CHAPTER 16

2.4K 56 0
                                    

Chapter 16


FLORICEL POV

"Ryu sigurado ka bang dito nanggaling yong putok ng baril?" tanong ko. Tumango naman at inabutan ako ng baril.

"P-Para S-San to?" Nanginginig na tanong ko pa. Yes Hindi ako takot humawak ng baril pero takot ako sa tunog nito at iniisip ko palang na gagamit ako nito. hindi ko na kakayanin.

Maya maya pa ay may lumapit saamin na grupo ng mga naka itim na lalaki. Itinago naman ako ni ryu sa likuran na parang peno-protektahan ako.

"Tingnan mo nga naman. napaka swerte ko talaga nandito ngayon sa harapan ko ang Isa sa Pinaka Kinatatakotang mafia boss sa mundo. at may kasama mang magandang dilag"   nakangising sabi nong lalaki na parang leader nila. habang naka tingin sakin.

Sarap dukutin ng mata ng gag*ng to. kung dala ko lang ang ang pana ko baka hindi na to nakaka lakad.

Pero ok sya tinawag akong maganda.

"What's Your name miss?" tanong nya sa akin kaya inirapan ko sya.

"Don't You dare to flirt with my Girl Sandro" walang emosyon na sabi ni ryu dahilan para mapaatras ang mga tauhan nong sandro. kaya napangisi ako. mga takot naman pala kay ryu.


"Kill Him at Ibigay nyo sakin yong babae" utos nong sandro sa mga tauhan nya at pinaulanan kami ng bala. Gumanti naman ng putok si Ryu habang hawak hawak parin ang kamay ko.


Nakita kong may babaril kay ryu kaya ikinasa ko ang baril ko at inuhan syang patamaan sa braso. Ayaw kong pumatay kaya sa paa at braso ko nalang sila patatamaan.

"Sino ba sila Ryu?"

"Mga kalaban ko sila sa negosyo. Galit sila sakin dahil pinabagsak ko ang kompanya nya sa isang iglap lang." sagot nya na ikina nganga ko.

Kaya naman pala galit na galit. kahit naman ako magagalit pag ganon ang ginawa sa akin. Naalala ko nga si Ian galit na galit sya nong muntik ng mapa bagsak ng mga kalaban ng tatay nya company nila.

Teka! Speaking of Ian. Nasaan na kaya sila? ok lang kaya sila? sana naman maayos ang lagay nila.


*THIRDPERSON POV*


Sa kalagitnaan ng pag hahanap ng makakain ay nakarinig ng sunod sunod na putok ng baril sila Ian na ikina alarma nilang lahat.

"James at Xander Puntahan nyo sila Boss at King" Wika ni ian at inilabas ang dala nyang baril. Dinala nya ito upang may proteksyon sila kung sakali mang may mangyaring hindi inaasahan.

Agad namang sumunod sa kanya ang dalawa kaya naiwan silang tatlo. "Mag masid kayo sa paligid baka mga kalaban sila"

Inihanda na ng tatlo ang mga sarili kung sakali mang may lalapit sa kanila at papaputukan sila. maya maya lang ay humahangos na bumalik si james at xander.

"Hindi namin sila mahanap" sabay na sabi ng dalawa. Nag katinginan silang lima ng makarinig ulit sila ng putok ng baril. Sabay sabay nilang tinahak ang lugar kung saan nanggagaling ang putok at doon nila nakitang nakikipag barilan si Floricel at Ryu habang mag ka talikuran. na syang ikina gulat ng husto ng lima.

Hindi nila inaakala na hahawak muli ng baril si floricel matapos nilang malaman ang nangyari dito ilang taon na ang nakaka lipas , napansin rin nila na sa balikat at paa lamang pinapatamaan ni floricel ang mga kalaban.

"Mukhang hindi talaga kayang pumatay ng tao ni Boss" Nakangiting sabi ni Ian at nilapitan si floricel at ryu para tulungan. ganon din ang ginawa ng apat.


"Ok lang ba kayo Boss?" tanong ni Xander tumango naman ang dalawa saka nag fucos sa pag baril sa mga kalaban.

Baril dito , Baril doon puro putok lang ng baril ang maririnig sa gubat.


Ayaw na ayaw ni floricel sa putok ng baril dahil takot sya sa tunog nito pero tuwing kasama nya ang mga kaibigan lalo na si ryu ay nawawala ang takot nya.

Ang tanging nasa isip lang nya ay kailangan nyang panatilihing ligtas ang mga taong malalapit sa kanya.

Napatingin naman sya kaya Timothy ng makita nyang malapit na itong maubusan ng bala.

"Kuya Timothy Catch" sigaw nya at inihagis ang isa pang baril na agad namang sinalo ni timothy.

Napatingin naman sa kanila si Ryu pero saglit lang dahil bumalik na ito sa pakikipag barilan

"Masyado silang marami kailangan na nating makaalis dito" sigaw ni Steven na sinang ayonan ng lahat.

Lumapit naman si ryu kay floricel at hinawakan ito sa kamay at sabay silang tumakbo habang nakikipag barilan parin.

"Arrghh" daing ni floricel ng tamaan sya sa balikat ng bala ng baril. napatigil naman sa pakikipag barilan si ryu kasabay ng pag tigil ng mundo nya ng unti unting bumagsak si floricel na agad naman nyang sinalo.


"FVCK!. IF SOMETHING FVCKING HAPPEND TO MY GIRL. I SWEAR I WILL FVCKING KILL YOU ALL" nakaka-kilabot na sigaw ni ryu na ikinatigil ng lahat pati na rin nila Ian.

Sabay sabay silang tumakbo papunta kila ryu at sabay sabay rin silang napamura ng makitang walang malay si floricel. Lumapit si Timothy kay floricel at kinarga ito na parang nag titimpi ng galit.

Galit na galit silang lahat. Pero walang makakapantay sa galit ng isang tao na nasa harapan nila ngayon. Para itong isang halimaw sa uri ng tingin nito sa mga kalaban.

Hindi sya papayag na hindi nya mahahanap ang taong nanakit kay floricel.

Papatayin nya kung sino man ang walang hiyang bumaril sa babaeng mahal nya. yon ang nakatanim sa utak ni ryu habang isa isang binabaril ang mga kalaban na nakakasalubong nya habang walang kahit na anong emosyon ang mukha. ang mga mata nito na dating kulay brown ngayon ay naging pula na.


I-Isa lang ang nasa isip ng lima.


"THE RUTHLESS DEVIL MAFIA BOSS IS BACK"



(END OF CHAPTER 16)


A/N : Nothing , wala na akong maisip na sasabihin.

MAFIA SERIES 1 : FALLING IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (COMPLETED)Where stories live. Discover now