Kabanata 34

23.7K 884 241
                                    

Kabanata 34

[ Serena's point of view ]

Tulala akong nanonood ng TV habang nakaupo ako dito sa maliit na sala ng bahay ko.

Kahit na ang mga mata ay tutok sa pinapanood, tila ang utak ko naman ay naglalakbay sa kung saan.

Si Exodus buhay siya, nagkita kami sa party. Nagkatitigan kaming dalawa pero bakit ganoon? Ba't parang sa uri ng titig niya sakin ay parang hindi niya ako kilala?

At kailan pa naging sila ni Karen? Isa si Karen sa mga kaibigan namin nila Alexa at Grace nung college. Isa siya sa mga nambully sakin.

Ininsulto dahil bukod sa kriminal ang Daddy ko ay nagawa ko din pumatol sa kriminal na si Exodus noon.

Ano kaya ang sasabihin niya pag nalaman niya na ang kriminal na kinadidirian nila noon ang siyang boyfriend niya na ngayon?

Napayuko ako, tingin ko naman wala na yun halaga kahit pa malaman yun ni Karen. Hindi na kriminal si Exodus ngayon, hindi naman siya naging kriminal para sakin.

Nag angat ako nang tingin sa TV ng may lumabas na balita dito. Hindi ko maiwasan matulala dahil pinakita dun si Exodus na lumabas sa isang mamahaling sasakyan.

Hindi ko alam kung palagi ba siya binabalita sa TV pero ito ang unang beses na binalita siya hindi bilang wanted na serial killer.

"Breaking news: Nasa bansang pilipinas na si Mr. Exodus Chavilire, ang isa sa mga pinakamayamang tao hindi lang dito sa pilipinas maging sa ibang bansa. Personal niya ng pamumunuan ang S.C corporation na siyang mismong tinayo niya tatlong taon na nakakalipas."

Tatlong taon? Tatlong taon na simula nung tinayo ni Exodus ang kompanyang yun? Napalunok ako.

Ibig ba sabihin nito ay matagal ng maayos ang kalagayan niya? Nagawa niyang mag tayo ng sariling kompanya. Nagawa niyang maging successful.

Sabi ni Mr. Hercules ay patay na si Exodus, nag sinungaling ba siya sakin tungkol sa bagay na yun o kagaya ko ay huli na din nung malaman nilang buhay ito?

Napatingin ako sa kamay ko dahil dito bumagsak ang luha sa mata ko. Ano pa bang silbi Serena kung sabihin niyang buhay si Exodus?

Paniguradong galit sila sayo kaya nagawa nilang mag sinungaling, paniguradong galit si Exodus sayo dahil sa lahat ng kasalanan na ginawa mo.

Tumingala ako bago huminga nang malalim. Hindi ko na dapat pang isipin ang mga Chavilire dahil wala na silang kinalaman pa sa akin. Nasa kulungan na ang Daddy ko, pinagbabayaran niya na lahat ng kasalanan niya sa kanila.

At ako? Sapat na sigurong nag dusa ako sa loob ng limang taon. Magiging masaya nalang ako ngayon dahil buhay si Exodus, buhay siya at ayos na ang buhay niya ngayon.

Araw ng lunes, ala-syete ng umaga ay umalis na 'ko sa bahay ko. Wala na kasi kaming stock ng cake sa bakeshop kaya maaga ako papasok.

Usually kasi ay 10 o'clock ng umaga ang open ng bakeshop namin. Mamayang 9 pa siguro darating sila Anna para ayusin ang loob.

Pag pasok ko sa loob ng bakeshop ko ay dumeretsyo na agad ako sa maliit kong opisina. Ilalagay ko muna ang bag ko doon bago ako pumunta sa kusina para mag bake na ng cake.

Kidnapped By The Ruthless Criminal (Chavilire Series #2)Where stories live. Discover now