Chapter 3

2.2K 37 3
                                    

SIENNA'S POV

  Maaga akong nagising upang ihanda si Ethan sa pagpasok niya sa school.

"Hi mommy goodmorning!" Bati ni ethan sa akin sabay halik sa pisngi ko.

"Goodmorning baby eat your breakfast at mamaya parating na school bus mo okay?" Sabi ko.

Tumango siya at nagsimulang kumain, matapos niyang kumain ay nag ayos na siya at inihatid ko na siya sa school bus.

Nag ayos nadin ako ng sarili dahil papasok pa ako sa trabaho, nang matapos ako mag ayos ay sumakay na ako sa taxi upang makarating sa coffee shop.

Pagpasok ko ay sumalubong agad sa akin ang pagmumukha ng lalaking sumira ng araw ko kahapon.

Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako ng paglalakad.

"Wait." Sabi nito at hindi parin ako tumigil, bigla niyang hinawakan ang kamay ko upang pigilan ako. "I said wait, you idiot."

'Huh! Idiot? Ako?'

"Sapak gusto mo?" Nagpipigil inis na sabi ko.

"Are you going to do that? Is that what you call customer service?" He said sarcastically.

'Wooh, self kumalma ka wag mong patulan.'

"Okay, what do you want sir? And can you please let go of my hand?" I said.

Agad niyang binitawan ang kamay ko, at tumingin siya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa sinasabi ko.

"I just want to ask you something."  Panimula niyang sabi.

"Okay sir, im listening." Pilit na ngiting sabi ko.

"Tsk. Nevermind." Sabi niya sabay layo ng tingin.

'Aba siraulo toh ah!'

Inis ako tumalikod sa kaniya at patago siyang babatukan atsaka ako umalis papuntang kusina.

"Oh? Bat ganyan pes mo day?" Sabi ni Raven sa akin nang makitang nakabusangot akong pumasok ng kusina.

"Eh kasi tong babaeng toh nakipag away kay Mr. Sungit yung daily customer natin." Sabi naman ni Lesly.

"Eh kase naman may pag tawag tawag pa sakin wala naman sasabihen nakakabwiset yung lalaking yun!"inis na sabi ko sabay suot ng apron dahil magsisimula nako maghugas.

"Omg kaloka ka edi sana dimo pinatulan!" Sabi ni raven na nakapameywang pa.

"As if naman na diko siya papatulan noh! Kainis siya! Walang customer customer dito pampasira siya ng araw ko!" sabi ko na padabog na naghugas ng plato.

"Oh diba? Iba ang level ng kamalditahan ni ateng!" Sabi naman ni lesly sabay apir kay raven.

'Ay anggaling oh! Magkakampi sila ngayon.'

Nagpatuloy na kami sa paggagawa nang mga gawain sa kusina si Raven ang nag brew na ng coffee at si Lesly ay naghatid ng Orders, Jillian naman ay naggagawa ng cupcakes at si Jordan ang tagalinis ng Tables.

*Ring Ring Ring*

Tumunog ang cellphone ko, at Unknown number pero sinagot ko parin ito.

"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya.

[Hello po maam? Si Mrs. Everleigh po ba ito?] Sabi nang nasa linya, babae ito at parang hingal na hingal siya.

'Hindi ko alam pero kinakabahan ako.'

"Yes ako nga po."

[Maam, you need to go at St. Venice Hospital naaksidente po ang anak niyong si Ethan.] Sabi nito na ikinagulat ko.

  Para akong nanlumo sa narinig ko, hindi ko namalayan na pumapatak na ang mga luha ko.

Para akong mababaliw at hindi mapakaling tumakbo ako sa kawalan, narinig kong tinatawag ako nina raven at lesly pero hindi ko na sila nilingon.

Kailangan kong makita ang anak ko, kailangan ko siyang makita ngayon, kumakabog ang dibdib ko sa kaba at takot dahil hindi ko kakayanin kung ang anak ko ay mawawala siya nalang ang meron ako, at mababaliw ako kapag nawala siya sa buhay ko.

Sumakay ako ng Taxi at agad akong nakarating sa hospital na sinabi sa akin ng babae.

"Nurse, Ethan Gabriel Everleigh? Asan po siya?" Mabilis na tanong ko sa nurse.

"Maam nasa Emergency Room po, 3rd bed po." Sabi nang nurse at agad akong tumakbo sa sinasabi niya.

Nakita ko ang anak ko na inaasikaso nang mga nurse at doctor.

"Doc ano po nangyari sa anak ko doc? Tulungan niyo po ang anak ko!" Umiiyak na sabi ko halos alugin ko na ang doctor dahil sa takot na mawala ang anak ko sa akin.

"Nabangga ang anak mo nang isang Taxi, Nawalan ng preno ang taxi driver kaya aksidenteng nabangga siya swerteng nakaligtas ang anak mo, pero napuruhan ang Ulo niya na nag cause ng comatose." Mas lalo akong nanlumo sa narinig ko.

"D-doc hanggang kailan magiging comatose ang anak ko?" Nanghihinang sabi ko.

"Let's say 2-4 months, pero malay natin mas maaga pa siya magising." Sabi ni doc, tinapik niya ako at nagpaalam na mauuna na tumango nalang ako at naupo sa tabi nang higaan ng anak ko.

  Tinignan ko siya nakahiga siya may benda sa ulo may oxygen.

Awang awa ako sa itsura ng anak ko, para akong mababaliw hindi ko akalain na magiging ganito siya.

'Kasalanan ko ito.'

Kung hindi ako nagpabaya hindi mangyayari sa kaniya ito, hindi siya maaaksidente hindi siya maoospital.

Nagpasya akong umuwi sa bahay saglit upang kumuha ng mga damit para sa pagiistay ko sa ospital, sasamahan ko ang anak ko hanggang sa magising siya.

Pag uwi ko sa bahay agad akong nag ayos nang mga damit at mga gagamitin sa ospital.

*ring ring ring*

Sinagot ko ito dahil ang tawag ay mula kay raven.

[Hello day? Anong nangyari sayo? Nag aalala kami sayo.] Nag aalalang sabi ni Raven.

Naiiyak ako hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.

"Raven...." umiiyak na sabi ko. "Si Ethan.. naaksidente.."  hagulhol na sabi ko pinipigilan kong umiyak pero diko mapigilan, naninikip ang dibdib ko hindi ako mapakali.

[Ha?! T-teka pupunta kami diyan saang ospital ba yan?] Sabi ni Raven na natataranta.

"N-nasa bahay ako ngayon kumukuha ako nang gamit, pero nasa St. Venice Hospital si ethan dun niyo nalang puntahan.." sabi ko at pinatay ko na ang tawag.

  Halos sumabog ang dibdib ko at mabaliw ako sa pag aalala, hindi ako makapaniwalang naaksidente ang anak ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ang kaisa isang taong pinakamamahal ko, at si ethan ang dahilan kung bakit ako gumigising sa umaga, at pag nawala siya di ko na alam ang gagawin ko.

Matapos kong mag ayos ng gamit ay nagpasya nakong umalis para bumalik sa ospital.

Wild HeavenWhere stories live. Discover now