CHAPTER 58

1.5K 23 5
                                    

Chapter 58


FLORICEL'S POV


"Kayo ba ni steven?"  naibuga ko ang kinakain ko dahil sa tanong ni ryu. nandito kase kami ngayon sa jollibee nagutom kase si seven habang namimili kami.

Tumayo si ryu at lumapit sakin. hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko katulad ng dati pag malapit sya.

"Are you ok?" tanong nya at inabutan ako ng panyo. kinuha ko naman yon at pinunasan ang bibig ko. nakakahiya Talaga.

"Ok lang ako" sagot ko at tumingin kay seven. "Tapos kana ba? uuwi na tayo baka hinahanap na tayo ng daddy mo" kinarga ko si seven at nag paalam kay ryu. Pero hindi pa kami nakaka layo ng tawagin ako ni ryu. taka akong tumingin sa kanya.

"Bakit?"

"Ihahatid ko na kayo" tatanggi pa sana ako pero nakita kung inaantok na si seven kaya tumango nalang ako.


Buong byahe tahimik lang kami hindi sya nag tanong sakin ng kahit na ano na. siguro alam nyang hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang mga nangyari.

"Nandito na tayo" napa kurap kurap ako ng biglang mag salita si ryu.. ngayon ko lang napansin na nandito na pala kami sa bahay ni steven.

"Salamat sa pag hatid samin" pag papasalamat ko sa kanya at kinarga na ang natutulog na si seven. tinanguan nya lang ako saka pinaandar na ang kotse nya.



Nang maka pasok kami sa bahay ay bumungad samin ang nag aalalang si steven. nakalimutan ko hindi nga pala ako nag sabi sa kanya. Nag mamadali syang lumapit sakin at kinuha si seven.  Nang maihiga nya sa kama si seven ay humarap sya sakin at inaya ako palabas ng kwarto.

"Hindi na kita tatanongin kung saan kayo galing mag pahinga ka na mukang pagod kana. bukas mo nalang sakin sabihin" tumango lang ako sa sinabi nya at pumasok sa kwarto ko.

Nag bihis muna ako ng damit bago humiga sa kama.. hindi ko inaasahang makikita ko sya kanina. Naka tulala lang ako sa kisame habang inaalala ang mga nangyari kanina. alam kaya nya ang nangyari sakin kaya hindi sya nag tanong?

Napatingin naman ako sa cellphone ko ng bigla yong tumunog.


*1 Message from UNKNOWN*

'GoodNight Baby I Know Your Not ready to talk to me I understand just always remember i will wait for you even it takes forever. Mahal Kita at Tanggap Kita'



Naramdaman ko nalang na may luhang tumutulo galing sa mata ko ng mabasa ko ang message hindi man sya nag pakilala alam kung sya yon.



'Let's Meet Tomorrow 8 am sa MR Cafe malapit sa company ni steven' pag ka send ko non sa kanya ay pinikit ko na ang mga mata ko para matulog. Sana kung ano man ang mangyayari bukas gabayan ako ni lord.


STEVEN'S POV



Alam kung nag kita na sila dahil nakita ko kong si ryu ang hatid sa kanila. Simula na siguro to. sana mag kausap na sila dahil naaawa na ako pareho sa kanila. yong isa palaging tulala at umiiyak dahil hindi matanggap ang nangyari sa kanya at natatakot na baka hindi sya matanggap ng lalaking mahal nya. YONG isa naman palihim lang na umiiyak habang pinapanood ang babaeng mahal nya. Nag hihintay lang sya ng tamang panahon.


Pero para sakin wala namang tamang panahon eh. magiging tama lang ang panahon kong sila mismo ng mag tatama nito. kung kinakailangang I-Set-up-date ko sila gagawin ko. Para lang matapos na ang pag hihirap nilang dalawa.


Mahal ko si Floricel pero bilang kailbigan at kapatid lang yon..





RYU'S POV



Yes palagi ko syang binabantayan mula sa malayo. palagi ko syang pinapanood. gustong gusto ko syang lapitan at yakapin pag nakikita kung umiiyak sya pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil katulad ng sinabi ni hestia baka hindi pa sya handang makita ako.



Naiinis lang ako kase anglapit lapit nila ni steven sa isa't isa. pero anong magagawa ko tatlong taon silang mag kasama at sa iisang bahay pa sila nakatira. pero may tiwala naman ako sa kanilang dalawa at isa pa may bagay akong nalaman na kapag sinabi ko kay steven ay mag wala sya. pero tingin ko hindi dapat ako ang mag sabi non sa kanya. ayaw kong makialam sa buhay ni steven.



Ngayong araw ang pinaka masayang araw sakin dahil nakasama ang babaeng mahal ko. hindi ko rin inaasahan na mag kaka salubong kami at mag kaka bangga pa.


Wala talaga akong balak mag pakita sa kanya sinusundan ko lang sila para masiguradong ligtas sya dahil ngayon nalang ulit sya lumabas sa loob ng isang taon.

Habang sinusundan ko sila kanina nawala sila sa paningin ko kaya hinanap ko sila tapos biglang naka bangga ko sila. I Don't Why pero bigla ko nalang nasabi sa kanya na miss ko na sya. pag katapos kung sabihin yon aalis na dapat ako pero biglang nag salita si seven ang pamangkin ni steven.

Kumain kami sa jollibee at inihatid ko sila sobrang saya ko na non dahil nakasama ko ang babaeng mahal ko. buong byahe pinilit kung huwag mag salita at mag tanong sa kanya.

Gusto ko pa syang maka sama at maka usap ng matagal pero baka hindi pa ito ang oras.

Nang makarating ako sa bahay ko ay dumiretso agad ako kwarto ko at humiga sa kama.

Kinuha ko rin ang cellphone ko para i-message si floricel. nakuha ko ang number nya kay seven may papel syang iniabot sakin kanina ang sabi nya number daw yon ng tita mommy floricel nya. Pag nag kita ulit kami ng batang yon bibilhan ko talaga sya ng maraming regalo dahil ibinigay nya sakin ang number ni floricel.


'GoodNight Baby I Know Your Not ready to talk to me I understand just always remember i will wait for you even it takes forever. Mahal Kita at Tanggap Kita'

I-Senend ko yon sa kanya kahit na alam kung hindi sya mag rereply. mas ok na to yong masabi ko sa kanya na kahit tatlong taon na ang lumipas mahal ko parin sya at sya lang ang babaeng mamahalin ko.


Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para matulog pero biglang tumunog ang cellphone ko. antok na antok na ako pero biglang nawala ang antok ko ng makita ko kung sino ang nag text.

'Let's Meet Tomorrow 8 am sa MR Cafe malapit sa company ni steven'

Tumayo ako sa pag kakahiga at paulit ulit na binasa ang text nya. totoo ba to? hindi ba ako nananaginip? makikipag kita sya sakin bukas.

'Ok' yon lang ang isinagot ko at bumalik na sa pag kakahiga.






(END OF CHAPTER 58)


A/N : hahaha malapit na palang matapos to. hindi parin ako maka paniwala kase dati hanggang chapter 1 lang ang mga naiisulat ko ngayon malapit na akong makatapos ng isang story kahit na medyo magulo.

MAFIA SERIES 1 : FALLING IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (COMPLETED)Where stories live. Discover now