Chapter 17

1K 14 0
                                    

LESLY'S POV

   Nakahiga ako ngayon dahil masama ang pakiramdam ko napapadalas ang pagduwal ko at pagkahilo kaya napagpasyahan kong hinde na muna pumasok kahit ngayong araw lang.

Tumayo muna ako upang kumuha ng tubig sa kusina ng biglang may nagdoor bell.

'Sino naman toh?'

Lumapit ako at binuksan ko ang pinto, nakita ko si raven na may daladalang pagkain na ikinagulat ko.

Bahagya siyang ngumiti at pinapasok ko siya.

"A-anong ginagawa mo dito?"  Nahihiyang tanong ko at tuloy tuloy siyang pumasok at ipinatong ang dala niyang pagkain sa mesa.

"Bakit? Porket may war tayo di na ko pedeng mag alala sayong bakla ka?" Biro niya at ngumisi.

  Gulat akong napatingin sa kaniya at iniabot niya sakin ang favorite kong yogurt.

"Alam kong paborito mo yan kaya sige na teh wag ka ng maginarte kainin mo na yan." Sabi niya at naupo.

"A-about sa baby--"

"Hindi ko sinabing ayaw ko sa bata lesly, i was just surprised at hindi kita kinausap ilang araw dahil nagiisip ako." Pagpuputol niya sa sasabihin ko.

"Nag iisip?" Nagtatakang tanong ko.

"Yes, i thought there was nothing wrong with me taking responsibility, after all, i got you pregnant, kaya lesly wag mo kong alalahanin alagaan mo muna ang sarili mo lalo na jontis ka noh sige ka pag chumaka yan ikaw sisisihin ko." Biro niya at nag pout pa na ikinatawa ko.

'Hindi ko alam kung matatawa o maiiyak ako sa baklang toh eh.'

  Kumain na ako ng dala niyang yogurt at ipinaghanda niya pa ako ng makakakain.

*ding dong*

   Gulat akong napatingin sa pinto at gulat na tinignan ako ni Raven.

"Gaga ka may bisita kaba ngayon?" Sabi ni raven sakin na natataranta.

"W-wala saglit titignan ko magtago ka!" Sabi ko sa kaniya at dalidali naman siyang nagtago sa ilalim ng lamesa.

  Kabado akong lumapit sa pinto at sinilip kung sino ang kumakatok.

"Lesly! Kami toh! May dala kami for you!"  Sabi ni Cristine na kumakaway pa kasama niya sina Jordan, Jillian at Sienna na nakangiti.

  Sumulyap muna ako kay Raven at nagdadalawang isip ma binuksan ang pinto, dali daling pumasok si cristine at lumapit sa lamesa upang ipatong ang dala dala niya.

"Oh? Kumakain kana?" Tanong cristine sa akin.

"A-ah oo bumili ako kanina ng makakain." Kinakabahang sagot ko.

"Siya nga pala lesly okay ka lang ba? Bat ka umabsent?" Nag aalalang tanong ni Sienna.

"Oo nga! Dami pa naman customer kanina!" Sabi ni Jordan at pabagsak na humiga sa sofa.

"P-pasensya na masama lang pakiramdam ko ngayon pero papasok naman na ako bukas." Sabi ko at sumulyap ako kay raven.

"Oh tara na kain na tayo! Para naman may kasabay kang kumain dito." Yaya ni Cristine at naupo na sa mesa.

   Umupo na silang lahat sa mesa at sumunod ako sa kanila naghanda ako ng kutsara at tinidor pati na ang mga platong pagkakainan namin.

  Pinaghainan nila ako ng makakakain ng biglang mahulog ang kutsara ni Jordan.

"Ano bayan nahulog pa!--"

"WAIT!" sigaw ko.

   Natahimik silang lahat na tumingin sa akin.

'Pag pinulot niya yan makikita niya si raven sa ilalim ng lamesa, aish!'

"A-ah madumi na yan papaltan ko nalang, ako na." Kabadong sabi ko at pinulot ang Kutsara at sumulyap kay raven na nakapikit dahil sa kaba.

"Weird mo this past few days lesly ha." Sabi ni cristine sabay subo ng lasagna na dala niya.

--

   Matapos naming kumain ay nagpaalam na sila Sienna, Cristine, Jillian at Jordan na umuwi dahil gabi na nga.

  Inihatid ko sila palabas ng pinto at nagpasalamat sa pagpunta nila, nang tuluyan na silang makaalis ay nakahinga ako ng maluwag.

At lumabas na si Raven sa pinagkakataguan niya.

"Grabe kang bakla ka! Ngayon lang ako nagkaganito ha." Sabi niya.

"Ikaw kasi eh, pero salamat huh." Sabi ko.

"Para saan?" Tanong niya.

"Para sa pag aalala mo sakin." Sabi ko.

"Tss, syempre noh anong kala mo sakin pusong bato?" Sabi niya sakin at ngumiti ako.

  Inimis niya ang pinagkainan namin kanina at inalalayan niya ako papunta sa kwarto ko.

"Magpahinga ka na para makapasok ka na bukas nakakamiss din yang kalokahan mo." Sabi niya sakin.

"Salamat talaga raven." Sabi ko sa kaniya.

"Oo na, sige na mauuna na ko matulog ka na." Sabi niya at nakangiting umalis.

--

SIENNA'S POV

   Nang makauwi ako sa bahay ay nakangiting sumalubong sa akin si Cath.

"Ate Sienna! Finally nakauwi kana! Kanina pa kita iniintay eh" sabi niya sakin sabay hila sa akin papunta sa kusina.

"Teka! B-bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Tulungan mo ko magluto hindi pa kasi kumakain si kuya kasi iniintay kadin niya."

'Wala bang kamay yun? Bat di pa siya kumain mag isa.'

"Ah ganun ba? Anong lulutuin mo?" Sabi ko.

"Hmm what about white chicken chili with cream cheese? Mahilig si kuya sa spicy eh."

"Hmm okay kung ano sa tingin mo magugustuhan mg kuya mo." Pag agree ko at nagsimula na kami magluto.

  




Wild HeavenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora