Kabanata 29

23 2 1
                                    

Nang makababa ako sa hagdan ay inilibot ko ang aking paningin. Alas otso kami aalis dito sa rest house at alas syete na ngayon. Ibig sabihin...

May isang oras nalang ako para gawin ang plinano ko.

I couldn't stop nor control the fast beatings of my heart. Kahit pala plinano ko na ito sa isip ko, kahit pala napag desisyunan ko na ito at medyo napaghandaan na, nakaka kaba parin.

"Oh, Alex. You looked tense. Are you okay?" Huminga ako nang malalim at ngumiti nang maikli kay Hannah.

"Oo. Nakita mo ba si Theo?" Titig na titig siya sa mga mata ko. Her lips parted and she blinked thrice.

I smiled.

I bet she already gets what I'm about to do.

"I-I... saw him upstairs. Sa may terrace." Nanatiling naka awang ang labi niya na parang hindi parin makapaniwala sa naiisip niya.

Bukod kay Abbi, siya lang ang nakaalam. At masaya ako na hindi kumalat 'yon.

Atleast, sa akin niya unang malalaman.

Sa akin niya unang maririnig.

Ngumiti ako. "Puntahan ko lang ha?"

"O-okay." Napangiti nalang ako sa reaksyon niya. Umalis na ako sa kaniyang harapan para puntahan si Theo. Nang makarating ako sa second floor, kaagad ko siyang nakita.

Nakatalikod siya sa aking direksyon at parahap na nakasandal sa railings. I pursed my lips and I breathed heavily. Maingat at dahan-dahan ang paglapat ng mga paa ko sa sahig habang papalapit sa kaniya.

I am wearing a jacket so I put both of my hands on its pocket.

"Theo..." He stood up properly and glanced at me when he heard my voice.

The moon in front of us glistened as I saw his ravishing eyes.

I smiled.

"Okay ka lang?" tanong niya. Mabilis na napalitan ng pag-aalala ang kalmado niyang mukha.

Nakangiti akong tumango. Pagkatapos niyon ilang sandali ko siyang tinitigan at unti-unting bumalik sa akin 'yung mga oras na... malayo pa siya sa akin. Iyong mga panahon na isang kahibangan ang posibilidad na makita at maabot ko siya nga ganito.

That just like the moon, the only thing I can do is to stare at him. From afar. Admire him with a distance while he slowly shines in his own way.

At ngayon... nasa harap ko na siya.

Naabot ko na siya.

Nagkatagpo din ang mga landas namin.

Kumirot ang puso ko.

Ang saya-saya ko.

This just made me realized that the heaven is really listening to our hearts. Dahil alam ko sa sarili kong pinilit kong itinago sa loob ko lahat ng nararamdaman ko... at pangarap ko sa kaniya.

Kasama siya.

And even though I didn't scream my hopes and dreams to the sky, those things come true.

The heaven heard the happiness, admiration, frustration and pain of my heart without me directly telling it on above.

"Alex..." My breath hitched when he moved forward. His other hand held my shoulder while the other one wipe my tear that I didn't even felt or noticed.

"I'm sorry... pero baka mamaya maluha ulit ako at hanggat maaari, huwag mo sanang pupunasan ang luha ko hanggat hindi pa ako natatapos sabihin sa'yo ang lahat." Natigilan siya. Pinagmasdan niya ako habang naka kunot ang kaniyang noo, nagtataka.

Gushing You From Afar (EDITING)Where stories live. Discover now