CHAPTER 25

2K 43 1
                                    

Chapter 25

"Papakawalan namin kayong dalawa pag natalo mo ang mga tauhan ko" nakangising hamon ng leader nila.

"Deal" pag payag ko. tumingin naman ako kay herra ng bahagya nyang higitin ang dulo ng damit ko.

"Kuya mag ingat ka sa kanila" tumango nalang ako at tumingin don sa leader suminyas sya sa mga tauhan nya na kalagan ako sa pag kakatali.

Pumunta ako sa gitna at ganon din ang ginawa ng iba nyang tauhan. Lumapit sakin ang isa at akamang susuntukin ako pero naunahan ko sya. hinawakan ko ang kamay nya at pilipit iyon.

"Arghhhh" daing nya bago ko sya sipain sa tyan na ikinatumba nya at ikinasuka nya ng dugo.

Lumapit naman sakin ang pangalawa. susuntukin ko na sana sya ng biglang mag salita ang leader na ikinapanlamig ko.

"Subukan mong lumaban at papatayin ko ang kapatid mo."

nanlilisik ang matang tumingin ako sa kanya. hawak hawak nya si herra habang may baril na nakatutok sa ulo nito.
pero  wala akong makitang kahit na anong takot sa mga mata ng kapatid ko.

Maya maya pa ay may naramdaman akong humampas sa likod ko. gustohin ko mang lumaban hindi ko magawa dahil baka mapahamak ang kapatid ko.

"Ano pang hinihintay nyo bugbugin nyo na yan" sigaw pa nong leader. nag si tawanan naman yong mga tauhan nya at pinag susutok at sipa ako.

Sobrang nanghihina na ako dahil bugbog na ang katawan ko.

"I'm Sorry Kuya Pero kailangan kong gawin to" rinig kong sabi ni herra at ang kasunod ko ng narinig ay ang pag putok ng baril.


*BANG*

Nanlalaki ang mata akong napatingin kay herra may hawak na sya ngayong baril at duguan na ang may hawak sa kanya.

Kailan pa syang natutong bumaril? hindi ko naman sya tinuruan dahil gusto kong maging tahimik at maayos ang buhay nya.

"Kuya Catch" sigaw ni herra at inihagis sa akin ang isang baril na agad ko namang sinalo. Kailan pa sya nag kabaril? mukang marami akong itatanong sa kanya pag naka alis na kami dito.

Kaliwa't kanan ang putok ng baril. lahat ng makita namin ay pinapaputukan namin. pero ang napansin ko lamang ay lahat ng binabaril nya ay sa ulo lahat may tama.

"Sh*t" mura ko ng matumba ako agad namang lumapit sa akin at inalalayan ako palabas ng abandonadong building.

"ATEE KUYAA" sigaw na bungad sa amin nila hiro at hades. Tsk sabi't wag aalis sa kotse mga pasaway talaga.

Nang maka pasok kaming apat sa kotse ay seryoso kung tiningnan si herra.

"San ka natuto makipag barilan at saan nanggaling ang baril mo" seryosong tanong ko napaharap naman sya sakin at namumutlang nag salita

"Tinuruan lang ako ng kaibigan ko" sagot nya na ikinataas ng kilay ko. sa pag kaka alam ko kase wala syang kaibigan dahil ayaw nyang makisalamuha sa mga tao.

Kinuha ko naman ang baril na inihagis nya sa akin kanina iniabot ko ito sa kanya saka humunga ng malalim.

"Siguraduhin mo lang na sa mabuti mo gagamitin ang baril at hindi sa kalokohan gusto ring makilala yang kaibigan mong nag turo sayo bumaril" wika ko tumango naman sya saka kinuha ang cellphone nya.

Kamusta na kaya sila floricel? Galit kaya sya saakin dahil hindi ko agad sinabi sa kanya ang totoo?

"Kuya si ate floricel nasa hospital" biglang sabi ni herra na mas lalong ikinapang hina ko. ano naman kayang nangyari sa kanya ngayon? palagi nalang syang nasa ospital.

Inayos ko ang sarili ko bago tumingin kila herra. Masakit parin ang katawan ko dahil sa ginawa saakin ng mga pangit na yon. pero mas mahalaga sa akin ang malaman kung anong nangyari kay floricel.

"Kuya Puntahan mo na si ate floricel kailangan ka nya para narin maka pag paliwanag kana sa kanya kaya ko naman pati ang mga kapatid ko." sabi pa ni herra.

Alam nya kase na katulad nya ay halfsister ko si floricel. Kilala nya rin si floricel dahil palagi kong ikenokwento sa kanila kung gaano kagaling makipag laban si floricel.

Nginitian ko lang sya saka tumango. "Nag bago na pala ang isip ko kuya pwede ba kaming sumama. alam no namang Idol ko si ate floricel diba gusto syang makita sa personal" exited na sabi pa ni herra habang nag da-drive.

"Oo na basta bilisan mo na ang pag da-drive"

Ganon naba talaga ako katagal nawala dahil andami ko ng hindi alam kay herra. Una marunong na syang makipag barilan at ngayon naman marunong na syang mag drive ng kotse.

Wag na wag ko lang talagang malalaman na kasali sya sa mga gang at talagang baka maikulong ko sya sa condo ko.

___

Nang makarating kami sa ospital na pinag dalhan kay floricel nag mamadali akong lumabas sa kotse ramdam ko rin na nakasunod sa akin sila herra.

"Ms saan dito ang room ni Floricel Valencia" tanong ko sa nurse tumingin naman sya saakin. "Kaano ano nya po kayo?" tanong nya.

"Kapatid nya ako" sagot ko. ngumiti naman sya saka nag salita ulit

"Room 423 po sir"

pag kasabi nya non ay tinahak na namin ang daan papunta sa room 423. Masakit ang katawan ko pero kailangan kong makita ang kapatid ko. kailangan kong masiguradong ok sya.

Walang katok katok akong pumasok sa room 423 at bumungad sa akin si floricel na nakahiga sa hospital bed habang kausap si kung.

"Floricel ok ka na ba?" nag aalalang tanong ko. Napatingin naman sila ni king sa akin

"Kuya Timothy" mahinang pag tawag nya sa akin na ikina ngiti ko. Ang sarap talagang pakinggan pag tinatawag nya akong kuya.

Hahakbang na sana ako papalapit sa kanya ng bigla akong nakaramdam ng hilo. Pero bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko ay nakita ko pa sila herra na ang aalalang lumapit sa akin.


(END OF CHAPTER 25)

A/N : Floricel's POV is next. Seryoso umabot kayo dito pero thanks sa pag babasa love you guyzzz

MAFIA SERIES 1 : FALLING IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (COMPLETED)Where stories live. Discover now