Kabanata 8

26.6K 940 168
                                    

Kabanata 8

[ Serena's point of view ]

Nanatili akong nakatitig kay Exodus at hindi alam ang gagawin. Patay na ba siya? Tanong ko sa sarili.

Lumapit ako sa kanya bago dalhin ang kamay sa pulso niya pero may tibok pa naman yun. Tinignan ko ang sugat niyang nakabukas pa din bago ako napakagat sa sariling labi.

Natanggal na ni Exodus ang bala sa loob ng katawan niya kaya tingin ko naman kailangan ko nalang linisin ang sugat niya at tahiin para tumigil ang pag dudugo.

Halos malagot ko ang hininga ko dahil sa pangalawang naisip. Tahiin? Oh my god! Marunong ako mag tahi ngunit sa damit at hindi sa balat ng tao!

I'm not even a nursing student! Paano kung mag kamali ako at lalo lang siyang lumala? What if mamatay siya? Napailing ako.

He's a devil Serena, a disgusting criminal and I think sa lahat ba naman ng ginawa niyang kasalanan ay eto na yun, eto na ang karma niya.

Huminga ako ng malalim bago tumingin sa pintong nakabukas. He's weak and fell asleep. I can have my chance to run away from him, I need to be selfish for now.

Hindi pwedeng puro konsensya ko nalang ang iisipin ko. Tumango tango ako sa napagpasyahan bago tumakbo palabas. Naiiyak pa ako habang naiisip na makakabalik na muli ako sa pamilya ko.

Makakabalik na 'ko sa dati kong buhay kung saan mararamdaman ko na ulit na prinsesa ako. Nang marating ko ang gate ng mansyon ni Exodus ay natigilan ako.

The last time I tried to escape I was almost rape but Exodus help me. Matapos mangyari yun hindi niya na ako sinaktan o binastos pa.

Dapat kong isipin sa ngayon na kasalanan niya pa din yun dahil dinala niya ako dito. But thinking na pag tumawag na 'ko ng pulis at makarating sila dito bukas at patay na si Exodus ano na lang mangyayari sakin?

Mumultuhin niya ba ako? Mapupunta ba ako sa impyerno dahil mas inuna ko ang sarili ko? "Serena! What are you thinking!?" naiiyak kong usal bago tumakbo hindi para tumakas kundi para bumalik kay Exodus.

"I-im sorry i tried to leave you here!" iyak ko bago kinuha ang medicine kit at ginamot ang sugat niya. Dahil hindi ako marunong mag tahi ay tinakpan ko na lang yun ng gasa bilang first aid.

Naalala kong may cellphone si Exodus, plano ko na gamitin yun para tumawag ng pulis at sabihin ang kinaroroonan namin. Kinapa ko ang bulsa niya at tama nga ako.

Agad ko yun kinuha bago tinawagan ang numero ng mga pulis "He-hello, this is Serena Reid. Kasama ko si Exodus, can you please track us down? Help me sir!" nang masabi ang pangalan ko ay rinig ko ang pagkataranta ng mga nasa kabilang linya.

"Ms. Reid! Kamusta ho ang kalagayan niyo!? Nasan po kayo? Kasama niyo ba si Exodus!?" nakagat ko ang ibabang labi ko.

"I don't know kung nasan kami but yes I'm with Exodus, he's wounded and unconscious that's why I get the chance to call a cops. Please help me sir!" pagmamakaawa ko, I hope this time makuha ko na ang tulong na kailangan ko para makabalik sa pamilya ko.

"Calm down Ms. Reid, kokontakin na ho namin ang daddy niyo at pupunta na kami d'yan. Sa ngayon kung sakali man na magising siya ay umakto po tayo na wala lang para hindi niya mahalata at hindi siya makagawa ng aksyon." napatango tango ako na para bang nakikita niya ako.

Kidnapped By The Ruthless Criminal (Chavilire Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz