CHAPTER 33

1.7K 37 1
                                    

Chapter 33

RYU POV

Napamulat ako dahil sa mabangong naamoy ko kaya bumangon ako sa pag kakahiga. pumunta muna ako sa banyo para mag toothbrush at pumunta na sa kusina naabutan ko don si floricel na nag luluto. magulo ang buhok nya at naka pantulog pa sya.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at niyakap sya sa likod. "Good Moring Baby" bati ko habang yakap yakap parin sya. Humarap naman sya saakin saka ngumiti ng pag katamis-tapis.


"Good Morning din baby Don kana sa lamesa malapit na tong maluto" ani nya at itinulak ako papunta sa lamesa.


Nang makaupo ako sa bangko sakto namang nag lalagay na sya ng ulam sa lamesa. Pritong Itlog at saka tinolang manok ang niluto nya..

"Kumain kana dali" exited na sabi nya at sinandukan ako ng kanin at ulam.. ngumiti naman ako sa kanya. Napalunok muna ako bago sumubo...

Inuna ko munang tikman ang tinolang manok at halos masuka ako dahil sa sobrang alat non. napadami ata sya ng lagay ng asin.

Tumingin ako sa kanya para sabihing maalat pero parang napa urong ang dila ko ng makita ko ang matamlay nyang mukha.

"Masarap ba?" tanong nya tumango tango nalang ako at ngumiti sa kanya kahit na gusto ko ng iluwa ang manok.. pero baka naman ma offend sya kaya pinilit ko nalang lunukin.

"Pwede mo namang iluwa kung hindi mo nagustohan" biglang sabi nya kaya napa tingin ulit ako sa kanya.


"Napa dami ka lang ng lagay ng asin. Pero pwede naman ng pagtiyagaan" saad ko na ikinangiti nya kaya naka hinga ako ng maluwag. ayaw ko syang makikitang umiiyak o malungkot ng ako ang dahilan.


Napadako namanan ang tingin ko sa kamay nya. namumula yon at puro sugat. Nakita nya yatang naka tingin ako don kaya tinakpan nya agad ang kamay nya.


"Anong nangyari jan?" tanong ko.

"Wala yan nasugat lang yan habang nag gagayat ako ng mga ingredients" sagot nya.

"Sa susunod kase mag iingat" pag papaalala ko sa kanya nakangiting tumango naman sya. saka nag simula na ring kumain.

Nang matapos kaming kumain ay tinulungan ko sya sa pag liligpit ng pinag kainan namin.

"Ako nalang mag huhugas ng pinggan" sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin. Puro sigat na nga ang kamay nya tapos gusto pa nyang mag hugas ng pinggan. kakaiba talaga ang babaeng to.

"Ako na"

"Hindi ako na"

"Ako na nga"

"Ako nalang kase"


"Ok ok tulong nalang tayo" pag suko ko. mahirap naman kaseng makipag talo sa babaeng to.. hindi talaga sya titigil hanggang hindi nya nakukuha ang gusto nya.

Ngumiti naman sya saka iniabot sakin ang sponge at joy. nag simula na kaming mag sabon ng mga pinggan.


Napakagat nalang ako sa labi ko para pigilan ang tawa ng makita kong may sabon sya sa pisnge mukang kinamot nya yon kaya nalagyan. Napansin nya yatang nag pipigil ako ng tawa kaya taka syang humarap sa akin.


"May Dumi ba sa mukha ko?" tanong nya. Tumango lang ako habang nag pipigil parin ng tawa. Hinawakan nya ang mukha nya para punsan yon pero hindi parib nya natanggal kaya lumapit ako ng kunti sa kanya at pinunasan ang pisnge nya gamit ang kamay ko.


"Ayan wala na" nakangiting sabi ko pero tinalikuran nya lang ako saka nag takip ng kamay sa mukha. napansin ko ring medyo namumula ang tainga nya.


Teka! Nag bu-blush ba sya? napangisi nalang ako dahil sa naiisip ko. "Kinikilig ang Baby ko" pangaasar ko sa kanya at iniharap sya sakin. Gusto kong makita ang maganda nyang mukha kaya dahan dahan kong inalis ang mga kamay nya na tumataklob sa mukha nya.


"Ang Cute Cute Mo" nanggigigil na ani ko at pinisil ang mag kabila nyang pisnge. "Mag hugas na tayo ng pinggan" nakayukong sabi nya kaya napatawa nalang ako saka pinag patuloy ang pag huhugas ng pinggan ganon din ang ginawa nya.


Nang matapos kaming mag hugas ng pinggan ay nag bihis narin kami dahil nabasa kanina habang nag huhugas kami ng pinggan.


"Swimming tayo" pag aaya ko sa kanya.


"Pwede bang mamaya na yon? may nakita kase akong puno ng mangga sa likod mukang masarap manguha muna tayo please" naka pout na sabi nya kaya tumango nalang ako. tuwang tuwa naman syang tumingin sakin at hinila ako palabas ng kubo.


Nang makarating kami sa likod ng kubo kung saan naroon ang puno ng mangga ay nag titinalon sya na parang bata. "Marunong kabang mangakyat jan?" tanong ko sa kanya ngumiti naman sya ng malawak saka nag simulang umakyat sa puno ng mangga na ikina laki ng mga mata ko.


"Baby ko bumaba kana jan please baka mahulog ka mabalian kapa" pag papa baba ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin at nag patuloy lang sa pag akyat.


"baby saluhin mo" kasabay ng pag sigaw nya ay ang pag tama ng mangga sa ulo ko. sinamaan ko naman sya ng tingin saka pinulot ang mangga na inihulog nya at inilagay sa basket ng dala namin.


"Bumaba kana kase ako na ang aakyat jan"

"Umakyat kana dito ryu para pag nahulog ako idadamay kita" nakangiting sabi pa nya wala na akong choice kaya umakyat nalang rin ako sa puno.

"San ka natutong umakyat sa puno?" tanong ko sa kanya habang nakaupo sa sanga ng puno. tumingin naman sya sakin bago mag salita.

"Lumaki kase kami ni kuya vernon sa lolo at lola namin. simple lang ang pamumuhay namin naka-tira kami sa bundok palagi kaming umaakyat sa mga puno ni kuya vernon sabay kaming nanonood ng pag lubog ng araw habang naka akyat sa puno." nakangiting pag ku-kwento nya na parang may magandang bagay syang inaalala.

Mahal na mahal nya talaga ang kakambal nya. alam ko kahit hindi sabihin namimiss nya na ang kakambal nya. sinubukan ko rin namang hanapin ang kambal nya pero wala talaga akong makuha na kahit na anong impormation.

"Tama na ang drama bumaba na tayo marami narin naman tayong nakuhang mangga" biglang sabi nya kaya napatigil ako sa pag iisip.

"Mabuti nalang at madidilaw na ang mga Mangga dito kaya masarap ng kainin" masayang sabi nya habang nag babalat ng mangga.

Napaka simple lang nyang babae hindi sya mapag kakamalan na anak ng isang billionaryo at mafia boss. kung normal na tao lang ang titingin sa kanya

Hindi sya maarte hindi katulad ng ibang mga babae na hindi naman magaganda pero saksakan ng mga arte.


(END OF CHAPTER 33)


A/N :  Nawala sa isip ko na mag update ngayon kakanood ko ng kdrama mabuti nalang at umabot pa ako...

MAFIA SERIES 1 : FALLING IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (COMPLETED)Where stories live. Discover now