Chapter 1

4.9K 65 4
                                    

SIENNA'S POV

"Goodmorning Mommy!" Bati ng napakagwapo kong anak.

Nakangiti itong lumapit sa akin at yumakap ito.

"Goodmorning my baby boy." I said and hug him too.

Naghanda ako ng almusal at pinaupo ko na siya para makakain may pasok pa kasi siya sa school kaya maaga kami nagising.

"Mommy im done eating na!" Tuwang tuwang sabi ni Ethan.

Isinuot ko na ang sapatos niya at ang school bag niya.

"Let's go baby?" Sabi ko sa kaniya sabay halik sa noo niya.

Tuwang tuwa itong tumango at narinig namin ang busina ng school bus niya agad ko siyang inilabas at inihatid para makasakay na siya.

Nang makita kong nakasakay na siya ay kumaway ako sa kaniya.

"Babye mommy!" Sabi ni Ethan na kumakaway rin.

Nakangiti akong pinagmamasdan ang anak ko hanggang sa hindi ko na makita ang bus na sinakyan niya.

Pumasok nako sa bahay at nagsimulang mag linis ng bahay, naghugas ako ng mga plato, nagwalis at naglaba.

Maaga pa naman para sa trabaho ko kaya mas mabuti linisin ko muna ang bahay dahil madumi narin.

Nakangiti ako ng makita ang drawing ni ethan magkahawak kami ng kamay at nakasulat sa taas ang mommy loves ethan.

Kinuha ko ito at inilagay sa kwarto niya kasama ang iba pa niyang drawings.

Mahirap maging single mom, pero masarap sa pakiramdam ang makitang napalaki mong maayos at mabait na bata ang anak mo kahit na nag iisa ka lang.

Nang matapos kong maglinis at maisampay sa bakuran ang mga damit na nilabhan ko ay agad akong naligo upang makapaghanda na sa trabahong papasukan ko.

Isa akong Dishwasher sa isang coffee shop at sa gabi naman ay nag tatrabaho akong waitress sa isang bar.

Nagbihis nako ng white polo at pants, itinali ako ang mahaba kong buhok.

Matapos kong mag ayos ng sarili ay isinara ko na ang mga bintana at pinto sa loob atsaka lumabas ng bahay.

Pumara ako ng Trycicle dahil mas mura ito kaysa mag taxi ako.

"Manong sa Aroma Touch Coffee shop po." Sabi ko sa driver.

Medyo kilala kasi ang Coffee shop na iyon dahil minsan nadin itong na promote sa isang tv show.

Tumango ang driver at nagsimulang mag maneho, nang makarating ako sa coffee shop ay nagbayad na ako at nagpasalamat.

Pagpasok ko sa coffee shop ay sumalubong sa akin Si Lesly ang kasamahan ko dito sa trabaho waitress naman siya dito.

"Hi bess! Mukhang pagod ah! Kamusta si ethan?" Tanong ni Lesly.

"Ayun pumasok na sa school, medyo pagod ako kasi naglinis pa ako sa bahay, si jordan andyan na ba?" Tanong ko.

Si Jordan ay kasamahan ko din sa trabaho janitor siya dito taga mop ng sahig, tagalinis ng banyo at taga punas ng mga lamesa.

"Ay oo, nililinis lang yung banyo barado nanaman eh nakakaloka!" Nakakatawang sabi ni Lesly, Natatawa akong umiling at isinuot ko na ang hair net at apron ko.

Binati din ako ni Cristine siya naman ang cashier namin dito.

"Goodmorning!" Bati nito sa akin

"Goodmorning den! kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Ay ako hinde pa gutom na gutom na nga ako kaya after ko dito lalamon muna ako noh!" Sabi ng isa pa naming kasamahan, Ang beking si Raven siya naman ang taga gawa ng coffee orders, katulong niya din si Jillian ang pinakabatang staff ng Aroma touch Coffee shop.

"Gaga ka bakla gutom na din ako noh! Hindi pepwedeng ikaw lang lalamon!" Sabat naman ni Lesly.

"Edi kumain nalang tayong lahat!" Suggestion naman ni Jordan na kalalabas lang ng banyo.

"Gaga! Sino naman magbabantay ng Shop aber gusto mo bang majombag tayo isa isa ni Boss?" Sabi naman ni Raven.

"Sige na ako na magbabantay pede na kayong kumain basta dalian niyo lang, dahil baka may pumasok ng customer." Sabi ko naman.

"Hindi ka ba kakain Sienna?" Tanong ni Cristine.

"Hindi na kumain na ko bago pumunta dito kaya busog ako, kayo nalang dalian niyo lang ha!" Sabi ko at ngumiti.

Matapos namin mag usap lahat ay tinapos na nila ang mga gawain nila at umalis saglit para kumain sa malapit na Convinience store.

Habang ako ay nagbabantay dito sa Coffee shop, ay hindi inaasahang may pumasok agad na customer.

"Goodmorning sir! Welcome to Aroma Touch Coffee Shop! What is your order?" Masiglang bati ko sa kaniya at tinignan niya lang ako at naupo na siya sa table.

Para akong tanga na nakangiti at naiinis akong pumunta sa table niya.

'Siraulo toh ah! Di ba naman ako pinansin?'

"Sir may i know your order?" Medyo nagpipigil inis na sabi ko.

Tinanggal niya ang shades niya at tinignan ako ng blangko ang mukha.

"Why are you even asking?" Cold na sabi niya.

'Malamang para malaman ko order mong bwiset ka! Nakakapang sira ng araw toh ah!'

"Uhm sir, kung hindi po kita tatanungin pano ko malalaman kung ano ang order niyo?" Naiinis na tanong ko sa kaniya pero nakangiti parin ako

"Get out of my sight." Sabi niya sakin at sumandal.

Nagpipigil ako ng inis na bumalik sa counter.

'Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mo umorder bwiset na lalaki toh ang yabang!'

Maya maya lang ay bumalik na ang mga kasamahan ko at nakita nilang may customer mula sa pagdaldalan at asaran ay bigla silang tumahimik at agad na kumilos.

'Weird ng mga toh.'

Nagtataka akong tinignan si Lesly at agad naman niya akong sinagot.

"Yan ang regular customer dito gantong oras siyang umoorder ngayon mo lang siya nakita kasi lagi kang nasa loob ng kusina~~~" bulong niya sa akin at nagmamadaling kumilos.

Agad na kumuha ng order si Lesly at isinerve dun sa mayabang na nakaupo sa table.

"This is your Black Coffee and lava cake sir i hope you enjoy it!" Masiglang bati ni Lesly at nag bow.

'Huh! Kaya pala di nagsasabi ng order kasi dapat alam na namin ang oorderin niya ay talagang hangal siya!'

Lumapit sakin si Lesly at bumulong ulit.

"Gwapo niya noh? Kaso nakakatakot, pero pede na~~~" sabi nito na parang nanghihinayang.

'Gwapo ba yan? Ang yabang yabang kala mo kung sino!'

Wild HeavenWhere stories live. Discover now