Kabanata 1

125 11 0
                                    

“Argh!” Padabog ‘kong inilapag sa kama ang cellphone ‘ko at tiyaka isinubsob ang mukha sa unan.

“Ano bang nangyayari sa akin!?” Mangiyak-ngiyak ‘kong tanong sa sarili.

I lifted my head from the pillow and glanced at my phone again. Biting my finger nails with my twitching forehead.

Three days ‘ko na siyang pinapanood sa Bikbok, sabi ‘ko sa isip ‘ko.

At hindi parin ako nagsasawa.

Ginagawa ‘ko parin naman ang routine ‘ko rito sa bahay. Kumakain parin naman ako, naliligo, kaya masasabi ‘kong normal parin ako. Ang nabago, na excite akong tapusin lahat ng kailangan ‘kong gawin sa buong araw para makapag cellphone at…

Muling mapanood si…

Theo Santiago.

 

Oh diba, pangalan palang ‘yan pero nakakabuo na ng araw.

Ang landi ‘ko gagi.

Pero bakit ba ako nagkakaganito? Sa unang paggamit ‘ko ng Bikbok, siya kaagad ang bumungad sa akin. Dapat ‘ko ba ‘yon ipagpasalamat?

Hindi ako sure e.

Dancer siya at shine-share niya ‘yung talent niya sa app na ‘yon. Hindi ko naman first time makakita ng dancer pero… siya palang ata ‘yung nakita kong dancer na uma-accurate talaga ‘yung mukha niya sa bawat paggalaw.

Kung maangas, maangas. Kung sexy, sexy. Argh!

Tapos ang… sexy niya ha, bilang lalaki at MAS MALAMBOT PA ANG KATAWAN NIYA SA AKIN!

Ako ‘tong babae pero kung iku-kumpara ‘ko sa katawan niya ang katawan ‘ko pagka sumasayaw, ay maihahalintulad ‘ko lang naman ang sarili ‘ko sa kahoy.

Hustisya lang.

Mas lalo pa siyang guma-gwapo tuwing sumasayaw siya. Iyong tipong makikita mo kaagad na para sa kaniya talaga ang pagsasayaw.

Minsan may salamin siya, madalas ay wala. At hindi ‘ko alam kung alin ang mas nakaka gwapo sa kaniya kasi parehas ‘kong gusto!

At bawat pagsabay niya sa mga tume-trending na sayaw sa Bikbok, LAHAT LAGLAG PANGA! Hindi nagpapahuli.

Ang galing-galing niya.

Every moves he make is like an arrow that was sent by an angel to attack my heart.

Gano’n. Gano’n ang naging epekto niya sa akin.

Naglalakad ako sa isang kanto malapit sa school namin. Sa susunod na kanto, nandoon na ang campus. Pero hindi ko alam kung bakit ako rito dumadaan e hindi naman ito ang usual kong dinadaanan.

Hindi ba parang pinahirapan ko lang ang sarili ko? Shuta.

Habang naglalakad, naka earphones ako. Syempre para cool, dagdag angas ‘yan, mamaya may gwapo diba edi plus points ako.

Ang kanta ay I don’t know you yet. Ewan ko kung bakit ito ang hilig kong patugtugin nitong mga nakaraang araw.

Diretso lang ang tingin ‘ko sa daan. Hindi naman porket may earphone ako ay magiging bobita na ako sa kaligtasan ‘ko. Mali ‘yon.

Pero lumihis ang mga mata ko ng may maaninag. At ganon nalang ang panlalaki ng mga ito nang makita ‘ko ang taong kahit kailan, ay hindi ‘ko pa nakikita sa personal pero kung makatambol ang puso ko ay parang sinasabi nito na nagkakamali ako.

Shutangina.

I bite my lowerlip while eyeing him. I’m still walking at the side of the road but my steps became slow.

Gushing You From Afar (EDITING)Where stories live. Discover now