7th: A Companion That Stays

82 7 6
                                    

How many slams in an old screen door? Depends how loud you shut it. How many slices in a bread? Depends how thin you cut it. How much good inside a day? Depends how good you live 'em. How much love inside a friend? Depends how much you give 'em.

—Shel Silverstein

"Aga mo ha." Napa-angat siya nang tingin mula sa kinakain nang marinig ang boses ni Elisha sa loob ng silid-aralan nila. "I'm so hungry." Ani Alona at nagpa-tuloy lang sa pagkain.

"Gutom ka na kaagad? It's just 6:20 in the morning. Didn't you have your breakfast before going here?" Elisha asked which made her reply with a gentle shook on her head and continued eating a meal she bought from a convenience store on her way to the university. Hindi siya nakakain ng hapunan kagabi at maaga siyang umalis sa bahay para sa paaralan na mag-agahan.

"Tell me if you're still hungry, I have two sandwiches here. The other one's for you. Tulog muna ako sa upuan 'ko." Saad ng kaibigan at nag-lakad na papunta sa upuan nito. Iilan pa lang silang nasa loob ng silid na iyon. Wala pa sa kalahati ang nakararating.

Elisha would always be that type of friend who would always give you what she has. Alona admired how Elisha is towards her. Palagi na lang itong may naka-handang extrang kung ano para sa kaniya. As much as she doesn't want to abuse her treatment, natutuwa siya sa tuwing pakiramdam niya'y inaalagaan siya nito. Like how a sister should be.

Nagpa-tuloy lang si Alona sa pagkain at nang matapos ay lumapit siya sa kinauupuan ng kaibigan at umupo sa katabing upuan nito. Naka-tungo si Elisha at mukha malalim ang pagkaka-tulog, hindi man lang nito naramdamang nandoon siya.

Malungkot niyang tiningnan ang kaibigan habang nararamdaman ang guilt sa puso niya. Elisha does not deserve a friend like her.

Hindi niya mapigilang maramdaman ang hindi pagiging sapat kahit sa kaibigan. Totoong sobrang naapektohan siya sa ginawa ng kapatid niyang si Alana. Ngunit hinding-hindi niya aaminin 'yon, she would never give her sister the satisfaction of dragging her down.

"Hmm, Alona?" Nakita niya ang mapupungay na mga mata ng kaibigan na nag-angat ng ulo para makita siya.

"Ba't nagising ka?" Tanong niya.

"Naalipungatan ako, naamoy ko yung pabango mo. Sabi ko na, nandiyan ka sa tabi ko eh." May maliit na ngiti si Elisha habang inaayos ang sarili. Napa-ngiti na lamang din si Alona ngunit hindi na nag-salita pa.

"Hey, what's wrong?" Tanong ni Elisha na ikina-taka niya. "Huh?"

"Ang lungkot-lungkot kaya ng tingin mo sa'kin. Ikaw, senti ka ha." Biro nito na inilingan niya lang. "So ano nga 'yon?" Usisa ni Elisha sa kaniya. Napaiwas naman siya ng tingin.

Somebody To HealWhere stories live. Discover now