Ang Simula

52.3K 1.2K 201
                                    

Warning:  Some of the chapters have mature contents that aren't suitable for young readers. Read at your own risk.

THIS IS SUPER REDFLAG AND DISTURBING! KUNG MAY GALIT KA SA GANITONG STORY WAG MO NA ITULOY🚩

Ang Simula

[ Serena's point of view ]

"Breaking news: isang ulo ng lalaki ang muling namataan malapit sa head quarters ng mga pulis, hinihinala nila na ang number 1 serial killer na si Exodus na naman ang may kagagawan ng krimen"  hindi ko pinansin ang sinasabi sa balita dahil abala ako sa pag gawa ng mga pagkain dito sa kusina.

"Grabe nakakatakot na talaga lumabas ngayon, bakit kasi hindi pa mahuli huli ang Exodus na 'yun, napakadami na niyang pinatay na inosenteng tao."

"Oo nga, panigurado buhay pa yun pero sinusunog na ang kaluluwa nun sa empyerno." bulungan ng mga kasambahay namin sa bahay.

Hindi ko naman sila masisi kung bakit ganun sila mag salita sa Criminal na yun dahil tunay nga naman na napakadami na niyang pinatay.

Ewan ko ba kung bakit may mga tao na kayang patayin ang kapwa tao nila. Wala naman sila mapapala kung gagawin nila yun at isa pa wala silang karapatan kunin ang buhay ng iba dahil hindi naman sila ang Diyos.

"Perfect." bulong ko habang pinag mamasdan ang mga cute na cupcake na ginawa ko. Kasalukuyan akong nasa college at nasa kursong cullinary.

Mahilig ako mag luto at mag bake, balak ko ay pag naka graduate ako ay mag tatayo ako ng sarili kong resturant.

"Senyorita Serena, nasa dinning area na po ang mga magulang niyo at kasama nila ang pamilya ni Senyorito Haru." ngumiti ako ng tipid kay Yaya Isa at sumenyas na susunod na 'ko.

Agad kong inalis ang apron na suot ko at inayos ang buhok ko bago lumabas sa kitchen namin. "Mom." mabilis akong lumapit kay Mommy and Daddy bago sila sabay na binesohan ganun din sa dalawa kong ulupong na kuya.

Naupo ako sa tabi ni Haru na nakangiti sakin. "Anong meron bakit nandito kayo?" nag kabit balikat siya at bumulong pabalik "Ewan, sabi lang nila may sasabihin silang importante satin" napatango tango ako sa sinabi niya.

He's Haru Arcadio and he's my childhood bestfriend. Kagaya ko ay galing din ang pamilya niya sa political dahil ang dad niya ay kasalukuyang senator dito sa lugar namin.

"Serena iha, isang linggo na lang ay kaarawan mo na. Ibig sabihin ay nasa tamang edad kana para mag pakasal kaya  naman naisip namin na sabihin sa lahat na engaged na kayo Haru sa oras ng birthday mo." hindi maiwasan ng labi ko ang mapaawang dahil sa sinabi ni Mommy.

Tumingin ako kay Haru pero nakayuko lamang ang ulo niya ngunit sa ilalim ng mesa ay makikita mo ang pag kuyom ng kamao niya na lihim na kinasakit ng puso ko.

To be honest I love him and I'm happy that we are getting married. But I can't ruin his happines, I know I don't have a chance in his heart because he already have a girlfriend.

Kidnapped By The Ruthless Criminal (Chavilire Series #2)Where stories live. Discover now