Kabanata 37

28.3K 949 379
                                    

Kabanata 37

[ Serena's point of view ]

As I saw the two of them together, it seemed like someone was stabbing my heart.

Bagay silang tignan dalawa at hindi lang ako ang nakakakita nun maging ang mga mayayamang bisita na nakatingala sa kanila.

Now that Exodus is super rich, Karen also comes from a wealthy Legazpi family. They really deserve each other.

Pinunasan ko ang luha ko, balak ko na sanang umalis dahil ayoko ng makita pa silang dalawa na masayang nasa stage ng may isang babae na pumigil sakin.

"Hindi ba ikaw yung gumawa ng cake?" mukha siyang problemado kaya kumunot ang noo ko "Y-yes why?"

"Naisipan kasi namin na ilipat yung cake sa mas magandang lalagyanan kaso nabangga nung isang staff yung icing sa bandang gilid. Medyo nasira pero panigurdong magagalit si Mr. Chavilire." hindi ko maiwasan magulat.

"Kaya mo bang ayusin ulit? Nasa loob ng kusina."

"Uhm, okay.." wala kong magawang sabi, after all hindi ko maaring pabayaan yun kahit hindi ko na kasalanan ang nangyari.

Mabilis akong sumunod sa kanya papunta dun. Pag dating sa kusina ay nakita ko nga ang cake na medyo nasira ang icing. "Meron ba kayong cream icing? Madali lang naman itong ayusin kaso kailangan ko nun." mabilis silang nag utos ng isa para kumuha sa mismong pinaka kusina ng hotel ng hinihingi ko.

Ilang minuto lang ang hinantay ko at dumating na din ang lalaki, binigay nito sakin ang icing na hinihingi ko kaya naman pinahid ko na yun sa cake para tapalan ang parteng nasira nila.

Sampung minuto lang din ang lumipas at tuluyan ko na nga itong naayos. Tila sila nakahinga ng maluwag dahil bumalik na sa dati ang itsura ng cake.

"Grabe, ang galing mo pala gumawa ng cake. Kinabahan pa naman kami ng sobra dahil sobrang laking tao ni Mr. Exodus, paniguradong lahat kami ay ipapatanggal niya dito."

Ngumiti ako sa kanila "Wala yun, ingatan niyo na lang ang pag lagay para hindi na masira." tumango sila sakin bago muling nagpasalamat.

Tuluyan nilang nailipat ang cake sa mas magandang lalagyanan, lalong gumanda ang desenyo ng cake ko dahil bumagay ito doon.

Hinatid na din nila ako sa party nila Exodus. Nakasunod lamang ako sa kanila habang inaayos ang cake sa lamesa. Nang matapos sila ay lumapit ulit sakin ang babae para mag pasalamat.

Nang sila ay bumalik na ulit sa kusina ay doon ko na napagpasyahan na umalis na din. Baka kasi makita ko ulit si Exodus at si Karen, sawang sawa na 'ko makaramdam ng sakit.

Humarap na 'ko sa aking harapan para umalis na ngunit ang inaakala kong tahimik na paglisan ay nasira matapos makita ang mga dati kong kaibigan na si Karen, Grace at Alexa ay kapwa nasa harap ko pala.

Kita ko din ang gulat sa kanilang mga mata matapos akong makita "Oh! Look who's here, the criminal's daugther." ang gulat sa mata nila ay napalitan ng nakakainsultong tingin bago pa man yun sabihin ni Alexa.

"What does a garbage like you do at a party like this?" tanong ni Grace, ramdam ko ang pag iinit ng buong katawan ko dahil sa hiyang nararamdaman.

Kidnapped By The Ruthless Criminal (Chavilire Series #2)Where stories live. Discover now