Kabanata 9

35 6 0
                                    

I smiled while typing on my laptop.

It’s already ten in the evening and I’m here, still writing or typing for my story. All the lights are now close and I only have my lampshade and my laptop as my light in my dark room.

Naka on na rin ang aircon ko pero nilagay ko lang sa tamang temperature para hindi naman ako lamigin nang sobra.

Nakasandal ako sa pader habang may unan sa likod ko at nasa ibabaw naman ng kandungan ko ang bed table, pinagpapatungan ng aking laptop.

Nag p-play din ako ng music. Iyong tamang volume lang na sa kwarto ko lang maririnig at kadalasang walang lyrics para mas ma-motivate ako lalo sa  sinusulat ko.

Ito lang ang best time na nakakapag sulat ako. Kapag mag-isa ako at tahimik ang paligid, mas gumagana ang imagination ko kapag ganito.

I was still in the middle of my writing when suddenly, Abbi’s profile picture appeared at my screen.

Mabilis ko naman itong sinagot.

“HOOOY! KALOKA KA!” Kaagad akong napapikit dahil sa ibinungad niya.

“Nabasa ko ‘yung simula! Shuta ka, malandi ka!” Napangisi ako habang pinagmamasdan ko siyang kinikilig.

“Subukan mong hindi ituloy ‘to, Alexandra! Subukan mo ‘kong bitinin at iwan sa ere! Makikita mo ang bagsik ng aking brilyante.” Napangiwi ako.

“Anong brilyante ha? Parang nandidiri ako,” nakangiwi ko talagang sabi.

“Gaga!” Parehas kaming natawa.

“Pero ituloy mo talaga! Ang ganda! Simula palang pero kinikilig na ako at kating-kati na akong malaman ang susunod na mangyayari!” Talagang halata na excited siya at gustong-gustong ituloy ko na itong sinusulat ko na inspired kay Theo.

“Nagsusulat nga ako nang tumawag ka,” mahina kong sagot.

“Ay so istorbo ako ganon?” Umirap ako at umiling.

“Hindi. Hindi ko parin naman nasasabi sayo ‘tong ginagawa ko.”

“Pero anong naisip mo para mag desisyon ka na gawan siya ng storya?” Kahit na salubong ang kilay niya ay nakangiti parin siya, kinikilig.

Buang.

“Titigil na kasi ako.” I smiled bitterly. Doon nawala ang ngiti niya.

“Titigil na?” Bumuntong hininga ako.

“Ititigil ko na itong nararamdaman ko. Titigilan ko na siya, Abbi.” Kung papakinggan, parang may malalim kaming relasyon ni Theo.

“Seryoso ka ba?”

“Oo. Alangan namang i-entertain ko itong nararamdaman ko habang buhay Abbi diba? Napaka imposible na may matatanggap akong pabalik.” Malungkot akong ngumiti at tinitigan siya na parang kinukumbinsi ko siya na tama naman ako.

“Hindi mo rin masasabi, malay mo bigla kayong ipagtagpo ng tadhan KUNG! Kung nasa plan talaga ni God na magkita kayo pero given your situation… mas maganda nga kung itigil mo na. Kung ako rin ay baka i-let go ko talaga ‘yang nararamdaman ko. Hindi sa inaano kita pero ayaw ko rin talaga na masaktan ka.” Ngumuso ako at tumango, naiintindihan siya.

“Diba? Kaya nag-isip ako ng ano ba ang pwede kong gawin para ma express ko ‘yung nararamdaman ko para sa kaniya. Ayon. Pagsusulat. Pagsusulat ng kwento na inspired sa kaniya. In that way, malalabas ko ang nararamdaman ko plus may inspiration pa ako para makatapos ng isang… novel.” Tumango-tango si Abbi sa akin at kalaunan ay ngumiti.

“Proud ako sayo! Ikaw talaga ang role model ko pagdating sa self-love eh. Alam mo kung kailan pipiliin ang sarili mo, alam mo kung paano intindihin ang nararamdaman mo at nag e-effort ka talaga para maibigay sa sarili mo ang best na para sayo. Sana all.” Umiling lang ako.

Gushing You From Afar (EDITING)Where stories live. Discover now