" Rinig niya tawag ni Clarisse bago ito makapasok. Nag-lakad na lang siya bilang pag-sunod at tumingin sa mga bulaklak na naka-paligid sa mga sa kaniya. Nakaka-gaan talaga ng pakiramdam ang bahay na ito ng Tita Alexis niya.

"Buti naman naka-rating ka." Bati sa kaniya ng Tita Alexis niya nang makapasok sa loob ng bahay. Agad naman siyang napa-ngiti ng makitang karga na nito si Clarisse. "Hi Tita." Bati niya at humalik sa pisngi nito.

"Kumusta ka?" Tanong nito at iginaya siya sa kusina. Nakita niyang naka-upo sa island counter ang isa pa nitong anak na si Aliyah, pitong taong gulang.

Somebody To HealWhere stories live. Discover now