Kabanata 16

25.6K 913 206
                                    

Kabanata 16

[ Serena's point of view ]

Mula sa tahimik na pag aantay sa tita ni Exodus ay agad din itong dumating hawak hawak ang isang mug na may lamang kape.

"Pasensya na iha at ito lang ang mabibigay ko sayo. Hindi pa kasi ako nakakabili ng stock ng pagkain sa bayan." nahihiya akong ngumiti bago kinuha ang kape.

"O-ok na po 'to, maraming salamat po Ma'am." gusto ko sabihin sa kanya na hindi ako umiinom ng kape. Wala akong hilig sa pag inom nito dahil mas nanaisin ko pa ang gatas kesa sa kape.

Pinatong ko yun sa lamesa samantalang si Ma'am Elionore ay umupo sa harap ko. Saglit niya pa akong pinagmasdan bago ako tipid na nginitian.

"Sapilitan ka bang dinala ng batang yun dito iha?" tanong nito dahilan para matigilan ako "H-ho?" tangi kong naiusal.

Hindi ko alam kung dapat ko ba sabihin sa Tita ni Exodus na kinidnap niya ako o ano. Nahihirapan akong mag desisyon kung dapat ko ba sabihin sa kanya ang kalagayan ko lalo't hindi naman ako dadalhin dito ni Exodus kung alam niyang tutulungan ako ng Tita niya para tumakas.

"Pagpasensyahan mo na ang batang yun iha, masyado lamang naging malungkot ang buhay niya kaya marahil nagawa niya ang lahat ng ito." bumakas sa ginang ang isang kalungkutan.

Napalunok naman ako "M-maari ko po bang malaman kung anong nangyari sa kanya?" kung sino ang sinasabi niyang pinatay ng Daddy ko?

Gusto ko yun idugtong ngunit parang tinanggap ko na din na mamatay tao si Dad. "Mas mabuti ng wag mong alamin lalo't kita ko sayo na napaka inosente mong bata." handa naman sana ako mag salita para pilitin siyang sabihin yun ngunit nakita kong pababa na si Exodus.

"Wag mo na pala akong tawaging Ma'am, tita Elionore na lang din ang itawag mo sakin." hindi ko maiwasan ngumiti pabalik sa Ginang.

Napakabait ng aura nito, kanina kahit kita kong may pag aalinlangan sa kanyang mata ay mabuti pa rin ang pakikitungo niya sa akin.

Umupo si Exodus sa tabi ko at sumandal sa upuan. Nagpaalam naman agad si Tita Elionore at sinabing mag hahanda siya ng tanghalian.

"Did she said something to you?" malamig na tanong ni Exodus dahilan para lingunin ko siya "W-wala, ano naman ang sasabihin niya sakin?" balik kong tanong.

"Prevent yourself for asking her about my life, hindi mo kailangan malaman ang kahit ano sa buhay ko." nanigas naman ako sa kinauupuan ko lalo't sinasabi ng kanyang mata na hindi ko magugustuhan kung ipagpipilitan ko pa ang sarili kong alamin ang buong pagkatao niya.

"W-wala akong balak alamin ang buhay mo." sagot ko ulit. Tuluyan tumango si Exodus bago tumingin sa kape na nasa lamesa.

Umayos siya mula sa pagkakaupo bago yun kinuha at ininom. Nakatingin lamang ako sa kanya at hinahayaan siya, hindi ko rin naman gusto ang kape.

Nakaluto si Tita Elionore ng tanghalian namin. Malaking tilapia yun na may kamatis at sibuyas sa loob, mabilis akong napadila sa labi dahil inamin kong paborito ko ang ulam sa hapag.

"Tara na kumain na tayo." nakangiting aya ng Tita ni Exodus. Naupo na kaming lahat sa hapag bago sinimulan kumain. Habang kumakain ay hindi mapigilan ni Tita Elionore na tanungin kami ng mga bagay bagay.

Kidnapped By The Ruthless Criminal (Chavilire Series #2)Where stories live. Discover now