"Omg kuya gising kana!" Dumating na si Cath matapos itong magbayad ng hospital bills.

Lumapit ito kay knox at niyakap ito, nakita ko namang napadaing si Knox na agad namang nakita ni Cath kaya lumayo agad ito.

"Im so worried kuya..i thought...i thought your going to leave me na." Naluluhang sabi ni Cath.

"Im not going to leave you, i still have to live to watch all the men who come near you." Pabirong sabi ni Knox na ikinatawa naman namin.

"Kuya naman eh.." Sabi ni Cath at pabirong nagdabog.

"Osya osya chibugan na nagutom ako! Aga ako inistorbo ni Sienna eh!" Sabi ni Raven na ikinatawa ko.

Kumain na kami nina Cath at Raven, nakangiti lang si Knox na nakatingin sa amin dahil hindi nga siya pwede pang kumain.

Matapos naming kumain ay nagpaalam muna ako kay Knox na dadalaw muna sa kwarto kung nasaan si Ethan dahil iisa lang naman sila ng ospital na pinagdalhan.

Agad naman siyang pumayag at ibinilin din samin ng doctor na pagpahingahin muna siya kaya pinili naming iwan muna siya pansamantala, pumasok si Raven sa coffee shop at si Cath naman ay pumalit muna sa akin sa trabaho.

Nang makarating ako sa kwarto ni Ethan ay tila ba hindi ako makagalaw sa nakita ko.

'A-anong..'

"Sienna.." salubong nito sa akin mula sa pagkakaupo sa tabi ng higaan kung saan nakaratay si Ethan.

"Anong ginagawa mo dito? Pano mo nalaman toh?" Tanong ko sa kanya.

Parang unti unting bumabalik lahat ng sakit na nararamdaman ko.

'Ito ang ayaw ko sa sarili ko ambabaw ng luha ko.'

"Sienna why you didn't tell me about this?" Sabi ni Yohan na umaaktong nag aalala.

'Don't fool me.'

"Para saan? kapag ba sinabi ko sayo magiging ayos siya? kapag ba ipinaalam ko sayo gigising na agad ang anak ko? Hindi diba?" May diin ang bawat sinasabi ko sa kaniya.

"Sienna, wag mong idamay si Ethan sa galit mo sakin, he is still my son."

"No Yohan. he is my SON, hindi siya sayo at kahit kailan hindi ako papayag na maging sayo siya." Sagot ko sa kanya at agad na lumapit kung nasaan si Ethan.

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Im trying to explain but you're not listening, Can you please listen to me? Even just now." Sabi ni Yohan sa akin.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng galit at hinanakit sa mga sinasabi ni Yohan sa akin, hindi ko malimutan ang sinabi niya nung araw na nalaman niyang buntis ako.

--

FLASHBACK

"Im pregnant Yohan! Magiging nanay nako! At ikaw naman magiging tatay kana!" Tuwang tuwa na sabi ko habang pinagmamasdan siya.

Gulat naman itong tumingin sa akin, pero hindi gulat ng pagkasaya kung hindi gulat na para bang hindi makapaniwala at nagsisisi.

"Abort it."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko, hindi ko namalayan na unti unti nang pumapatak ang mga luha ko.

Malamig ang mga mata niyang nakatitig sa mga mata ko, at hindi ako nagkakamaling desidido siya sa sinasabi niya.

'Paano niya nasisikmurang sabihin ito sa akin?'

"Stop joking Yohan." Pilit akong tumawa pero tinignan niya lang ako ng seryoso.

"I am not joking Sienna, i care for the child's future! Paano natin siya mabubuhay kung hanggang ngayon ay nakatira parin ako sa puder ng family ko! I have no job! Hindi pa din tayo tapos ng college pano ka nagiging masaya sa pagbubuntis mo kahit na alam mo na hanggang ngayon isa ka paring pabigat sa pamilya mo--" bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay isang malakas na sampal agad ang naibigay ko sa kanya.

Naging tahimik ang paligid namin at tanging ang pag hikbi ko lang ang maririnig.

"Paano mo nasasabi yan sakin ngayon Yohan? Paano mo nasisikmurang sabihin yan sakin?" Naiyak na sabi ko.

"I cared for you--"

"No Yohan! You only cared for your own future! Makasarili ka! Hindi mo na ako inisip pati na ang magiging anak natin!" Sabi ko sa kanya habang nanginginig sa galit. "Kung hindi mo siya kayang buhayin pwes ako! Kahit itakwil pa ako ng buong pamilya ko bubuhayin ko ang anak ko! At sinisigurado ko sayo! Ipapamukha ko sayo na kaya ko siyang buhayin ng ako lang!" Umiiyak akong tumakbo paalis, hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko lang ay sobrang sama ng loob ko.

'hindi ko inaakalang lalabas sa bibig niya ang salitang yun.'

END OF FLASHBACK

--

Wild HeavenWhere stories live. Discover now