Simula

240 11 2
                                    

"ALEXANDRA! HINDI MO DIDILIGAN MGA HALAMAN KO!?"

Matulog ka pa, please. Tulog pa.

"ALEXANDRA!!!"

"Shuta," napapaos ‘kong sabi at for sure, may panis pa na laway.

Sana kasi nakatulog pa ako. Kung nakatulog pa ako at kapag 'yung inis ni Mama sa akin umabot na hanggang lalamunan, meron pang limang porsyente na maaawa siya sa akin at maku-kyutan kapag nakita niya akong mahimbing pang natutulog.

"ALEXANDRA!!!"

Pero sino bang makakatulog ulit diyan?

"ANG MGA HALAMAN KO, HINDI PA NADIDILIGAN! JUSMIYO."

Nakakainis! Ako 'tong anak na twenty two years ng hindi pa nadidiligan pero mas nag-aalala pa siya sa halaman niyang kakabili lang no'ng ISANG ARAW!?

Sana sinaksak mo nalang ako sa leeg, Ma.

"ALEXANDRA--

"ITO NA MA! WAIT!" Mangiyak-ngiyak akong pilit na bumangon. Sinabunutan ‘ko pa ang sarili ‘ko, kasi naman!

Online class ako sa kakatapos lang ng schoolyear at SUPER nakaka drain 'yon. As in pagod na pagod ako bawat araw. Lahat ng kadugyutan at stress naranasan ‘ko sa schoolyear na ‘yon.

Like deserve ‘ko naman siguro ng dalawang buwan na pahinga at tulog? Diba?

"ALEXANDRA!!!"

"MAMA NAMAN EH, ANG AGA-AGA PA!" Naiiyak na talaga ako.

"MAAGA!?" Para akong nagkaroon ng super powers at automatic na nag bounce ang pwetan ‘ko para tuluyang makatayo nang marinig ko ang mga nagbabagang hakbang ni Mama.

"ALAS ONSE NA, ALEXANDRA!" Saktong bumukas ang pintuan ng kwarto ‘ko dahil sa gigil ni Mama. Kunot na kunot ang noo, nanlilisik ang mga mata tas 'yung ngipin or pustiso ata gumagalaw, parang matatanggal na.

Confirmed.

Halaman na nga ang bagong 'mga' anak ni Mama.

"Oh, alas onse palang pala, Ma. Sana ginising mo ‘ko ng mga alas dose para saktong lunch time." Kinamot ko ang ulo ko.

"ALEXAND-

"Ito naman, Ma. Maga-maga, highblood." Dahan-dahan akong lumapit kay Mama at umambang yayakap sa kaniya. Syempre, amba pa lang, siguraduhin muna natin ang mood niya no.

Doon palagi nakasalalay ang kaligtasan ko. Sa mood ni Mama.

"Good morning din sa’yo, Ma. Ito na, didiligan ko na talaga mga halaman mo." I gave her my sweetest kiss on her cheek. Kahit may panis na laway pa.

Bakit? Choosy ka pa, Ma? Choosy pa? Hindi pwede 'yon.

"Tsk. Kanina pa ako sumisigaw sa baba! Kanina pa kita tinatawag simula pa no'ng alas nuebe, pangatlong gising ko na sa’yo 'to. Tuwing nag-aalmusal kami ng Lola mo ay parati kang wala, isang araw na nga lang ang day off ‘ko sa isang linggo, hindi pa kita nararamdaman!?” I smiled and hugged her tightly.

"Sorry na, ito na. Didiligan ‘ko na ang mga halaman mo."

"Kumain kana muna! Ako ang pinapagalitan ng lola mo! Bakit daw ba inuuna ‘ko ang halaman ‘ko, e malamang! Mas lalo kang hindi babangon kung sasabihin ‘kong kakain na at pulos ka mamaya! Pero kung ang mga mahal ‘kong mga halaman, may fifty percent na bumangon ka at magparamdam!" Natawa ako sa sinabi nito. Bakit parehas kaming mahilig sa percent?

"O edi tara na, Ma. Dami mong sinasabi, e pag nagutom ako at nanghina? Edi patay ka kay Lola Emma niyan? Tapos patay din ang mga halaman mo pag nagkasakit ako? Paano ka na ngayon niyan, Ma? Kawawa ka.” I even have the guts to crossed my arms to further teased my mother.

Gushing You From Afar (EDITING)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ