Kabanata 42

38 3 0
                                    

Nakalipat na kami ng bahay. Hindi ko nga inaakalang sa mansion pala kami lilipat. Sa mas pribado at tahimik na village kung saan parang may palagsihan ng pagandahan ng mga bahay.

Hanggang second floor ang mansion na nilipatan namin. May mas malawak at maaliwalas na sala, dining area, mga mamahaling chandelier at staircase na parang ‘yong nakikita ko sa disney tuwing bababa ang prinsesa. Merong dalawang kwarto sa first floor. Isa para sa room’s maid at para kay Lola. Para hindi na siya a-akyat-baba pa.

Sa second floor naman ay may limang kwarto. Isa para sakin, isa para kina Mama at Papa at tatlo para sa mga guests kung sakaling magkaroon.

Our new home is really spacious, more designed and well-built.

Hindi parin nawala ang aliwalas, kapayapaan at sariwang hangin na mayroon ang dati naming bahay. Sabi nina Mama, ire-renovate daw ‘yon at gagawing apartment.

At dahil ito ang first day namin ngayon sa bahay, dito nga matutulog sina Abbi at William at syempre… pati ang boyfriend ko na katabi ko ‘kong matutulog.

Malaki ang bago naming bahay kaya mas lalong lumawak din ang aking kwarto. At isa sa pinaka pinagpapasalamat ko kay Papa ay ang pagkakaroon parin ng balcony sa mismong bago ‘kong kwarto.

Nakayakap mula sa aking likod si Theo at nakasandal naman ako sa kaniyang dibdib habang tinatanaw namin ang mga maliliit na bituin na salit-salitan sa pagkinang.

Nararamdaman ko ang pagtibok ng puso niya na katulad sa akin. Na payapa naman pero madiin bawat pagtibok, tila pinapa-alam nito ang kaniyang presensya.

“Alam mo ba… palagi akong tumitingin sa kalangitan tuwing gabi kapag… may mga bagay akong gustong sabihin sa’yo na alam ‘kong kahit kailan, imposibleng maririnig mo.”

He heavily sighed.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

“Nandito na ako ngayon kaya maaari mo nang sabihin lahat ng gusto mong sabihin sa akin.” Kumirot ang puso ko ro’n. Na kahit positibo naman ang sinabi niya ay para parin akong nasaktan.

Talagang nakakabaliw ang magmahal, ano?

Mas lalo niyang isinuksok ang kaniyang ulo sa aking leegan. He kissed the blade of my shoulder and I felt his breath on my skin.

“Makikinig ako, Love.”

Napapikit ako nang marinig ang mababa at marahan niyang boses. Napakapit ako sa mga braso niyang nakapulupot sa akin.

“You’re a dream come true, Theo. And I thank God for giving you to me even though you’re quite far from me. I thank him for hearing my what ifs. For hearing my heart.” I sensed that his breathing hitched as he listen to me.

“I thank him for making all of these possible. For altering everything I thought as an impossible.” I smiled.

“Alam mo na ito pero gusto ko paring sabihin.” Ngumiti ako at tinignan siya sa aking gilid. “Mahal kita. Mahal na kita bago pa man kita kita nakilala. Posible pala ‘yun no?” Natawa ako.

Hindi niya ako sinabayan at himbis, mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin at mas lalo niya pang inilapit ang sarili niya sa akin to the point na naramdaman ko na ang labi niya na marahang lumapat sa aking balat sa leeg.

Patuloy niya akong binigyan ng halik doon. I moved my head to the side to give him more access.

Napapikit ako habang dinadamdam ang mainit at malambot niyang labi.

“I love you… I love you too, Alex. I love you so much, Love…” Paulit-ulit niyang sinabi habang pinapatakan ako ng halik. Ilang halik pa ang ginawad niya sa aking leeg hanggang umabot na ang kaniyang labi sa gilid ng aking bibig.

Gushing You From Afar (EDITING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن