Kabanata 19

24.3K 1K 224
                                    

Kabanata 19

[ Serena's point of view ]

Tabi kami ni Exodus na nakaupo sa hapag habang nasa harapan namin sila Tita Elionore at Dolores.

"Mukhang masarap ang luto mong nilaga Tita ha." anya ni Dolores habang nakatingin sa niluto ko "Ay, si Serena ang nagluto ng mga yan. Nasabi niya kasi sakin na nag aaral siya ng chef." tumingin sakin si Dolores na tila nagulat pa siya.

"Wow, marunong ka pala mag luto. Sana lang masarap." hindi ko alam pero parang may narinig akong mali sa sinabi niyang yun. Nakangiti naman kasi ang mukha niya sakin at tila natutuwa pa siya na marunong ako mag luto.

"Dos, tikman mo 'tong sinigang ko." baling niya kay Exodus. Tinignan ko din ang katabi ko at nakatingin lamang ito sa mga pagkain "Later." maikli niyang sagot kay Dolores bago kumuha ng sarili niyang kanin at buhusan ng maraming sabaw ng nilaga ang plato niya.

Natigilan si Dolores sa ginawa niya pero nagawa pa din nitong ngumiti at pagtuunan na lang ng pansin ang pagkain niya. Dahan dahan naman akong nag iwas ng tingin habang pinipigilan ang maliit na ngiti dahil ang niluto kong ulam ang unang kinain ni Exodus.

Sa kabilang banda naman ay napaisip din ako, ano naman kung kay Dolores ang tinikman niya at hindi ang luto ko? Wala naman competition dito nang pagluluto na si Exodus ang titikim ng mga niluto namin.

Pag tapos kumain ay sinabi na ni Tita Elionore na siya na lang ang mag huhugas ng pinagkainan. Kasama niya din si Exodus para pag igibin ito ng tubig sa poso.

Papanik naman sana ako sa taas nang lumapit sakin si Dolores. May dala siyang planggana na naglalaman ng mga damit.

"Serena gusto mo bang sumama sakin? Dun sa ilog mag laba tayo ng mga damit." natigilan naman ako at napatitig sandali sa kanya.

Actually hindi ako marunong mag laba ng damit lalo't may mga katulong naman kami para gawin yun. Pero pansin ko kasi na medyo madami na ang madumi kong damit. Ngayon ko lang naisip na walang maaring maglaba nun kundi ako lang.

Wala akong katulong at hindi din ako buhay prinsesa ngayon. Nginitian ko si Dolores bago ako tumango "Sige, hintayin mo 'ko." ngumiti din siya sakin.

Pag panik ay agad kong nilagay ang marumi kong damit sa planggana na nasa loob ng banyo. Nag hanap din ako ng detergent at buti na lang ay meron din.

Bumaba na 'ko at kung saan ko iniwan si Dolores ay nandun pa din siya kausap na si Tita Elionore. "Mauna na po kami Tita." paalam dito ni Dolores.

Binalingan ako ni Tita Elionore "Serena iha mag ingat kayo ni Dolores."

"Opo." lumabas na kaming tatlo sa bahay at ibang daan na agad ang tinungo namin ni Dolores. Habang naglalakad ay nagsalita siya.

"Buti marunong ka mag laba?halata kasing kutis mayaman ka." pagkausap niya "Sa totoo lang hindi talaga, naisip ko lang na wala din kasing mag lalaba ng damit ko kaya sumama na 'ko sayo."

"Saan ba kayo nagkakilala ni Exodus? Bakit ka niya sinama dito?" mabilis akong natigilan dahil hindi ko alam ang sasabihin. Bumaling naman siya sakin agad nang mapansin ang pananahimik ko.

"A-ah..sa school na pinag aaralan ko, madalas kasi siya mag punta dun kaya naging close na din kami."

"Talaga? Ano namang ginagawa niya sa school niyo?" humigpit ang pagkakahawak ko sa planggana "Hindi ko alam e, basta lagi lang kami nag kikita dun." ang mga mata ni Dolores ay iniwas niya na sakin.

Kidnapped By The Ruthless Criminal (Chavilire Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora