Chapter 2

2.8K 44 4
                                    

SIENNA'S POV

   Inis akong pumunta sa kusina at naghugas mga pinaglutuan ng cakes.

"Hoy Anyare sayo teh? Bat para kang nalugi at nakabusangot ka diyan?" Sabi sakin ni Raven habang nagbe blend siya ng coffee beans.

"Yun kasing lalaking yon! Kainis! Napaka sungit! Biruin mo? Ang ganda ganda ng bati ko sa kaniya tas inisnob ako? Nakakasira ng araw!" Inis na inis kong kwento kay Raven.

"Ganun po talaga yun, lagi po yun dito tuwing umaga black coffee at lava cake ang inoorder niya kaya yun po ang sineserve namin sa kaniya." Sabi ni Jillian siya naman ang nag aasikaso ng mga cakes.

"Hay nako bakla, hayaan mo na magsungit ang gwapo naman ng pes tas ang macho pa omg bakla sabihin mo bagay kami diba? Diba?" Sabi ni Raven na may pag kembot pa.

"Hay nako taasan mo nga standard mo wag puro gwapo dapat may magandang asal den!kaines!" Sabi ko at nagpatuloy sa paghuhugas.

  Pag katapos ko mag hugas ay tumulong din ako sa paggagawa ng Icing para sa mga cupcakes na gagawin Jillian.

__

Matapos ang madaming customers at mga gawain, mga bandang 5:30 pm ay nagsara na kami.

Dumaan muna kami sa night market kung saan may nagbebenta ng street foods bonding na namin yun tuwing magsasara kami.

"Hoy bakla ka ang siba mo ibigay mo na lang sakin yung isaw kanina kapa chibug ng chibug dyan!" Sabi ni raven kay lesly.

'Kahit kailangan laging nagbubungangaan tong dalwang toh'

"Oy ako kuya pabili ako pares at pabili isang palamig!" Sabi naman ni jordan sa tindero.

"Ikaw ba sienna ano gusto mo?" Tanong ni cristine sakin habang ngumunguya siya ng kwek kwek na binili niya.

"Dugo nalang akin at tsaka isaw tagdalwang order kuya tas pabili nga buko juice at ireregalo ko kay ethan." Sabi ko sa tindero.

Favorite kasi ni ethan ang buko juice kaya lagi ko siya binibilhan.

"May ulam naba si ethan sienna? Oh eto hotdog dalawa yan ah! Bigay mo na kay ethan for sure gutom na yun!" Sabi naman ni Lesly.

  Nagpasalamat ako inaanak kasi ni Lesly si Ethan kaya lagi niyang inaasikaso.

Sigurado akong nasa bahay na si ethan, sa mura niyang edad marunong na siya pumasok at umuwi mag isa dahil nasanay na din siyang busy ako sa trabaho.

Kaya may susi siya ng bahay at may susi rin ako.

"Tantanan mo na kasibaan mo, penge nga ko!" Singit namn ni jordan kay raven at kinuha ang isang dugo.

"Ay grabe bayaran mo yan bwiset ka!" Angal naman ni Raven.

  Tawa naman ng tawa si jillian habang kumakain ng fishball at kikiam.

Ganto ang set up namin tuwing awasan namin kaya masayang masaya ako na sila ang mga naging katrabaho ko.

Nang matapos kaming kumain ay nagsiuwian na kami.

Uuwi muna ako sa bahay dahil mamaya pa namang 10:00 pm ang pasok ko sa bar ka matutulog muna ako saglit at papakainin ko muna si ethan.

Pag uwi ko ay nag gagawa ng assignment si ethan sa lamesa at nang makita niya ko ay sinalubong niya ako ng yakap at halik.

"Hi mommy! How's your day po?" Tanong niya sakin.

"Im fine anak, oh eto hotdog at buko juice may rice dito kumain kana ha?" Sabi ko sa kaniya at tumango siya.

Kinuha niya ang mga bitbit ko para sa kaniya at ako naman ay pumasok muna sa kwarto para umidlip saglit.

__

Nagising ako at tumingin ako sa relo 9:30 pm palang tumayo ako para icheck si ethan at nang silipin ko siya sa kwarto niya ay tulog na din siya.

Hinalikan ko siya sa noo at kinumutan ng ayos atsaka isinara ang pinto, nag ayos nako ng sarili dahil may pasok pako sa bar.

Nang nakaayos nako ay agad akong nag abang ng trycicle na masasakyan atsaka pumunta sa bar na pinagtatrabuhan ko sakto akong nakarating ng 9:45pm.

Pag baba ko nakita ko ang mga kasama ko na nagiimis at nag aayos ng table pati ang mga dancer at singer ay nagaayos na din ako naman ay isinuot na ang name plate ko dahil waitress ako dito.

Maya maya pa ay nagsimula ng magsipasukan ang mga customer at nagpatugtog na ang dj namin kaya umingay na.

Nagserve ako ng mga drink sa mga customer at dumating nanaman ang inaasahan ko.

"Miss halika table ka namin." Sabi ng lalaking kalbo na balbas sarado malaki ang katawan habang nagsisigarilyo.

"Hindi po ako tumetable, waitress lang po ako dito." Magalang na sagot ko at aalis na sana ng hawakan niya ako sa braso.

Sinubukan kong pumalag at dahil nga malaking tao siya wala akong magawa.

"Aarte kapa e! Babayaran ka naman namin!" Sabi neto at nagtawanan ang mga kasama niya.

"Sir bitawan niyo po siya kung hindi tatawag po kami ng pulis at mababanned kayo sa bar namin." Biglang dating ni Zylon ang kapwa waiter ko dito sa bar.

Inis na binitawan ako ng customer at masama ang tingin samin ni Zylon.

"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong sakin ni zylon.

"Oo wala ito sanay nako, pero salamat ah!" Sabi ko naman at ngumiti.

"Wala yun! Oh tara na dami pa orders na dapat asikasuhin!" Sabi niya sakin at ngumiti.

  Nagsimula na kaming maghatid ng orders at magpunas ng mga tables.

Mga bandang 2:30 am ay nagsara na kami, nagmomop ako ng sahig at si zylon ang taga walis.

'Hay nakakapagod! Sa wakas awas na!'

Nang matapos namin gawin lahat ng trabaho namin at umalis.

Nagpasya nakong umuwi sa bahay dahil walang kasama si ethan sa bahay at lalong bawal ako mapuyat dahil maaga pa sa school si ethan bukas at ako ang magaasikaso sa kaniya.

Nang makauwi ako ay tulog parin si ethan.

Naghugas ako ng pinagkainan ni ethan at nag ayos sa kusina saka ako pumasok sa kwarto diko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod.

Wild HeavenWhere stories live. Discover now