CHAPTER 26

2K 45 0
                                    

Chapter 26

FLORICEL POV


"Ate Floricel Alam nyo po ba Idol ko kayo" napa-tingin ako sa babaeng kasama ni kuya timothy. Maganda sya , Maputi , Pero ang naka pukaw ng atensyon ko sa kanya ay ang kulay pula nyang buhok. Tingin ko mag kaseng age lang kami. May kasama rin syang dalawang batang lalaki. na parang 15 at 13 years old lang.

Nandito parin kase ako sa hospital. kung kanina ako ang naka higa sa hospital bed ngayon ako naman ang nag babantay sa natutulog na si kuya timothy.

Tumingin ako kay ryu na naka ngiting parang baliw habang naka halumbaba na naka titig saakin. nasisiraan na talaga ang bait ang lokong yon.


"Girlfriend ka ba ni kuya timothy?" tanong ko tumawa naman sya na ikina kunot ng noo ko. May nakakatawa ba sa tanong ko?

"Ano ka ba ate hindi po Mag kapatid lang po kami ni kuya timothy kapatid din po namin itong dalawang to" nakangiting sabi nya. Tumingin naman ako don sa dalawang bata nginitian lang nila ako saka sabay na ng 'hi'

Kapatid? HalfSiblings din nya?

"Ako nga po pala si Herra at sila naman po si Hiro at hades" pag papakilala nya.

"I'm Floricel and don't call me ate nakakatanda eh" sabi ko na ikinatawa nya. Pero maya maya lang ay naging seryoso ang muka nya hinawakan ang kamay ko.

"Ate Please pakinggan nyo po ang sasabihin ni kuya timothy I know hindi nya agad sinabi sainyo na kapatid nyo sya dahil natatakot syang masira ang masayang pamilya nyo. Nakikita ko naman po sa mga mo na hindi ka galit sa kanya. kung alam nyo lang po kung gaano nya katagal hinintay ang panahon na to para masabi nya na kapatid nyo sya at sana rin po matanggap nyo sya bilang kapatid dahil mahal na mahal nya kayo." mahabang sabi nya ikinatulala ko.

"Lalabas po muna kami" pag papaalam nya at hinawakan ang si hiro at hades sa kamay tango nalang ang naisagot ko sa kanya.

Nang maka labas sila ay saktong pag gising ni kuya timothy akmang babangon sya pero napigilan ko na agad sya.

"Wag ka munang bumangon kuya" sabi ko at inalalayan sya pahiga. tumingin naman ako kay ryu at sinenyasan syang lumabas pero umiling lang sya.

"F-Floricel" rining kong bulong nya.

"Gago kaba saan ka ba nag punta ha? isang buwan kitang inantay. Ang ayos ayos ng lagay mo nong huli kitang nakita tapos babalik kang ganyan ang itsura aba." sermon ko sa kanya na ikinatawa nya ng mahina kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Simula mo sa simula. paano mo kami nakilala?" tanong ko.

huminga muna sya ng malalim saka nag simulang mag kwento na ikinatahimik ko.

"Sila Herra halfsibling ko rin sila nong una masaya naman kaming pamilya hanggang sa sinabi sa akin ni mama na hindi ako anak ng itinuturing kong ama. Simula non iginugol ko na ang oras ko sa pag hahanap sa inyo at nag tagumpay naman ako pero ang kapalit non ay ang pag kamatay ni mama. pinatay sya ni eury nag kautang pala si papa ng malaki kay eury at hindi yon nabayaran ni papa kaya ang naging kapalit ang ang buhay ni mama.


Simula non nag bago na ang lahat palagi na kaming sinasaktan ni papa hindi naman ako makalaban dahil mahina pa ako non. hanggang sa nakilala ko si king tinulungan nya akong mag palakas at tinulungan nya rin akong hanapin si eury pero kahit kailan hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa inyo pero kahit na ganon pinag ka tiwalaan parin nya ako. kaya thank you king"

Tango lang ang isinagot sa kanya ni ryu.

"Kahapon pumunta ako sa bahay nalaman ko na ibinenta ni papa si herra kapalit ng pera pang sugal mabuti nalang at nabawi ko kaagad si herra dahil kung hindi baka kung ano ng nangyari sa kanya"


Bigla nalang nag init ang ulo ko. Hindi ko alam na may ama palang kayang ibenta ang sarili nyang anak para lang sa perang pangsugal.

Hindi ko man tunay na kapatid sila at herra hindi ko maatim ng konsenya ko na pabayaan lang sila kasama ang ama nila. Iisipin ko palang na sinasaktan sila parang hindi ko na kakayanin.

Yon ang isa sa mga kahinaan ko kahit na hindi ko kaano ano ang isang tao hindi ako napapakali pag alam kong nasa peligro ang mga buhay nila.

"Hindi ako papayag na bumalik pa sila herra sa tatay nila alam kong wala akong karapatan pero kuya hindi ko kakayaning isipin na sinasaktan ang mga katulad nila dapat nag sasaya sila at inienjoy ang buhay habang bata pa sila."

Bigla nalang nya akong niyakap na ikinagulat ko. "Thank you floricel" umiiyak na sabi nya kaya napa luha narin ako.

napahiwalay lang kami sa pag kakayakap ng biglang may kumatok sa pinto. binuksan naman yon ni ryu at pumasok sila ian , james , xander , steven kasama rin nila sila herra at ang tatlo kong kuya.

"Teka akala ko nasa misyon kayo kuyas" sabi ko kila kuya nag lapitan naman sila amin. "Nabalitaan kase namin na may nag tangka daw sa buhay mo sa school kanina kaya bumalik na agad kami" sabi ni kuya kent at ginulo ang buhok ko.

"Ku–" napatigil ako sa pag sasalita ng makita konh biglang nag seryosohan ang mga mukha ng kasama ko ganon na din si ryu.

Kaya tumingin ako sa may pintuan na pinag sisisihan kong ginawa ko. Dahil nasa may pintuan si dad at mom na parehong walang emosyon ang mukha.

ano namang ginagawa nila dito? sana lang hindi nila ako pabalikin sa italy.

"Shaun , Kent , Kerby lumabas muna kayo isama nyo na ang mga kaibigan nyo." maawtoridad na utos na dad na agad namang sinunod nila kuya.

Walo nalang kaming naiwan dito sa loob ng kwarto. ako si kuya timothy , si herra , hiro , hades , si ryu at sila mom and dad.

"Vergara" biglang sabi ni dad at tumingin kay ryu na ikinalunok ko. ako ang kinakabahan para kay ryu eh. nakakatakot pa naman sin si dad.

"Yes Sir"

"Anong ginagawa mo dito?" tanong sakanya ni dad. tumingin naman sakin si ryu na parang nanghihingi ng tulong pero nginitian ko lang sya.

Akalain mo yon ang isa sa pinaka kinatatakotang mafia boss kinakabahan sa harap ni dad.

"Oh I think I already knew" ngumisi si dad at tumingin sa akin kaya napayuko ako.

Mag sasalita na sana ako pero naunahan ako ni mom.

"Are You Timothy Allen?" biglang singit ni mom.


(END OF CHAPTER 26)

A/N : Dunating sila Mr. and Mrs. Millazo

MAFIA SERIES 1 : FALLING IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora