Kabanata 20

26.1K 892 276
                                    

Kabanata 20

[ Serena's point of view ]

"Serena ano, malambot na ba ang baka?" napalingon ako kay Tita Elionore saglit "Opo, ilalagay ko nalang po ang mga kulang na gulay." kasalukuyan kaming nasa kusina at nag luluto.

December 24 na at bukas ay pasko na. Kanina dumating dito si Tita Elionore at sinabi na napagusapan ng mga kapitbahay na gumawa ng malaking pag sasalo para mamaya.

Bawat bahay ay may kanya kanyang pagkain na dadalhin sa pagdiriwang para pagsaluhan ng lahat. Si Tita Elionore ay pinaluto ako ng kare kare samantalang si Dolores naman ay nag iihaw ng isda kasama si Exodus sa labas.

Ala-sais daw ang simula nung pagsasalo at alas tres na ng hapon ngayon. Matapos kong maluto ang kare-kare ay tinikman ko din ang bagoong na niluto ni Tita Elionore.

"Ano Serena masarap ba? Akala niyo kayo lang ni Dolores ang magaling magluto dito ah, marunong din ako." agad akong natawa "Opo masarap, bagay na bagay sa lasa ng kare kare." napangiti lalo si Tita Elionore.

Inayos ko lang saglit ang pinaglutuan ko bago ako lumabas. Nakita ko naman agad sila Dolores na nag iihaw sa labas. Agad akong lumapit sa kanila.

"Malapit na kayo matapos?" nakangiti kong tanong, bumaling naman silang dalawa sakin "Oo at eto si Dos ay muntik pang masunog yung dalawang isda. Buti na lang naiahon ko agad sa uling." natatawang anya ni Dolores habang tinutukso si Exodus.

Natawa din ako dahil naalala ko ang mga sunog na pagkain at sirang mga gamit sa kusina na nasa isla noon.

"Stop laughing over the little thing Dolores, you know I don't know how to cook." salubong ang kilay na sabi ni Exodus.

Bahagya naman tinusok ni Dolores ng daliri niya ang tagiliran nito, hindi pa tapos sa panunukso "Dapat kasi ay mag aral ka mag luto para matuto ka naman."

"I've tried to cook a few times but the stove seems to be mad at me and it's always ended up burning my food." mabilis naman  napahagalpak ng tawa si Dolores. Maging ako ay napahawak sa aking bibig para pigilan ang malakas na pag tawa.

I can't believe his face is innocent while saying those words.

Tinignan naman kaming dalawa ni Exodus ng seryoso na tila seryoso talaga siya sa sinasabi niya at kaming dalawa ay walang karapatan na pagtawanan ang mga yun.

Tumikhim si Dolores para ihinto na ang sarili mula sa pag tawa "Kung ganun ay dapat pala magaling mag luto ang mapapangasawa mo ng sa ganun ay hindi ka magutom?" ramdam ko ang pagiging malambing sa boses niya nang sabihin niya yun.

Tinignan naman siya ni Exodus "I actually already found her and she is really good at cooking." may pagkamahina nitong sabi bago mabilis na iniwas ang titig kay Dolores at binaling sa isda ang mata.

Natahimik naman si Dolores at kita kong bahagyang namumula ang kanyang pisngi. Natigilan din ako sa nakita at narinig.

Tinignan ko si Exodus pero nanatili na lang ang kanyang mata sa isda na niluluto hanggang sa makagawa ulit si Dolores ng bago nilang paguusapan.

Agad naman akong umalis sa kinaroroonan  nila at pumanik sa kwarto. Ang tinutukoy niya bang babae na mapapangasawa niyang magaling magluto ay si Dolores?

Kidnapped By The Ruthless Criminal (Chavilire Series #2)Where stories live. Discover now