Chapter 22

950 12 2
                                    

ZYLON'S POV

  Nagpasya akong puntahan si Sienna sa ospital para yayain siyang kumain sa labas, matagal nadin kasi nung huli kaming magkita dahil naging busy ako noong mga nakaraang araw.

  Matapos kong mag ayos ay lumabas nako sa bahay ko, naisipan kong gamitin ang motor ko dahil gusto ko sana matapos namin kumain ay magjoy ride kami.

Nitong mga nakaraang araw alam kong pagod sa trabaho si sienna kaya gusto kong pasayahin ito at makapagpahinga kahit ngayong araw ng say off nito.

Sumakay nako sa motor ko at nagdrive na ako papunta sa ospital kung nasaan si sienna, nang makarating ako ay pumunta agad ako sa kwarto kung nasaan si ethan.

  Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang maamong mukha ni sienna na nakatulog sa tabi ni ethan nilapitan ko ito at hinawi ang buhok nitong nakaharang sa mata niya.

'Kahit kailan napaka antukin.'

"Oh? Zylon?" Naalimpungatang sabi nito nagulat ako kaya napaiwas ako ng tingin.

"A-ah kamusta?" Kamot batok na sabi ko.

"Nako! nakatulog pala ako. Tara na ba? Tapos ko narin naman bantayan si ethan." Sabi ni Sienna.

"Sige pero lagay ko muna toh." Sabi ko at ipinatong daladala kong bulaklak at inilagay ito sa vase na nasa tabi ni ethan.

  Matapos ko itong ilagay ay sabay kaming lumabas ni sienna sa kwartong yun at lumabas na ng ospital.

  Nagtungo kami kung saan nakaparada ang motor ko.

"Oh? Dala mo motor mo?" Gulat na sabi ni Sienna.

"Oo gusto ko sana yayain ka magjoyride?" Nakangiting sabi ko sa kaniya.

  Tumingin ito sa akin na nakangiti at parang umaliwalas ang mukha nito.

"Game ako dyan!" Sagot ni sienna at inakay ko na syang sumakay sa motor ko at isinuot naming dalawa ang helmet na dala ko.

  Nang makasakay kami ay nagsimula na akong magdrive ay nagtungo kami sa paborito naming kainan ang pares.

"Wow!! Pares! Nako kilala mo talaga ako zylon namiss ko toh." Tuwang tuwang sabi ni sienna at nagmamadaling bumaba sa motor.

"Syempre! Pero ngayon treat ko." Nakangiting sabi ko.

"Ay weh? Di ako tatanggi dyan!" Sabi ni sienna at mahinang tumawa.

  Pumwesto na kami sa isang table at umorder ng dalwang pares at dalwang softdrinks, mayamaya pa'y dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain.

  Tuwang tuwa akong pinagmamasdan si Sienna kumain dahil para itong batang matagal ng di nakakain ng paborito nitong pagkain.

"Baket?" Bigla kong narinig na sabi ni Sienna.

"Wala ang kalat mo kumain tignan mo may dumi ka na sa labi mo." Sabi ko at pinunasan ito ng tissue na hawak ko.

  Matapos kong punasan ang labi niya ay di ko maiwasan pagmasdan ang mapulang labi nito.

'Hay nako zylon, balik sa wisyo.'

"A-ah ako na s-salamat." Naiilang na sabi ni Sienna at kinuha ang tissue na hawak ko.

  Napapahiya naman akong ngumiti at uminom ng softdrinks.

  Matapos naming kumain ay nagbayad na ako at niyaya na siyang magjoyride, tuwang tuwa naman itong muling sumakay sa motor ko.

--

  Matapos ang mahabang byahe ay nakarating kami sa isang dalampasigan at ipinarada ko ang motor ko at bumaba kami ng motor.

Pinagmasdan ko ang manghang manghang mukha ni Sienna at tumakbo ito papalapit sa tubig dagat.

"Wow zylon! Angganda dito!" Tuwang tuwang sabi nito.

"Naisipan kong dalhin ka dito, dito ako pumupunta pag gusto ko mapag isa naisip ko gagaan pakiramdam mo kung dalhin kita dito. Ano? Effective ba?" Sabi ko.

"Super!" Nakangiting sabi ni Sienna.

  Agad ko siyang nilapitan at binasa siya ng tubig na ikinagulat niya.

"Hoy! Ano ba!" Tumatawang sabi nito at binasa din ako.

"Ah sige ganyan gusto mo ah!" Hinabol ko siya at binasa ng tubig.

--

  Basang basa kaming nakaupo sa buhanginan at pinagmamasdan ang dalampasigan.

"Alam mo zylon? I miss ethan so much." Sabi ni sienna na may malungkot na tono. "Hindi na ako makapagintay isang araw ay gigising siya tas tatawagin niya ulit akong mommy."

"Don't worry sienna, i know one day gigising si ethan at isasama natin siya dito." Sabi ko kay sienna at hinagod ang likod nito.

"I can't wait to see his smile again." Sabi ni sienna at nagpakawala ng hangin sabay sandal sa balikat ko.

  Hinagod ang likod niya bilang pag comfort sa kaniya.

--

SIENNA'S POV

  Gabi na ng maihatid ako ni Zylon sa bahay dahil malayo layo ang dalampasigan na pinuntahan namin.

"Thanks for today zylon, i really appreciate it." Sabi ko sa kaniya at ngumiti.

"Wala yun, sana nag enjoy ka tsaka magpalit ka pagpasok mo baka sipunin ka nyan." Sabi nito at tumawa.

"Sige ho tay." Pabirong sabi ko dito. "Mauna na ako sayo." Sabi ko.

  Tumango naman ito at pumasok na ako sa gate at kumaway pa ako kay zylon.

"Ay kabayo!" Gulat kong sabi ng makita ko si Knox na nakaupo sa sofa at nakacross arm pang nakatingin sakin.

'Luh anong problema nito?'

"Saan ka galing?" Seryosong sabi nito.

"Kasama ko kaibigan ko bakit?" Sagot ko dito.

"Kaibigan? Kasama mo hanggang gabi? What time is it my wife?" Sabi nito at dahan sahan tumayo sabay lapit sa akin.

'S-super lapit ha.'

"T-teka nga! Time out! Anlapit mo sakin, bat ba kailangan ko mag explain sayo? Tatay kita? Tatay?" Sabi ko dito.

"No sienna. I am your husband." Sabi nito sa akin.

  Lumapit ulit ito sa akin at tinitigan ang buong pagkatao ko.

"And you are wet. Where have you been?" Sabi nito sa akin at itinaas pa ang kilay nito.

"S-sa beach nagswimming, ano ba toh? Interrogation?" Sabi ko at mahina itong tinulak. "Papasok na ako sa kwarto." Sabi ko at naglakad papalayo.

"Miss Sienna Everleigh." Madiing sabi nito na nagpahinto ng paglakad ko. "You are at fault for me." Biglang sabi nito hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy maglakad papunta sa kwarto ko.

  Pagpasok ko sa kwarto ay dumeretso ako papunta sa banyo para maligo, pagbukas ko ng shower ay napabuga ako ng hangin.

'Hays! Ano ba problema niya!'

"Nakakainis siya! Para siyang tatay ko kung makasita!" Naiinis sa sabi ko sa kawalan.

  Naramdaman kong namula ang pisngi ko ng magrecall ang sinabi ni Knox kanina sa akin.

"No. Sienna I am your husband."

"Kyaaaaaaahh!!"








Wild HeavenWhere stories live. Discover now