6th: A Little Bit Alright

78 7 5
                                    

“‘Fine,’ he repeated, and I wondered why it was I kept coming back to this, again and again, a word that you said when someone asked you how you were but didn't really care to know the truth.”

—Sarah Dessen, The Truth About Forever

Alona sat in her bedroom floor alone. Staring into the darkness as the night sky started to cover the sun.

Naka-tulala lang siya, iisang bagay lang ang nasa isipan niya at walang nararamdamang bigat sa puso. Ang nasa isip niya'y ang mga naging katanungan ng Tita Alexis niya.

"What happened to you?"

So finally, someone noticed. Sa wakas ay may nag-tanong.

Pero bakit parang huli na?

Hindi niya napansin ang unti-unting pag-patak ng luha mula sa kaniyang mga mata. Agad siyang napahawak sa pisngi upang makumpirma ito.

"What is wrong with you?" Tanong niya sa sarili nang tumingin sa salamin. All she could see is a messed up girl failing to fight even more.

"Hindi ka na dapat umiiyak. Hindi ka na iiyak kahit kailan." Bulong niya sa sarili habang naka-tingin sa repleksyon niya.

Matapos ang ilang taon ay muli niyang naramdaman ang init ng mga butil ng luhang lumalandas sa pisngi niya. Umiiyak siya nang dahil sa isang simpleng tanong.

Nakatatawa.

Pagkatapos ng maraming taon upang subukang buoin ang sarili ay ang tanong na iyon lang ang magpapa-bagsak sa kaniya. Masyado pa siyang mahina.

"Hindi ka na natuto." Bulong niya at unti-unting napa-luhod dahil sa panghihina. Kung kanina'y wala siyang maramdaman ay ngayo'y damang-dama na niya ang kumikirot na pusong 'tila napuno na. Masyado ng mabigat.

At siguro'y dala ng kapaguran, sakit, at lungkot. Nag-dilim ang paningin ni Alona at tuluyan siya bumagsak sa sahig ng may mga pisnging kababakasan ng luha at nakayakap sa sarili.

"Daddy, look! Ang taas po ng grades ko sa exam." Masayang ipinakita ng batang babae ang papel na may marka ng gradong nakuha niya nang makalapit sa amang hinihintay siya sa labas ng gate ng paaralan.

"Ang galing naman ng bunso namin. Daddy's so proud of you, princess." Ani ng ama nito at binuhat siya para mag-punta sa sasakyan. Nang makapasok ay agad na ngumiti ang batang si Alona.

Somebody To HealHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin