Simula nung magkaayos kami ni Exodus ay pinatira niya na ako sa pad niya. Nung una ay ayaw ko dahil kay Kuya Isaiah pero wala din akong nagawa dahil pumayag si Kuya sa gusto niyang mangyari.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung kailan pa sila nagkausap. Alam kong alam na ni Kuya Isaiah na si Exodus ang abductor ko noon.

Pero siguro ay nagkaintindihan na sila nung araw na nawalan ako ng malay sa hospital. Nakaupo ako sa malaking sofa sa pad ni Exodus at nanonood ng TV.

Hindi ko maiwasan matigilan lalo't pinakita dun ang mukha ni Haru at ni Hiro na mga nakangiti at tila ba mga santo.

"Sa limang taon na namuno kayo sa lugar natin, anong masasabi niyo sa mga taong walang sawang sumusuporta sainyo?" tanong sakanila ng reporter.

"Wala kaming masabi dahil sa totoo lang hindi nila kami kailangan pasalamatan dahil trabaho naming paglingkuran ng buong tapat ang mga taong mahihirap, ang mga taong naapi at nangangailangan ng tulong mula sa aming mga nauupo sa gobyerno." halos gusto kong masuka ng marinig ang mahinahon at nakakadiring boses ni Haru.

Sobrang lambot at kalmado ng kanyang tingin sa camera na tila ba sobrang inosente niya at walang bahid. Kung hindi ko siya kilala noon at kung hindi ko alam ang tunay na kulay niya ay baka pati ako ay isa na sa mga taong naniniwala sa mga panloloko nila.

"Sobrang saya ang nararamdaman namin pag nag lilingkod kami ng tapat sa mga tao lalo't ang mga tao na yun ay karapat dapat talagang tulungan. Sana ay hayaan niyo pa kaming maupo ng matagal sa pwesto namin na 'to dahil sa totoo lang, madami pa kaming gustong tulungan." mabilis kong pinatay ang TV matapos marinig ang sinabi ni Tito Hiro.

Nakakadiri! Nakakasuka! He have a thick face to act like a saint but the truth is, he's a demon who deserve to be punish in hell!

Sa kabilang banda ay hindi ko maiwasan panghinaan ng loob at mag alala. Governador na si Tito Hiro samantalang si Haru na ang kasalukuyang nauupo bilang mayor limang taon na ang nakakalipas.

Madami na silang napaikot na tao sa pag arte nila bilang may mabuting puso at natatakot akong walang maniwala samin oras na magsampa kami ng kaso laban sa pamilya nila.

Sumapit ang gabi, kakatapos ko lang mag luto ng pagkain namin ni Exodus para sa hapunan pero ang bigat sa loob ko ay nandito pa din.

Hindi na 'ko matahimik simula nung napanood ko kung gaano sila kamahal ng mga tao at kung paano na ang hustisya para sa nangyari sa pamilya ko.

"Baby." hindi ko maiwasan magulat dahil sa pag yakap na ginawa ni Exodus sa likod ko. Sa sobrang pag aalala ko sa bagay na yun ay hindi ko siya naramdamang lumapit sakin.

"My baby is too distracted, what's the matter hmm?" he sniffed my shoulder as his hand drew a circle in my belly.

"Nakita ko si Tito Hiro at Haru sa news kanina, mukhang mahihirapan tayong kalabanin sila." ramdam kong napatigil siya sa ginagawa.

Hinarap niya ako sakanya at napasandal ako sa lamesa nang hinalikan niya ako sa aking labi. Hindi ko maiwasan mapapikit ng marahan niyang sinipsip ang ibabang labi ko bago yun bitawan.

Lumayo siya sakin "Trust me baby, it's just a piece of pie for me to send his whole family into the prison even if the father and son duo hold a title in this city." he said will full of confidence in his voice.

Kidnapped By The Ruthless Criminal (Chavilire Series #2)Where stories live. Discover now