Kabanata 6

28K 1K 213
                                    

Kabanata 6

[ Serena's point of view ]

Kahit masakit ang tuhod ko dahil sa pagkadapa ko kanina ay pinilit kong tumayo bago mabilis na tumakbo.

Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko dahil sa takot sa lalaking humahabol sakin. Ilang beses akong nag dasal para lang makatakas sa kanya.

"A-ayoko na! T-tigilan mo na 'ko!" umiiyak kong sigaw habang binibilisan ang takbo. Rinig na rinig ko ang takbo ni Exodus palapit sakin ngunit hindi ko magawang lumingon dahil baka lalo lang akong mataranta na ikadapa ko pa.

Hindi ko alam kung saan pupunta lalo't nasa loob pala kami ng kagubatan. Ikot lang ako nang ikot bago ako mabilis na napaigik ng bigla akong mapatid sa maliit na halaman.

Akma akong tatayo nang marinig ko na naman ang mga yapak niya. Dahan dahan akong gumapang habang hawak ang bibig ko para pigilan ang hikbi na sumusubok na kumuwala dun.

Nag tago ako sa matabang puno habang sinisilip si Exodus na nag lilibot ng tingin sa paligid. Akma siyang haharap sa kinaroroonan ko nang alisin ko ang tingin ko at muling nag tago.

Nanginginig ang katawan ko sa takot na tila lalabas na ang puso ko sa dibdib ko dahil sa labis na kaba. Kung magagawa niya pang mahuli ako ngayon ay hindi ko na alam kung anong gagawin.

"Looks like you're not here hmm.." muli ko siyang sinilip at nakita ko na tumalikod na siya bago tumakbo. Napahinga naman ako ng malalim bago nanatili pa rin sa pwesto ko kahit takot na takot na 'ko.

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago ako muling tumakbo palayo. Pag nagtagumpay akong makalabas sa gubat na 'to ay babalik agad ako samin.

Yayakapin ko agad sila Daddy at sasabihin ko kung anong takot ang nararamdaman ko ngayon. Sana ay wag na 'ko makita pa ni Exodus.

Sana makatakas na 'ko mula sa kamay niya.

Walang mapaglagyan ang saya ko ng makarating ako sa isang highway. Mukhang nakalabas na 'ko sa gubat at kung sakaling may dadaan na sasakyan dito ay makikisakay nalang din ako.

Kahit nasa highway na ay tumatakbo pa din ako dahil baka makarating din dito si Exodus at mahuli niya ako. Habang tumatakbo ay nanlaki ang mata ko bago napangiti ng mapansin ang isang pulang sasakyan na papunta sa gawi ko.

Agad ko 'tong pinara kaya ito huminto. Nang buksan ng may ari ang bintana ng kotse ay agad akong nag salita.

"He-help me please..My name is Serena Reid and l'm being chased by the criminal right now. Please help me sir!" hingi kong tulong.

Agad akong pinag buksan ng isang lalaki na nakaupo sa shot gun seat at lumipat kami sa backseat.

"So you are the famous Serena Reid? The one who's been kidnapped by Exodus?" tanong ng isa sa kanila.

Takot pa din akong tumingin sa bintana ngunit sa loob ko ay nakahinga na 'ko ng maluwag dahil sa wakas nakatakas na din ako kay Exodus.

"Y-yes, t-thankyou for saving me I-i promise  I will pay you when I got back to my family."

Ang maliit na ngiti sa labi ko ay nawala ng akbayan ako ng lalaki bago niya ilapit ang mukha niya sa mukha ko "Then how about let's have a sex right now? You know you're beautiful so I wonder if you are also good in bed." he gave me his disgusting smirk.

Kidnapped By The Ruthless Criminal (Chavilire Series #2)Where stories live. Discover now