Kabanata 5

44 7 0
                                    

Late akong nakatulog…

Dahil sa kakaisip ng isang bagay.

At paggising ko, ganon parin. I just opened my eyes and I felt like only minutes had passed when I fall asleep.

Ilang sandali akong tumitig sa kisame. Naguguluhan… sa sarili. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto sa akin ng isang taong… hindi ko naman kilala.

Pero parang kinukurot talaga ang puso ko sa tuwing iniisip ko na… meron na siyang nagugustuhan.

Na ‘yung taong hinahangaan ko mula sa malayo, may hinahangaan din at… hindi ako ‘yon.

This feeling is unusual for me. Hindi ko alam kung kailan ko huling naramdaman itong… para wala akong gana na simulan ang araw ko. Hindi alam ang gagawin. Mabigat ang isip na parang ang daming alaman.

Sana tungkol nalang sa acads laman ng utak ko eh.

Huli ko atang naramdaman ‘to no’ng online class. Nagkaroon kasi ng pakulo ang school namin. Na kung gusto naming mag-aral habang nasa bahay lang, hawak namin ang oras namin, lalo na para sa mga working students, nagpatupad sila ng online class.

At syempre gumora ako. Akala ko gi-ginhawa ang buhay ko bilang estudyante eh.

Eh awit, lalong bumigat.

Umupo ako sa kama. My blanket is still covering my lower body. Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa bintana. Natulala ng ilang sandali bago bumuntong-hininga.

Kagabi, ilang beses kong pinanood ang mga videos nilang dalawa kaya ako napuyat. Iyon na ulit ang pinaka mahabang oras na ginamit ko ang phone ko simula mag bakasyon.

At habang tumatagal… mas lalong bumibigat ang dibdib ko. Sumisikip. Mas lalo akong natutulala.

Kinagat ko ang labi ko at tumayo. Hindi na nag abala pang ligpitin ang kama katulad ng madalas kong ginagawa. Hindi rin muna ako nagpunta sa banyo para gawin ang routine ko. Mabilis kong sinuot ang pambahay kong tsinelas tsaka lumabas, walang pakialam sa itsura.

Kaya nang makita ako ni Lola… natigilan siya. Ngumiti lamang ako at nagmano sa kaniya bago pumunta sa lamesa namin.

Malasadong itlog at sinangag na kanin.

Dati, agad akong mapapangiti kapag nakita ko ang masarap kong almusal.

Pero iba ngayon.

“Late… ka… ata nagising apo?” Si Lola. Parang ingat na ingat sa kaniyang sinasabi.

Tipid akong ngumiti. “Nagbabad na naman ako sa harap ng phone ko Lola eh,” sagot ko at saglit lang na binalingan si Lola.

Delikado na, wais ‘tong si Lola. Baka malaman niya ang nararamdaman ko.

“May... problema ba apo?” I sighed. Lumapit sa akin si Lola.  “Hindi ka muna nag-ayos.”

She gently stroked my hair.

Nilingon ko si Lola, nakanguso. Hindi alintana ang dilaw ng malasadong itlog sa gilid ng aking labi.

“Maganda parin naman ako La, diba?” Ilang sandali akong tinitigan ni Lola. Kinabahan ako. Kasabay niyon, ang pagsagi muli sa isip ko ng kagandahan no’ng… nagugustuhan ni Theo.

Hindi ko alam kung pwede ko ba siyang tawagin sa nickname niya pero hindi niya naman ako kilala kaya bahala siya riyan.

“Oo naman. Maganda ka at mas lalong nagpapaganda sayo ang pagsusubok mong mahalin ang sarili mo. Ang ibig kong sabihin kasi ay no’ng subsob ka pa sa pag-aaral mo ang huling beses kitang nakitang ganito ang itsura pagkagising palang.” Matamis akong ngumiti kay Lola. Oo at…hindi ako okay ngayon pero ayoko namang mag-alala sa akin si Lola.

Gushing You From Afar (EDITING)Where stories live. Discover now