CHAPTER 2

5K 94 6
                                    

CHAPTER 2

"Omy Gosh sino yong babaeng kasama nila Prince Ian?"

"Baka naman girlfriend"

"Sabihin mo baka nilandi nya sila prince Ian"

Rinig kong usap usapan nong mga babae sa gilid namin. Tsk! mga bwiset

"Don't mind them" Bulong sakin ni ian kaya sinamaan ko sya ng tingin. Hindi manlang nila sakin sinabi na sikat pala sila dito.

Napatigil ako sa pag lalakad ng may maramdaman akong bagay na papalapit samin. Mukhang hindi yon naramdaman ng mga kasama ko dahil patuloy lang sila sa paglalakad.

"Argghh" Daing ko ng tamaan ako ng Kutsilyo sa balikat. Sh*t. Nanlalaking matang napatingin naman sila ian sakin.

lalapit sana sila pero senenyasan ko sila na wag lalapit at mauna na sa deans office.

Tumango naman sila saka nag patuloy sa pag lalakad. Hindi naman kase nila ugali na makisali pag may kalaban ako o kaaway. alam rin kase nilang kaya ko ang sarili ko.

"Welcome to Vergara University newbie"

Walang emosyong napatingin ako sa likuran ko ng may mag salita doon.

Mukang sya ang nag bato sakin ng kutsilyo dahil meron pa syang isang hawak na katulad nong tumama sakin, may kasama rin syang dalawang Matangkad na lalaki.

"Ganyan pala kayo dito mag welcome, mga walang manners" Mahina akong napatawa ng makita kong naiyukom nya ang kamay nya.

Galit agad?.

"Hindi mo ba ako kilala?" tanong nya.

"Hindi at wala akong balak
kilalanin ka" sagot ko at tinalikuran sya
pero hindi pa ako nakakalayo ng hablutin nya ang braso ko. Dahilan para mapa daing ako dahil nandon ang sugat na daplis ng ibinato niyang kutsilyo.

"I'm Ryu Vergara The school president and the owner of this school. Nice meeting you Miss" Bulong nya sa tainga ko na ikinatayo ng balahibo ko.

"Boss ok ka lang ba?"

"Anong Nangyayari sayo boss?"

"Boss Tulala ka"

Napakurap kurap ako dahil sa sunod sunod na tanong nila ian. nandito na kami sa dean's office para kunin ang schedule namin pero hanggang ngayon hindi ko parin malimutan ang sinabi ni Ryu.

Matapos nyang mag pakilala sakin kanina ay umalis na rin agad sya.

Nagamot ko narin yong sugat sa balikat ko na gawa ni ryu.

"Ms. Floricel Valencia Ito ang schedule mo sa section X kita inilagay dahil wala ng ibang bakanteng section ok lang ba." Tumango tango nalang ako bilang pag sagot.

"Pwede na kayong pumunta sa mga classroom nyo." Pag kasabi non nong principal ay lumabas na kaming apat.

"Boss dito na kami"

"Oo"

"Tawagan mo nalang kami pag may problema"

"Oo"

"Kita nalang tayo sa Caffeteria mamaya"

"Oo"

"Kung gusto mo ng tahimik na buhay boss layuan mo yong si Ryu Vergara" napatigil ako sa pag lalakad dahil sa isinigaw ni James. Hindi nga pala nila alam na nakaharap ko na kanina si Ryu.

Mag kakahiwalay kami ng section lima. Section A sila at Section X naman ako.

"Ah Miss san ba dito yong Section X" Nakangiting tanong ko don sa babaeng nerd na nag babasa ng libro. tumingin naman sya sakin saka ibinaba ang librong binabasa nya.

MAFIA SERIES 1 : FALLING IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu