CHAPTER 31

1.9K 37 0
                                    

CHAPTER 31

FLORICEL POV




Pumayag ako sa sinabi ni ryu total gusto ko rin namang mag pahinga sa mga problema. Para narin mag karon kami ng time para sa isat isa palagi kaseng sumusulpot kung saan saan ang mga kalaban namin kaya hindi kami makapag date manlang.

Hindi ko alam kong saan kami pupunta pero ang sabi nya tahimik daw don at sya ang may ari ng lugar na pupuntahan namin. may tiwala naman ako sa kanya alam kung hindi nya ako papabayaan at saka kaya ko naman ang sarili ko kahit hindi nya ako bantayan or alagaan pero syempre mas masarap parin sa pakiramdam yong may nag aalaga sayo.


At saka nag paalam narin naman ako kila mom and dad na sasama ako kay ryu nong una nga ayaw nila akong payagan dahil baka daw kung anong mangyari samin buti nalang at nauto ko kaya pinayagan kami.


"Ready?" Tanong nya pag kapasok nya sa kotse tumango nalang ako bilang sagot. wala akobg dalang kahit na anong gamit dahil kumpleto na raw ang mga gamit don.


"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang inaayos ang seatbelt ko hindi sya sumagot at nginitian lang ako saka pinaandar ang kotse. surprice pa ata ang gusto ng luko.


Mukang malayo ang pupuntahan namin kaya sumandal nalang ako sa bintana ng kotse at nag suot ng headset.

"Baby wake up"


Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko dahil sa boses na naririnig ko. pag kamulat ko ay bumungad saakin ang nakangiting mukha ni ryu.


"We're here" ani nya. nandito na agad kami ambilis naman anong oras na kaya?. kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na at halos lumuwa ang mata kong makita ko ang oras.

Alas-Dos (2:00 pm)  na pala samantalang nong natulog ako ay nuwebe palang ng umaga (9:00 am). Ibig sabihin mga anim na oras na akong tulog.


Inilibot ko ang paningin ko sa paligid puro puno lang ang nakikita ko mukang tama nga si ryu tahimik dito. makakapag pahinga kami ng maayos at walang gulo.


"Asan ba tayo?" tanong ko at bumaba ng kotse niyakap naman nya ako sa likod at nag salita "Nandito tayo sa isla ko" sagot nya na ikina kunot ng noo ko. Isla pero wala naman akong nakikitang tubig.


"Bakit walang dagat?" nag tatakang tanong ko tumawa naman sya saka hinila ako. Tumigil lang sya sa pag hila sa akin ng makarating kami sa madilim na part ng isla.

Hinawi nya ang mga dahon at baging na nasa harapan namin at halos lumaki ang mata ko sa nakita ko.


Sobrang daming iba't ibang klase ng bulalak sa paligid at meron ding talon na sobrang linaw ng tubig pero ang mas naka pukaw ng pansin ko ay ang maliit na kubo na napapalibutan ng mga sampaguita.


Para akong nasa isang paraiso marami ding nag liliparan na makukulay na paro paro at mga ibon sa palgid.

Sobrang tahimik ang tanging maririnig mo lang ay ang pag agos ng tubig at ang mga huni ng ibon.


MAFIA SERIES 1 : FALLING IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (COMPLETED)Where stories live. Discover now