Chapter 5

2K 34 6
                                    

KNOX'S POV

  When i turned to face her i saw a shock in her eyes, this woman is what i need in my problem.

"IKAW?!" She said.

"Yes its me, I am Knox Cree Donavan." I introduced myself to her.

"P-paanong? Teka nga! Iniistalk mo ba ako? Stalker kaba?" She suddenly said.

'Tsk! This woman is really weird.'

"Why do you say that?" I said.

"K-kasi.. ano.. uhm."  She said. "B-bakit alam mo yung tungkol sa anak ko?!" Agad na sabi niya.

"I hired a private investigator to find out all about you." Sagot ko sa kaniya.

"P-private investigator?! Without my permission?" Sabi niya at nakapameywang pa.

"Who the hell will let you know? That's why it's called private investigator, right? Your permission is not required."
  

'She's so annoying.'

"Uhm.. sabi ko nga.. pero bakit mo binayaran ang bills namin? Ano bang kailangan mo sa amin?" Tanong niya.

"Well, i know you don't have money to pay all the bills, so i paid it but it's not for free, kailangan mo akong bayaran." I explained to her.

"Okay, babayaran ko yun so magkano at pwede bang hulughulugan? A-alam mo na, i have 2 jobs in 1 day kaya siguro kakayanin kong bayaran yung bills." She said.

"150,000." Sabi ko sa kaniya na ikinalaki ng mata niya.

"ONE HUNDRED FIFTY THOUSAND?!" She said and i nodded. "T-teka, kaya mahal kase inilipat mo ang anak ko sa private room nayun? Diko kaya yun! Super laki!" Natatarantang sabi niya.

"You don't need to be confused, you can pay me for that, right away." Sagot ko sa kaniya.

"Huh? P-pano?"

"Marry me."

  Kita ko ang gulat niya dahil sa sinabi at natulala pa siya kaya ipinaliwanag ko pa sa kaniya.

"Marry me and you will get everything you want."

"T-teka nga ha, wait lang anong kasal? At ano yung sinasabi mo wala akong maintindihan, nanggagago kaba? Prank ba toh?" Sunod sunod na sabi niya.

"This is not a prank, sabi mo gusto mo akong bayaran yun lang ang hiningi ko sayong bayad." Sagot ko sa kaniya.

"Wait, sarili ko ang pinaguusapan dito ha, anong kasal bakit ako magpapakasal sayo?"

"Okay i will explain everything to you, have a seat." Sabi ko sa kaniya at agad naman siyang umupo sa harap ko. "My mom and dad have past away, iniwan nila ang isang pamana sa akin but maaari ko lang makuha yun kapag, nag kaasawa na ako."

"So gagamitin mo kami para lang sa pamana?"

"Hindi lang yun basta pamana okay?  3 resorts and 1 old country mansion na mahalaga sa akin lalo na at bigay yun nang grandfather ko." Sabi ko.

"So magpapakasal ako sayo dahil lang dun? Pede bang wag nalang maghanap ka nalang ng iba dyan bat ako pa?" 

"I don't know i just need someone at hindi ako kukuha ng kung sino sino lang."

 "Eh bakit nga ako?" Naiinis na sabi niya.

 
"I don't know okay? I just picked you."

Bumuntong hininga siya at umalis.

Sigurado akong papayag siya, hindi pwedeng hindi.

--

SIENNA'S POV

   'Huh! Kakaiba yung lalaking yun! Kasal? Sa kaniya? Asa siya!'

Kung alukin niya ako para bang hindi big deal ang marriage status ko, mahalaga yun ah! Hindi pa ako nagpapakasal kahit kanino so hindi madali sa akin ang magpakasal kung kanikanino.

Inis na inis akong lumabas ng opisina niya, babayaran ko siya sa paraan na gusto ko at hindi ako magpapakasal sa kaniya kahit anong mangyari.

Sumakay na ako ng taxi upang makabalik sa ospital babantayan ko ulit si Ethan dahil bukas ay papasok na ako sa trabaho, kailangan ko ng makaipon ng pera upang makabayad sa knox nayun.

Nang makarating ako sa ospital ay sumalubong sakin sina raven at lesly.

"Saan ka galing be?" Sabi ni Raven.

"May pinuntahan lang, bakit ang aga niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Iniwan na namin si jordan at jillian dun, gusto ka naming samahan dito para magbantay kay ethan." Sabi ni Lesly.

"Oo nga, nagdala nga ako ng machichibog oh! Nachos at Soda." Sabi ni Raven.

Inilagay ni Raven ang nachos sa plato at isinalin ito ang soda naman ay inilagay niya sa baso.

"Yes! Tara na kain na muna tayo! Nagugutom na ako." Sabi ni Lesley sabay dampot ng nachos hinampas naman ni Raven ang kamay niya. "Aray!"

"Wag kang lamon ng lamon pipicturan ko pa yan kaloka ka!"

"Eh picture picture pa kakainin parin naman yan ano ba penge isa lang e!"

"Wag kang patay gutom bakla ka wait lang ipopost ko pa ito sa instagram noh!"

'Hays nagbabangayan nanaman tong dalwang toh.'

Iiling iling akong pumunta sa banyo kanina pa ako naiihi, nang matapos ako ay kumain na kami nina raven at lesly at ang matapos kami ay bumili pa ako ng kanin at ulam sa karenderya na malapit dito sa ospital kasama ko si lesly bitin kasi sa akin ang nachos na dala ni raven.

"Anong ulam gusto mo?" Tanong ni Lesly.

"Yan nalang uung lechong paksiw mukhang masarap at yung adobo tas 5 rice." Sabi ko.

"5 rice? Tatlo lang naman tayo ah?" Sabi ni Lesly.

"Eh malay mo magutom pa edi may extra rice ah basta yan nalang." Sabi ko.

Bumili na si Lesly ng makakakain at saka ako dumaan ng convenience store iniwan ko muna si Lesly sa karenderya.

Pag pasok ko sa convenience store ay pumunta ako sa parteng merong snacks balak ko ring bumili ng sanitary napkin.

Nagulat ako ng may kumulbit sa akin kaya agad akong lumingon nakangiting sumalubong sa akin si zylon.

"Hi sienna! Anong binibili mo?" Tanong ni Zylon.

Agad kong binitawan ang sanitary napkin.

"Uhm chips haha, ikaw?"

"Balak ko lang bumili ng yogurt, bat di ka pumasok?"

"Si ethan kasi na aksidente kaya binantayan ko muna sa ospital."

"Ano? Eh kamusta ka naman? Pati si ethan?"

"Okay naman, kailangan ko parin magpatuloy kaya habang hindi pa nagigising si ethan kailangan ko munang magtrabaho para makaipon ng ipangbabayad sa bills."

May kinuha si Zylon sa wallet niya at iniabot ang 3 thousand sa akin.

"Ipon ko yan pero itutulong ko nalang sayo, mahalaga din naman sa akin si ethan." Sabi nito.

"N-naku wag na ano ba--"

"Tanggapin mo na sienna sige ka pag dimo tinanggap yan magtatampo ako parang ganito oh!" At pinalobo niya ang pisngi niya.

Natawa ako sa ginawa niya kaya tinanggap ko na ito.

'Kahit kailan talaga napapagaan ni zylon ang pakiramdam ko.'

"Sige salamat ibabalik ko ito pag nakaraos na ako." Sabi ko.

Sabay na kaming nagbayad sa counter at nagpaalam na ako sa kaniya dahil hinihintay ako ni Lesly sa karenderya.

 

Wild HeavenWhere stories live. Discover now