Chapter 4

2K 45 4
                                    

SIENNA'S POV

   Pag balik ko sa ospital ay nagtataka ako dahil diko makita si ethan kung saan ko siya iniwan, may nakasalubong akong nurse at agad ko itong tinanong

"N-nurse alam mo ba kung nasaan ang pasyente dito?"

"Uhm inilipat na po siya sa Private room sa Room 306 po." Sabi niya at umalis na.

'P-private room? Wala naman akong pambayad sa private room at diko naman sinabi?'

Nagtataka akong pumunta sa Private room at pagpasok ko ay nakita ko sina Raven, Jillian, Lesly at Jordan nakaupo sila sa sofa.

Ang private room na ito ay may aircon, Malaking Tv, Malaking bintana at may nakalagay na kurtina, May sarili rin iyong banyo at komportable den ang higaan ni Ethan.

"Oh bes andito kana, halika." Sabi ni Lesly at pinaupo ako sa sofa, niyakap niya ako bilang pagcomfort sa akin.

Umiyak nanaman ako dahil sobrang nag aalala talaga ako kay ethan.

Matapos kong sabihin sa kanila ang tungkol sa nangyari at sa kondisyon ni ethan ay hindi ko maiwasang itanong kung sino ang kumuha ng private room.

"Uhm, kayo ba ang nag request nang private room para kay ethan?" Tanong ko sa kanila na agad nilang ipinagtaka.

"H-hindi, nung pumunta kami dito nasa private room na si Ethan, wala naman kaming pera para ipaprivate room siya." Sabi ni Raven.

'So sino ang kumuha ng private room? Wala akong pambayad dito lalo na at mamromoblema ako sa bills dito.'

"Paano nga pala ang bills? Kung kailangan mo pede kaming mag ambag ambag para makatulong manlang." Sabi ni Jordan.

Agad namang sumang ayon sina Jillian, Lesly at Raven.

"Salamat, mabuti nalang andyan kayo para tulungan ako." Sabi ko sa kanila.

--

  Nagpasya akong pumunta sa counter para itanong kung magkano ang bills at bibili rin ako nang makakain.

"Nurse uhm about Patient Ethan Gabriel Everleigh's bills?" Tanong ko sa nurse.

"Wait maam." sabi nito at abalang nagtype sa computer. "Maam, bayad na po ang bills niyo."

Kumunot naman ang noo ko sa narinig.

'Bayad? Hindi pa ako nagbabayad.'

"Uhm hindi pa ako nagbabayad baka error lang." Sabi ko ulit.

"No maam, sabi dito bayad na daw po kaninang 4:30pm." Sabi ng nurse.

"Sino daw po nagbayad?" Tanong ko.

"Uhm, Mr. Knox Cree Donavan, siya po ang nagbayad ng lahat ng bills."

'Sino naman yun? At bakit niya binayaran ang bills namin?'

  Nagpasalamat ako sa nurse at pumunta na ako sa bilihan ng pagkain dahil gutom narin ako, binilhan ko narin sina Raven, Lesly, Jillian at Jordan para pasasalamat ko din sa kanila.

Pagbalik ko ay nakita kong nakatulog na si Raven at Lesly magkasandal silang dalawa, si jillian naman ay umuwi na daw ayon kay Jordan.

"Oh? Jordan andyan ka pa pala, eto cup noodles para naman makakain ka kahit papaano." Sabi ko sabay abot nito sa kaniya sinamahan ko narin ito ng tubig.

"Salamat, mamaya uuwi narin ako diko na kayo masasamahan pero bukas babalik ako." Sabi ni jordan.

"Salamat ha, mabuti nalang andyan kayo para sakin." Sabi ko.

"Wala yun! Problema ng isa problema ng lahat kaya wag mong alalahanin yun! Atsaka kaya yan ni ethan anlakas lakas nyan e, dika iiwan niyan." Pagchcheer up sa akin ni Jordan.

Ngumiti nalang ako at kumain narin, hindi ko na ginulo si Lesly at Raven dahil alam kong pagod sila sa maghapong pagtatrabaho.

Matapos naming kumain ay nagpasya na si Jordan na umuwi dahil gabi narin kasi at pumwesto na ako sa isa pang sofa na nakalagay dito at doon ako natulog.

--

Nagising ako dahil sa sikat ng araw wala na sina Lesly at Raven siguro pumasok na sila sa trabaho, hindi na muna ako papasok sa trabaho dahil wala pa ako sa sarili para magtrabaho gusto ko munang bantayan ang anak kahit ngayon lang.

Hindi parin mawala sa isip ko ang Knox Cree Donovan na nagbayad ng bills namin ni hindi ko siya kilala pero binayaran niya ang bills namin.

Alam ko ang pangalan niya pero di ko siya kilala at hindi ko din alam kung pano ako makakapagpasalamat sa kaniya.

Utang na loob ko sa kaniya ang ginawa niya at hindi ako papayag na hindi kao babayaran yun kaya hahanapin ko siya upang makilala ko din kung sino siya.

Pumunta ako sa counter upang itanong kung may iniwan na cellphone number ang Knox Cree Donovan na sinabi nila at himalang meron daw kaya agad kong kinuha yun upang matawagan ko siya.

Dinial ko ang number niya sa Cellphone ko at nagriring ito.

"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya.

[I know you will call me, let's meet the address i will give to you.] Sabi nito at pinatay na ang tawag.

'Grabe di manlang ako nakapagsalita.'

  Nagpasya akong pumunta sa address na itinext niya sa akin, ito narin ang pagkakataon upang makapagpasalamat ako sa kaniya at ipapangako kong huhulughulugan ko ang ibinayad niya dahil ayoko rin naman na magkaroon ng utang na loob sa iba lalo na sa hindi ko kilala.

Sinigurado ko munang ayos si ethan bago ako umalis at tsaka ako sumakay ng taxi upang makarating sa address na ibinigay ni Knox.

Nang makarating ako sa address ay nakita ko ang mataas na building at nakalagay dito ay Donovan Corp.

Pagmamay ari niya ang building na ito, kaya siguradong mayaman siya, pumasok ako sa loob at itinanong kung asan ang office niya.

Itinuro nang staff sa akin ay sa 15th floor nagpasalamat ako atsaka sumakay nang elevator upang makarating sa 15th floor nang makarating ako ay nakita ko ang napakalawak na hallway at isang pinto, pumasok ako don dahil siguro akong yun ang opisina ni Knox.

Pagpasok ko ay kapansin pansin ang glass wall ng buong opisina malawak din dito at maganda ang paligid napansin ko ang lamesa at nakalagay dito ay Knox Cree Donovan CEO of Donovan Corp.

May nakaupo dito ngunit nakatalikod ito kaya hindi ko siya makita.

"Welcome to my company Mrs. Sienna Everleigh." Sabi nito.

'Kilala niya ako?'

"U-uhm about sa bills, salamat sa ginawa mo at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makabawi sayo." Sabi ko.

"Hindi yun libre, may kapalit yun." Sabi niya at unti unti humarap sa akin.

Nakilala ko ang pagmumukha niya kaya ikinalaki ito ng mga mata ko.

"IKAW?!"

Wild Heavenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن