12th: What are Friends for?

67 4 2
                                    

"If everybody got somebody by the hand, maybe everyone could learn and understand."

- Sebastian, The Little Mermaid

"Serafino."

Katahimikan lamang ang namayani nang banggitin ng guro ang apelyido ng binata para sa attendance.

"Serafino?" Ulit niya ngunit nanatiling tahimik ang buong klase.

"A-Ahm-"

"Ma'am absent po si Clifford." Saad ni Jerome mula sa kabilang parte silid. Walang imik na tumango lang ang guro at nagpatuloy na sa pag-tawag ng iba nilang kaklase.

"Sabi niya papasok siya." Isip ni Alona at napalingon sa kinaroroonan ng matalik na kaibigan ni Clifford.

Jerome is not as lively as he was. Sa unang tingin ay katahimikan lang niya ang kakaibang mapapansin ng iba ngunit nakita niya ring tila pagod ang mga mata ng binata.

Nabalik ang atensyon ni Alona sa harapan nang magsimula ng mag-turo ang guro nila para sa asignaturang iyon.

Mabilis lumipas ang oras para kay Alona, hindi niya nga napansin na lunch na nila at nasa harapan niya na si Elisha.

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" Anito habang matamang naka-tingin sa kaniya.

"Hindi naman." Tipid niyang sagot at sumunod na sa kaibigan palabas ng silid.

"Parang unang beses yata umabsent ni Clifford ah? Nasaan kaya 'yon?" Tanong ni Elisha. Sasagot sana si Alona nang mapansin niya si Jerome sa hallway hindi kalayuan sa pinto ng silid nilang may kausap sa cellphone nito.

"Huy Alona!" Mahinang saway ni Elisha ngunit hindi pinansin ni Alona ang kaibigan at lumapit sa binata.

"Sige pare, dalaw ulit ako mamaya diyan. Huwag mo ng isipin 'tong school, hindi naman 'to tatakbo." Natatawang sagot ni Jerome sa kausap. Saglit itong tumahimik upang pakinggan ang nasa kabilang linya.

"Alona, ano ba 'yan? May kausap yung tao anong ginagawa mo?" Nagtatakang bulalas ni Elisha nang mapansing tila pinakikinggan niya ang sinasabi ni Jerome.

"Sige lang. Alagaan mong mabuti si Tita. Baba ko na 'to, bye." Nang sumagot ang kausap sa kabilang linya ay tumalikod upang makaharap ang naghihintay na si Alona.

"Oh, Alona ikaw pala." Kaswal na bati ni Jerome sa kaniya.

"Si Clifford 'yan diba? Siya 'yung kausap mo?"

Bakas ang pagkalito sa mata ng binata nang marinig ang tanong niya ngunit marahan pa rin itong tumango bilang pag-sagot sa kaniya.

"Ano pa lang mayroon kay Clifford? Bakit siya wala?" Tanong na rin ni Elisha.

"Nasa ospital yung mama niya, hindi niya maiwan dahil walang magbabantay." Bakas ang gulat sa mukha ni Elisha, kabaliktaran ng kay Alona.

"Ganoon ba? Sana umayos na-" Naputol ang dapat sana'y sasabihin ni Elisha nang mag-salita si Alona.

"Are you going there? Can I come with you?"

Sandaling natigilan si Jerome sa tanong niya. "Sige, mamaya naman diretso na 'ko doon, isasabay na lang kita. Elisha, sasama ka rin ba?"

"Sure, sama na rin ako."

"Sige, mauna na muna ako, sabay ko na lang kayo mamaya." Paalam ni Jerome at umalis. Naiwang nakatayo doon sina Elisha at Alona

"Nasa ospital pala si Clifford." Ani Elisha na malayo ang tingin. "I hope her mom gets well quickly." May pakiramdam si Alona na hindi siya ang kausap ng kaibigan. Parang kausap ni Elisha ang sarili.

"We'll visit them later." Aniya sa kaibigan. Marahang tumango si Elisha bago siya muling binigyan ng ngiti.

"Tara, kain na tayo. I'm hungry." Aya ni Elisha na tinanguan niya.

Nang marating nila ang cafeteria ay kagaya pa rin ng dati, marami pa rin tao sa cafeteria.

They decided to take the table against the wall with only three chairs.

"I want you to try something." Saad ni Elisha nang maka-upo.

"So I've been practicing my skill in dessert making and I want you to try it." Naka-ngiting kinuha ni Elisha ang isang container na may lamang leche flan at inilagay sa harapan niya.

Manghang tiningnan ni Alona ang lalagyang nasa harap bago ini-angat ang tingin sa kaibigan. "Really?" Sinagot siya ng kaibigan ng tango.

"I decided to make leche flan first because I feel like it'll be the easiest to make. I wanna know what you think of it." Kitang-kita ang pag-liwanag ng mata ni Elisha habang nag-kukwento kaya't hindi napigilan ni Alona ang pag-ngiti.

"Fine." Aniya at binuksan ang lalagyan. "This better be good." Pabiro niyang saad at tinikman ang gawa ng kaibigan.

It was good, for her it is. Something about the food makes her feel homey although it's not really a food that can make most people feel home.

But to her it did.

Probably because she appreciated how Elisha wanted to know what she has to say. She wanted to share a piece of what she likes doing to her.

Hindi alam ni Elisha kung gaano niya kapaborito ang pang-himagas na ito.

"Not bad." Simpleng sagot niya. Natawa naman siya nang bumusangot ang kaibigan. "Wow, Alona ha. Salamat na lang sa lahat." Nag-tatampo ang reaksyon ng kaibigan.

"Kidding. For me it's the best." Saad niya na ikinaliwanag muli ng mata ng kaibigan.

"Really? I'm so glad you liked it. I was planning on making it on occasions." Kwento ng kaibigan.

Nagpa-tuloy sila sa pagkain habang nag-uusap patungkol sa mga bagay-bagay na maisip nila para palipasin ang oras bago bumalik sa silid.

Mabilis lumipas ang oras at bago pa man nila mapansin, mag-uuwian na. Pupunta na sila sa ospital.

"Tara, sabay ko na kayo papunta sa ospital." Aya ni Jerome sa kanila ni Elisha na pinayagan naman nila.

Nang sumakay sila sa kotse nito'y sa likod umupo ang mag-kaibigan habang nasa passenger's seat si Jerome. "Tara na sa ospital, Kuya." Magalang na utos ni Jerome sa driver.

"Bakit nasa ospital yung mama ni Clifford?" Tanong ni Elisha habang nasa byahe.

"May lung cancer si Tita Clare, stage 3." Sagot ni Jerome.

Natahimik si Elisha na napansin ni Alona. Tila nabalot ito sa malalim na pag-iisip.

Inabot niya ang kamay ng kaibigan at marahang pinisil ito. Napatingin ito sa kaniya na binigyan niya ng maliit na ngiti. Sinuklian din siya nito ang munting ngiti at hindi na nag-salita pa.

Kung anoman ang nasa isip ng kaibigan, alam ni Alona'ng mag-sasabi ito sa kaniya sa oras na maging handa ito.

Mari's Note: สวัสดี! Omg, it's so nice to finally have an update again! Can you guys believe that the last update I made was on the end of my first week in school and now I just graduated! Off to college na si ako. HAHAHAHA.

Thank you everyone who keeps on reading my works. Those people that are adding this story in their Reading List. I posted my thank you's on your message board, you guys are well appreciated.

Don't forget to leave a vote for this chapter and comment down you thoughts. I would love to read them.

This chapter is dedicated to VanessaRancapero, I will dedicate this properly once I used the computer. I appreciate your comment on the previous chapter. Thank you for reading!

I hope everyone is doing well. Don't forget to tweet your reactions using the tag #STH12th. I would love to read it.

See you on the next update! (Which I bet will still take long because after graduating, I'm facing another challenge which is college applications. So help me God.)

Stay safe and wash your hands!
Maxelle Gwendolyn loves you!

ขอบคุณสำหรับการอ่าน! <3

Somebody To HealWhere stories live. Discover now