My Closet Queen (Chapter 67)

Start from the beginning
                                    

" Ma, Pa!" dumilat na ako para hindi na lalo mag alala ang magulang ko

" anak" dali daling pumunta si mama at papa sakin

" ma bakit ako nandito?" hindi ko talaga maalala kung bakit ako nandito

" anak hindi mo ba natatandaan na nawalan ka ng malay sa loob ng sasakyan mo, narinig ng guard na may busina ng sasakyan sa tapat ng bahay natin hanggang sa makalabas na sya ng gate hindi humihinto yung busina akala nya pinapabuksan mo lang yung gate pero paglapit nya sa sasakyan mo nakita ka nya nakapatong na ang ulo mo sa manibela kaya pala hindi humihinto yung pagbusina. Akala namin kung ano nangyari sayo. Dalawang araw ka ng nandito anak mabuti at nagising kana."

Nabigla ako sa sinabi ni mama na dalawang araw na akong nandito. Biglang bumukas yung pinto

" ATE!!!!!" sabay takbo ni Samuel sakin at niyakap ako

" ate mabuti nagising ka na, kala ko hindi ka pa gigising ako lahat may kasalanan kung bakit nangyayari sayo to ngayon kung hindi ko inamin sayo yung lagay mo hindi mo iisipin yun at hindi ka ma s-stress wala ka sana ngayon sa ganitong sitwasyon sorry ate" sabi ni Samuel habang umiiyak na

" Samuel sabi ko sayo diba wag ka umiiyak dahil pang bading lang yan, tignan mo oh nakikita ka pa ni Giezel, naku bawas pogi point yan" biro ko kay Samuel dahil ayaw kong sinisisi nya ang sarili nya

" ate sabihin mo ng bading ako pero ayaw kitang mawala hindi ko talaga kakayanin mawala ka samin. Please ate wag na maulit to" tuloy tuloy pa din sa pag iiyak si Samuel wala sa kanya kahit nakikita na sya ni Giezel kaya hinagod ko nalang yung likod nya para kumalma na sya

" tahanan na. Promise hindi na mauulit to." Sabi ko kay Samuel kaya dali-dali syang umalis sa pagkakayakap sakin

"PROMISE?"

Natawa ako sa reaksyon ni Samuel para talagang bata to na kala mo pinangakuaan na bibilhan ng laruan

" oo kaya punasan mo na yang mukha mo puro na luha at sipon. Yuck" sabay naman punas nya sa mukha nya. Kahit kalian talaga to

" tara nga dito yakapin mo nalang ako ulit ng maging ok na si ate mo" sabi ko at yumakap naman agad si Samuel sakin

" mga anak dito muna kayo pupunta lang kami ni Papa nyo kay doc at sasabihin naming gising na si Samuel" napatingin kami kay Mama na maluhaluha yung mata dahil na din siguro sa pag iyak ni Samuel nadala din sila miske naman ako naiiyak pero pinipigil ko lang dahil alam ko pag nakikita ni Samuel na mahina ako mas mag aalala sya sakin.

" sama na ako ma" sabi ni Samuel kniss ako ni Samuel sa noo at lumabas na sya kasama sila mama

Tumabi sakin si Giezel ngumiti lang ako sa kanya

" wag mo ako nginingitian dyan, bakit hindi mo sakin sinabi?" pasungit na sabi sakin ni Giezel

" Giezel yung araw na galing ako sainyo sabi mo kailangan ko marinig yung explanation nya para magkaroon ng closure, nung gabi na din na yun nag usap kami ni Christian sinabi nya sakin na kaya sya nawala dahil nalaman nya na may sakit ako sa puso natakot sya na iiwan ko din sya kagaya ng mama nya pero ngayon kaya daw sya nandito dahil handa na sya ipaglalaban nya ako "

" kaya pinatawad mo sya at pano yung sainyo ni Jess? " singit ni Giezel

" pinatawad ko sya dahil sa dahilan nya dahil hindi ko sya masisisi kung ganun dahilan nya dahil nakita ko kung gaano sya nasaktan nung iwan sila ng mama nya. Yung samin ni Jess hindi ko alam dahil sa katangahan ko nawala sya sakin "

My Closet Queen (girlxgirl story)Where stories live. Discover now