Kabanata 24

18 1 0
                                    

Isinarado ko ang pintuan ng kwarto ko at nagtungo sa kinaroroonan ni Lola. Nasa may sala siya habang sumisimsim nang mainit na kape.

Alas diez na ng umaga. Napaaga ang gising ko para magawa ko rin nang maaga ang iba ko pang mga school papers. Lalo na’t isang linggo akong mawawala.

“Lola?”

“Oh, apo?” Kaagad na umayos ng upo si Lola. “Ang aga mo atang lumabas ngayon? Tapos mo na ang mga gawain mo?” Nakangiting tanong nito, bahagya itong humarap sa aking banda. Nakangiti akong umiling at naglakad para maupo sa kaniyang tabi.

“Hindi pa po, La. Pero inagahan ko rin talaga ang gising ngayon para maaga kong masimulan ang mga gawain ko. Bukod pa ro’n La… may sasabihin kasi ako sa inyo. Palagi namang wala si Mama rito kaya sa inyo ko nalang po ipagpapaalam,” medyo mahaba kong lintanya. Muntik ko na nga atang makalimutang huminga, chos.

Nagsalubong ang kilay ni Lola. “Ano ‘yon, apo?” Kuryoso na nito ngayong tanong.

“Mawawala po ako ng isang linggo dito, La. Naimbitahan kasi akong mag stay sa isang rest house. Iyong nag invite rin po sa akin sa pinuntahan kong event last time? Ayon, in-invite niya po ulit ako at satingin ko… okay narin po na sumama ako. Para makapag relax-relax din ako sa pag-aaral at sa iba pang…” Huminga ako nang malalim at muling ngumiti. “mga bagay.”

Mabilis kong nakitaan ng pag-aalala ang mukha ni Lola. Bumaba ang paningin ko saglit nang hawakan niya ang dalawa kong kamay. “Ligtas ba ro’n, apo?” Nag-aala nitong tanong habang nilalagay ang iilang tikwas ng buhok ko sa likod ng aking tenga.

Ngumiti ako nang malapad bago tumango ng tatlong beses. “Opo, La. Nag send narin sa akin ng mga papers kanina si Ms. Ina. Tungkol sa mga rules and regulations pati narin tungkol sa security. Sinend ko po kay William tapos binasa niya dahil may nalalaman din po siya about sa mga nakalagay doom and ayon, sabi niya okay naman daw po kung pupunta ako.” Pinaikli ko nalang talaga ang pagpapaliwanag kahit na ang dami talagang sinabi muna sa akin ni William na mga reminders. Kaya nga medyo sumakit ang ulo ko.

Ang lalaking ‘yon talaga.

At narealize ko no’ng huli na, na madali lang naman intindihin ‘yung papel ni Ms. Ina. Sadyang tinatamad lang ako magbasa.

Pero ayos narin na binasa ni William. Baka mamaya may nakaligtaan ako o nagkamali ako nang pag-intindi dahil sa kasabawan ko.

Tumango-tango naman si Lola. “Osiya, maganda ang iyong ginawa at pinabasa mo muna kay William bago ka pumirma? Tama ba?”

“Hmm.” Kaagad akong tumango.

“Isang linggo kamo?” Tumango ulit ako.

Lola released a heavy sigh. “Mamimiss ko ang apo ko,” malungkot niyang sinabi dahilan para muli akong mapangiti.

She touched my cheeks. Softness and concerned reflect in her eyes. “Pero alam kong kailangan mo ‘yon. Nakikita ko sa mga mata mo ang matinding kalungkutan, apo.” Napalunok ako habang nakatitig kay Lola.

Lola smiled sweetly. “Hindi ka man magsalita, pilit mo mang itago ang tunay mong nararamdaman, nakikita ko, apo. Nararamdaman ko. Wala kang maitatago kay Lola. Naririnig ko ang mga pag-iyak mo.” Nagsimula nang magtubig ang mga mata ko.

Lola cupped my face now using her two hands.

“Pagpasensyahan mo na ang Mama mo ha-“ kaagad akong umiling kay Lola. Kumawala na ang isang luha mula sa kaliwa kong mata.

Ayokong pag-usapan si Mama. Malaki ang pagtatampo ko sa kaniya. Noon, naiintindihan ko na wala siya palagi sa tabi ko dahil kailangan niyang magtrabaho para sa amin. Dahil siya lang ang tanging kumakayod para sa amin.

Gushing You From Afar (EDITING)Where stories live. Discover now