Kabanata 43

45 3 4
                                    

“Mga babae nga naman.” Kumunot ang noo ko kay William. Matapos ‘kong i-kwento sa kanila ang nangyaring pagtatalo namin ni Theo ay ‘yan ang una ‘kong narinig mula sa kaniya.

“Wow, relate na relate? Bakit, sinagot ka na ba no’ng nililigawan mo? Makapagsalita ‘to,” bato pabalik sa kaniya ni Abbi. Inirapan niya pa ito bago ako muling hinarap.

“Shut up…”

Ngumuso ako nang hampasin ni Abbi ang tuhod ko. “Bakit naman kasi gano’n ang naging reaksyon mo? Bakit gustong-gusto mong papuntahin ang jowa mo ro’n sa party na ‘yon, aber?”

Huminga ako nang malalim, medyo naguguluhan din sa naging labis na reaksyon ko kanina. “Eh kasi nga… gusto ‘kong malaman kung maiisip niya ba na kung ‘yung babae talaga na ‘yon ang gusto niya ngayong nagbalik na ‘yon at hindi naman talaga ako.” Bumagsak ang mga balikat ko nang maramdaman ko ang pait sa aking dibdib.

“At bakit mo naman naisip ‘yang shuta ka?” Pakuwari ko’y gusto nang hilahin ni Abbi ang buhok ko pero pinipigilan niya lang.

Nandito kami ngayon sa open space ng bago naming bahay. Hapon na kaya hindi na gaanong mainit at nakakatulong ang pang hapong hangin sa nararamdaman ko kahit na papaano.

“So you feel threatened in that girl named Sammie?” Bumuntong-hininga ako nang mag play sa isipan ko pagtawag ni Theo sa babaeng ‘yon sa palayaw niya.

Nakatanggap ng hampas sa braso si William mula sa katabi niya.

“Wala ka no’ng mga panahon na down na down ‘tong si Alex dahil sa insecurities na nararamdaman niya sa babaeng ‘yon! Dahil madalas na fine-flex ‘yon ni Theo sa account niya. Ito namang si Alex, todo-compare sa sarili niya roon sa babae.” Umiling-iling si Abbi, ipinapakita ang kaniyang pagkadismaya.

William raised both of his hands, surrenderig. “I’m sorry, I was just asking.”

“Psh.”

“Bakit ba ang init-init ng ulo mo sa akin ha?” Bumuntong-hininga ako. Kahit ganiyan mag-usap ang dalawang ‘yan ay alam ‘kong hindi sila kailanman mag-aaway.

“Anong mainit ang ulo? Kumukulo pa ang dugo ko sa’yo!” Himbis na mainis o mapikon si William ay nagawa niya pang tumawa nang malakas.

“Shuta ka, seryoso ‘yon.” Tinignan ulit ako ni Abbi. “Balik tayo sa’yo.”

“Oh edi nasaan na ngayon ‘yung boyfriend mo?” Nakataas ang kilay niyang tanong.

I twisted my lips before answering, “Umalis.”

Umusog siya palapit sa akin habang naka-upo. “Nagpaalam?”

Nakanguso akong tumango. “Oo pero hindi ko pinansin.”

“Ayon, pridenisivilinism.” Kinagat ko ang labi ko. Guilty sa sinabi ng kaibigan.

“Wala ka bang tiwala sa boyfriend mo? Sa mga sinabi at ginawa niya sa’yo?”

I sighed heavily, my heart suddenly aches in her questions. “Mayroon naman.”

“Threatened ka nga kaya ka nagkaka ganiyan?” Pinagmasdan ko ng ilang sandali si Abbi bago dahan-dahang tumango.

Ewan ko ba. No’ng mabasa ko ang message, no’ng makita ko ang pangalan no’ng babae sa contacts ni Theo, ‘yung pagtawag ni Theo sa babae at no’ng binitawan niya ako nang malamang may natanggap siyang message, dahil sa lahat ng ‘yon bumalik sa akin ang mga videos nila na magkasama, kung paano niya i-flex ‘yung babae at ‘yung kahit na hindi ko siya o sila tuluyang kilala ay nararamdaman ko kaagad na gustong-gusto o mahal na mahal niya talaga ‘yung babae.

Gushing You From Afar (EDITING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant