Kabanata 20

35 1 0
                                    

Ilang sandali pagkatapos kong imulat ang aking mga mata, sumilay ang ngiti sa aking labi nang maalala ang nangyari kagabi.

Hindi katulad no’ng mga nakaraang araw, magaan-gaan ang pakiramdam ko ngayon. Na parang sobrang sarap ng tulog ko. Iyong damang-dama ko ang pagpapahinga.

Ganon dapat.

Nag unat-unat ako bago nakangiting bumangon. Ilang segundo akong tumulala bago sumandal sa headboard ng aking kama. Hinaplos-haplos ko ang baba ko.

Flashbacks…

Huminga ako nang malalim bago ko sinagot ang tawag. My heart is pounding.

“Hello…” It was me who spoke first.

“H-hi,” namamaos na bati naman ni Theo. Automatic na nakapagat ako sa labi ko nang marinig ang boses niya.

Mala bedroom voice eh.

“Sorry. Sinubukan ko lang kung sasagutin mo ba ang tawag ko. Sorry sa istorbo, Alex,” nakarinig ako ng ilang kaluskos mula sa kabilang linya. Na parang may mga bagay na nag-gagalawan.

“Hindi… ka kasi nag re-reply sa mga chats ko. Pero understood naman! Baka nakukulitan kana sa akin kaya sabi ko… last try ko na ‘tong pagtawag sa’yo. Eh… sumagot ka,” pagpapaliwanag niya. Ang kaba ay hindi nakakatakas sa himig niya.

Kumunot ang noo ko.

“Last try?”

“Last try na kausapin ka.” Suminghap ako at umikot. Nang makita ko ang balkonahe ay kaagad akong naglakad palapit doon.

Parang may mga paru-paro sa tiyan ko.

“Iniisip ko naman na busy ka. Kaya… medyo pinipigilan ko ang sarili ko na i-chat ka. Ayoko namang makaistorbo diba. Kaso hindi ko na napigilan ang sarili ko na tawagan ka pero sinubukan ko lang talaga. Inaasahan ko ng hindi mo ako sasagutin.” Bumuntong hininga ako at tumingin sa kawalan. Tiningala ko ang mga nagsisikislapang mga bituin.

“Sorry, ang dami ko lang ginagawa. At… wala ako sa mood nitong mga nakaraang araw.”

“Ah, red days?” Natigilan ako ng ilang sandali bago natawa.

Hindi ko kasi madalas na naririnig ‘yong sabihin ng ibang lalaki. Pero sa kaniya, parang normal lang. Kaswal niya lang na sinabi.

“Hindi. May… pinagdadaanan lang.” Ngumiti ako nang maikli as if naman na makikita niya.

“Are you okay?” Mas sumeryoso na ngayon ang boses niya. Malalim, halos pabulong.

Huminga ako nang malalim.

“Yah… I think so. Not in every way though.” Narinig ko ang malalim niyang pag buntong hininga.

“If I could help you with anything, just tell me. O kapag gusto mo nang kausap. Alam kong kakakilala palang natin kaya… mahirap pa akong pagkatiwalaan. Pero kung gusto mo lang  maglabas ng nararamdaman mo ng hindi sinasabi sa akin ang problema mo.” Napangiti ako dahil ramdam ko ang pag-iingat niya sa bawat salita niya.

Pinagmasdan ko naman ang buwan ngayon.

At pakiramdam ko, ayos lang naman.

Na sabihin ko sa kaniya ang nararamdaman ko ng hindi sinasabi direkta ang bumabagabag sa akin.

“Naguguluhan ako. Naguguluhan ako kung bakit naapektuhan ako sa isang bagay na dapat ay hindi naman talaga. Dapat wala akong pakialam eh. Dapat binabalewala ko lang. Kaso… hindi. At naiinis ako sa sarili ko dahil doon.” Bumuntong hininga ako at ngumiti nang mapait.

Gushing You From Afar (EDITING)Where stories live. Discover now