Kabanata 28

21.3K 739 168
                                    

Kabanata 28

[ Serena's point of view ]

Paglabas ko sa kwarto ko ay ang siyang paglabas din ni Kuya Isaiah sa kwarto niya. Agad siyang lumapit sakin bago ako inakbayan.


Sabay kaming pababa ngayon sa hapag "Bakit hindi ka nakauniform?" tanong ko sa kanya. Alas-syete pa lang ng umaga at lunes kaya naman sigurado akong may pasok din sila.

"Sasamahan namin ni Isaac si Mommy sa business meeting niya, alam mo na. Kailangan na namin matuto patakbuhin ang kompanya." tinignan ko siya bago ako ngumisi para asarin siya.

"Ikaw lang naman ang wala pang alam sa business, si Kuya Isaac ay magaling na." bukod sa pagiging politiko ni Dad ay meron jewerly company kaming pag aari.

Ang dalawang Kuya ko ang mag mamana nun dahil wala naman akong interest sa business. Gusto ko pag nakapag tapos ako ay magtatayo ako ng sarili kong bake shop.

"Masyado ka naman bilib kay Isaac e mas gwapo naman ako dun." umismid nalang ako sa kanya kaya naman humaba ang nguso niya sa harapan ko. Hindi ko maiwasan na matawa sa itsura niya.

Pag dating sa hapag ay kami nalang palang dalawa ang wala kaya agad na kaming umupo sa pwesto namin.

"Isaiah, Isaac siguraduhin niyong aayusin niyo ang deal na gagawin niyo mamaya sa kompanya. Ilang buwan nalang at magtatapos na kayo kaya tama lang na sanayin niyo na ang sarili niyo." sabi sakanila ni Dad ng magumpisa na kaming kumain.

"I finished checking the company report earlier, I know what I will do later." si Kuya Isaac habang seryosong kumakain. Si Kuya Isaiah naman ang binalingan ni Daddy.


"What? Akala ko ba sasamahan lang namin si Mom sa meeting niya?" agad naman siyang sinamaan nang tingin ni Daddy kaya bigla siyang tumawa bago nag taas ng kamay na parang sumusuko "Just kidding Dad, don't worry nakapag handa din ako."

Nanatili akong nakikinig sa pinag uusapan nila ng ako naman ang binalingan ni Daddy "How about my princess? Balak ka bang sunduin ni Haru ngayon?" tinignan ko sila Mommy at Kuya Isaac at pasimple lang silang nakatitig sakin.

"Hindi po siguro Dad, wala naman po siyang sinabi."


"You need to improve the relationship between the two of you because you are getting married, sa susunod sabihin mo sa kanyang ihatid sundo ka para lagi kayong magkasama."

nanatili akong nakatingin kay Daddy dahil sa sinabi niyang yun.

"Geez, bakit ba kasi kailangan pakasalan ni Serena ang mokong na yun? Baka mamaya kung ano lang ang gawin niya sa kapatid ko." sabi sakanya ni Kuya Isaiah.

Sa loob loob ko ay hindi ko maiwasan maging masaya dahil alam kong pag nalaman din ni Kuya Isaiah ang samin ni Exodus, alam kong matatanggap niya din kami.

"This is for the sake of our family, also Serena likes Haru. I'm just giving her what she wants." dahil sa sinabi ni Daddy na yun ay hindi ko maiwasan na sumabat.

"But what if Dad hindi talaga yun ang gusto ko?" hindi ko mapigilang sabihin, tinubuan ako sandali ng kaba lalo't tinignan nila akong lahat.

"What do you mean?" seryosong tanong ni Dad. Agad kong nakagat ang dila ko dahil nakaramdam ako ng takot na baka magalit siya bigla "W-wala po.." nauutal ko pang sabi.

Kidnapped By The Ruthless Criminal (Chavilire Series #2)Where stories live. Discover now