Kabanata 27

28 2 3
                                    

Pangatlong araw na namin ngayon dito sa rest house. So far, masaya naman. Walang araw na hindi ako tumatawa at the same time, wala ring araw na hindi ako nakakaramdam ng… kapayapaan.

Sobrang nakaka relax dito sa nirentahang rest house ni Ms. Ina. Ususual, ang balcony sa kwarto  parin ang favotite ko lalo na pag gabi. Minsan naman ang yard na nasa gilid ng kusina. Minsan ang pool.

Marami narin kaming nagagawang mga videos. Kung hindi ako nagkakamali, nakagawa na kami ng four videos. Tig-iisa sa channel nina Jason, Jiro, Mira at Ms. Ina. Tig-iisa lang din naman talaga ang balak namin na gawing video sa bawat channel ng isa’t-isa. Iyong pinagplanuhan talaga. Iyong lahat kami ay preparado tapos the rest ay mga random na at raw clips.

Ang ginawa namin sa video ni Jason ay dapat hindi kami magre-react o mapapa sabay sa mga kakantahin niya. Ang gumalaw maski na mahalata lang masyado ang paghinga mo ay haharap ng consequence.

Kay Jiro naman, sinubukan naming laruin ‘yung mga kadalasan niyang nilalaro. Naalala ko tuloy kung ilang beses silang sumigaw dahil sa akin.

“Wala munang susugod ha? Sa bush lang muna tayo.” Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Hannah kasi ginagala ko ‘yung karakter ko sa game at namamangha ako sa mga nasa paligid niya. Hindi ko rin pinakinggan ‘yung mga itinuro ni Jiro kanina kasi…

Alam ko naman sa sarili ko na wala talaga akong pag-asa sa mga online games na ‘yan.

“ALEX!” Napapitlag ako sa biglaang pagsigaw nina Hannah at Mira. Nagsama pa ‘tong dalawang mga high maintenance. Laglag ang mga panga nila at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin.

Sila kasi ang mga kakampi ko. Lahat kaming mga girls vs. ang mga boys. Naka open mic din kaming lahat at naririnig ko ang mga tawanan ng boys sa kabila.

Nasa loob kami ng rest house habang ‘yung mga boys ay nasa labas. Napapansin ko pa nga silang sumisilip dito habang tumatawa.

Sumigaw ‘yung mga girls kasi namatay ako. Hindi ko sinunod ‘yung sinabi ni Hannah na sa damuhan lang kami.

Duh, bakit ako magtatago? Deserve kong mag shine.

Kaso ayon, namatay ako.

“Maka react naman kayo, kayo ba ang namatay?” I rolled my eyes at the girls. Oo, ganon na kami ka-close sa isa’t-isa.

Mas lalo silang hindi makapaniwalang tumitig sa akin.

At mas lalong nagtawanan ang mga boys. Luh, yayabang niyo ha.

“Shuta ka Jiro, sisilipin ko lang naman ang itsura ng base niyo. Damot nito,” sambit ko at ngumiwi nang namatay na naman ako. Tawa naman ng tawa ang mga girl at boys sa akin.

“HAHAHAHAHAHA, KALOKA KA ALEX!” Ngumuso ako nang marinig ang boses ni Ms. Ina. Kakampi namin si Ms. Ina pero tinawanan din ako.

Nag hintay ulit ako na mabuhay ang karakter ko. At habang naghihintay, nilingon ko ang banda ng boys at halos masamid ako nang mahuling nakatingin sa akin si Theo habang kagat ang kaniyang labi. Mabilis niyang ibinalik ang mga mata niya sa phone niya habang kagat-kagat parin ang labi niya.

Ngumuso ako para magtago ng ngiti. Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko kaya sinilip ko ang mga kakampi ko. Buti nalang at masyado silang seryoso sa paglalaro.

Napansin kong nagkakarambulan na sila sa nilalaro namin kaya umiwas ako. Iniwan ko ‘yung mga kakampi ko. Mamaya madamay pa ako diyan edi mamamatay na naman ako.

Ako na nga ang pinaka kulelat.

Nasa gitna ako ng kagubatan nang matagpuan ako ni Theo. Nanlaki ang mga ko at kaagad na umatras.

Gushing You From Afar (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon