Chapter 38

771 11 0
                                    

ZYLON'S POV

"Ang mata mo bruha."

"Sus bakla ka wala ako pake dyan noh."

"Wala ka dyan eh kitang kita ng two beautiful eyes ko na nakatingin ka sa mga chakang boys nayan."

"Huy! kung maka chaka ka! Ampopogi nga eh!"

"Grabe baba ng standard mo ew."

  Hays. Nananakit na tenga ko sa dalawang toh. Kanina ko pa kasi sila napapakinggan na nag tatalo.

'Asan na ba kasi si Sienna?'

Kanina pa rin ako tinititigan ng 'asawa' daw ni Sienna. Tss. Ang sama sama naman ng ugali, kung makapagsalita kay Sienna. Kung hindi lang talaga malakas si Sienna sakin hindi ako sasama dito eh.

"Hi! Hello guys! Sorry im late!" Sabi ng isang babaeng kakarating lang na may kasama din na lalaki. "Hi kuya! Hehe." Sabi niya at tumingin sa katabi ko.

'Kuya? Teka. Kuya niya tong Knox na toh?'

"Why the hell are you with that guy?" Nakita ko naman kung pano mas lalong sumama ang pagmumukha neto ng makita ang kasama ng kapatid niya.

"E-eh kasi kuya sabi mo naman pede magsama ng friend eh.." sabi nito at nagpout pa habang pinagdidikit ang hintuturo.

"G-good day po sir.."

"Nothing's good with your face."

"Kuya naman eh.."

"Hi guys!" Sabi ni Sienna kaya agad akong lumingon. Isa lang ang masasabi ko. "Wow."

"Nagustuhan mo ba Zylon? Ganda ganda ko noh?" Sabi ni Sienna sabay hawi ng buhok.

'Nasabi ko pala ng malakas. Aish! Kakahiya.'

"A-ah o-oo."

"Grabe girl ang ganda mo!"

"Kinabog ako sa balakang oh!"

"Sienna super sexy!"

"Sanaol may curve!"

"Ate Sienna you look gorgeous!"

"Huy enebe keye." Sabi naman ni Sienna at hinawi ang buhok niya. "Knox? Huy. Dimo nagustuhan?" Biglang sabi neto sa katabi ko.

Seryoso lang siyang nakatingin kay Sienna mula ulo hanggang paa. Tss. Ano bang tinititig titig neto.

"You look pretty my wife." Biglang sabi neto at lumapit kay Sienna sabay hawak sa bewang. Tss. Tyansing pa!

"Yiee!"

"Witwiw! Sanaol!"

"Omg!!"

Nakita ko naman kung paano nagpula ang mukha ni Sienna, hindi ko alam pero parang nalungkot ako.

"A-ah Sienna alis muna ako." Sabi ko at agad naman akong binigyan ni Sienna ng isang nagtatakang tingin.

"Bakit Zylon? Magsiswimming na tayo oh!"

"A-ah mamaya na.. wala pa ako sa mood." Sabi ko at ngumiti.

Naglakad na ako papalayo para pumunta sa isang
Resto bar dito sa resort. Parang gusto ko uminom. Pagka upong pagkaupo ko ay umorder na ako.

"One whiskey." Nakangiting sabi ko. Napatingin ako kung nasaan si Sienna. Nakita kong masaya siyang naliligo.

Wild HeavenWhere stories live. Discover now