Kabanata 29

20.4K 741 396
                                    

Kabanata 29

[ Serena's point of view ]

Nakatulala ang mga mata ko habang nakatingin ako sa loob ng kabaong ni Kuya Isaac. Hindi ko mapigilan na haplusin ang salamin nun habang tinitignan maigi ang mukha niya.

"A-ang daya daya mo Kuya, bakit mo kami iniwan? Bakit hindi ka lumaban?" kahit na wala na siyang buhay ay ang gwapo gwapo pa din niya.

Kahit kitang kita ang malaking biyak sa kanyang ulo dulot ng aksidente ay hindi yun bumawas sa kagwapuhan ng Kuya ko.

"Siguro pinapagalitan ka ni Mommy at inaasar ka ni Kuya Isaiah noh? Dahil sa ating lahat ikaw ang pinakamatalino, pinakamalakas at laging nag tatanggol samin dalawa. Paanong hindi mo naprotektahan ang sarili mo? Paanong nagawa mong sumuko para sa buhay mo?" tinakpan ko ang aking bibig habang ako ay humahagulgol.

Hindi ko ito matatanggap kahit kailan, madami pang pangarap si Kuya Isaac, madami pa siyang plano sa buhay niya. Bakit kailangan itong gawin sa kanya?

Bakit kailangan siyang pagkaitan mabuhay ng matagal? Ang daming masasamang tao sa mundo na patuloy gumagawa ng krimen ngunit bakit kailangan na sa Kuya ko pa mangyari ito?

Bakit nangyari ang masamang bagay na 'to sa pamilya namin!? "K-kuya sana panaginip na lang ang lahat ng ito, sana nananaginip na lang ako.. Hindi ko kaya Kuya, hindi kita kayang tignan na nasa ganyan kalagayan.."

Bumabalik sa alaala ko kung paano naging Kuya sakin si Kuya Isaac. Oo malamig siya makitungo, oo hindi siya palasalitang tao pero mabait ang Kuya ko.

Kahit ganoon ang personalidad niya ay hindi siya nagkulang sa pamilyang ito. Nandyan siya lagi sa tabi ko para suportahan at protektahan ako.

Wala pa akong nagagawa para sa kanya, wala pa akong nababalik sa lahat ng tulong na binigay niya sakin. Wala pa siyang napapalang kahit ano sakin kaya ang sakit sakit sa pakiramdam ko na bigla nalang din siyang nawala ng wala akong sinusuklian na kahit ano sakanya.

Pinikit ko ang aking mata. Sa paraan na yun ay parang nakikita ko si Kuya Isaac na nakangiti sakin, muli kong naiisip ang lahat ng alaala namin dalawa.

"Anak.." nilingon ko si Daddy habang patuloy na lumuluha ang aking mga mata. "Magpahinga ka muna, ako ng bahala sa Kuya mo at sa mga bisita."

Hinawakan ni Dad ang mata ko bago pinunasan ang luha ko "Hindi magugustuhan ng Kuya mo ang ginagawa mo sa sarili mo ngayon." tinignan ko siya sa kanyang mga mata at kagaya sakin ay halata din kay Dad ang labis na pagod.

Halos wala pa akong tulog, sa tuwing ipipikit ko ang aking mata para subukan magpahinga ay sumasagi sa isip ko sila Kuya Isaac, Mommy at Kuya Isaiah.

Si Mommy at Kuya Isaiah ay nanatili sa hospital, comatose silang dalawa at mababa pa ang tyansa na magising sila. Pag wala ako dito sa lamay ni Kuya Isaac ay nasa hospital ako para bantayan at kausapin sila.

Nagmamakaawa na sana ay wag silang mawala, na sana ay hindi nila ako iwan mag isa "Wala ka pa din naman pahinga Dad." sabi ko sa kanya.

"Kaya ko ang sarili ko anak, ikaw ang iniisip ko. Sayo na lang kumukuha ng lakas si Daddy kaya sana ay alagaan mo ang sarili mo." hinila niya ako para yakapin kaya naman nang niyakap ko pabalik si Daddy ay doon ko na pinag patuloy ang aking pagiyak.

Kidnapped By The Ruthless Criminal (Chavilire Series #2)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα