CHAPTER 9

2.8K 64 2
                                    

Chapter 9

FLORICEL POV

"MISS VALENCIA SINONG NAG SABING MATULONG KA SA KLASE KO" Rinig kong sigaw ni Sir Leo kaya iniangat ko ang ulo ko para tingnan sya. Galit na galit syang nakatingin sakin.

Grabe naman galit agad natulog lang naman ako.

Buong gabi kase akong walang tulog dahil binantayan ko si Ian baka kase kung anong mangyari sa kanya. dahil sa bali nya.

"Eh sir sino rin bang nag sabi na mag klase sa oras ng tulog ko" pame-melosopo ko sa kanya na mas lalong ikina pula ng mukha nya sa galit.

Narinig ko namang nag tawanan din yong iba naming kaklase. alam kong hindi ako kilala ni sir leo dahil bagong teacher lang sya.

"YOU MISS VALENCIA SUMUNOD KA SAKIN SA DEAN'S OFFICE" Sigaw pa nya. saka lumabas ng classroom kaya sumunod ako sa kanya

Tsk. para namang takot ako

"Whoo Walang klase"

"Thank You Queen F"

"Queen F lang kami"

napailing iling nalang ako sa pahabol na sigaw ng mga kaklase namin.

Queen F ang tawag nila sakin yon daw kase ang utos ni King Ryu nila.

parang mga baliw.

kung unang araw ko dito kung ano anong sinasabi nila sakin ngayon hindi na sila maka pag salita ng kahit na anong masama sakin. ewan ko ba kung anong sinabi sa kanila nong ryu na yon.

yong iba naman Dahil daw iniligtas ko ang mga buhay nila nong may mga sumugod sa caffeteria kaya nirerespeto na nila ako.

Nalaman ko rin kay Steven na ang ibang mga nag aaral pala dito ay pag hindi gangster. anak ng mga mafia boss.

Ngayon ko lang din napansin na wala si ryu sa classroom.

San kaya nag punta ang isang yon? sabay naman kaming pumasok. dahil sinundo nya ako sa apartment kanina. wala kasi akong kasabay dahil pinag bantay ko kay ian si xander at james.

"Where are you going?" hindi pa kami nakaka rating sa dean's office ng mapatigil ako sa pag lalakad ng marinig ko ang malamig na boses ni ryu.

Kaya nakangiti akong lumingon sa kanya. walang kahit na anong emosyon ang mukha nya. kasama rin nya si steven at timothy na katulad nya ay wala ring emosyon sa mukha.

Tsk. Bumalik nanaman ang Cold and Ruthless na Ryu King Vergara. lagi naman syang ganyan pag nasa school. pero pag naman kami kami lang daig pa ang bata.

"Hi" bati ko sa kanila.

"San kayo pupunta Ms. Valencia" tanong pa ulit ni ryu. kaya walang pag dadalawang isip kong itinuro si sir Leo.

"Isasama daw nya ako sa dean's office" pag susumbong ko. nakita ko namang nag dilim ang mukha nong tatlo.

"Natutulog sya sa klase ko kaya dapat lang na parusahan sya at hindi mo na problema yon mr. vergara kung ayaw mo ring isama ko kayo sa dean's office" Mahabang sabi ni sir Leo na ikina singhap ko pati narin nila steven.

Luhh! hindi ba nya alam na si ryu ang may ari ng school na to.

I wonder papatayin kaya sya ni ryu katulad nong mga naririnig kung usap usap?

Kase yon yong pinaka ayaw nya eh yong hindi sya nererespeto buti na nga lang hindi nya ako pinatay nong first day ko.

"I'm The student council president and the owner of this school so that's my problem too and that girl beside you is my girlfriend."  Malamig paring sabi nya na ikinalaki ng mata ko.

Girlfriend? ako?

Tar*nt*do ba sya?

Nakangisi syang lumapit sakin at inakbayan ako

"So If you have a problem with my girlfriend talk to me instead" nakita ko namang namutla si sir leo kaya napatawa ako ng mahina.

"S-Sorry po Sir" pag so-sorry ni sir leo.

"I Don't accept so–"

"Umalis kana Sir bilis" pag puputol ko sa sasabihin no ryu. agad namang umalis si sir leo.

Nang maka layo si sir leo ay binatukan ko ng malakas si ryu.

"Tarantado ka ba?" mura ko sa kanya pero nginitian nya lang ako na parang baliw.

"Hayaan mo na floricel"

"Kayo na pala? Hahaha"

Sinamaan ko naman ng tingin si Steven at Timothy dahil sa sinabi nila.

"Why? Bagay naman tayo ah" Pangaasar pa ni ryu kaya inirapan ko sya at tumalikod na. Gutom na kase ako kaya pupunta nalang akong cafferia kesa makipag baliwan don sa tatlong yon.

Hindi ko ba alam kung bakit close na agad ako don sa tatlo eh kaka kilala ko lang naman sa kanila.

Kase don sa mga nababasa ko sa wattpad pag nag glow up na or pag nalaman na na-anak ng mafia boss or gangster saka lang babait yong mga kaklase.

Pero syempre sa libro lang ang ganon sa totoong buhay hindi.

Nang makarating ako sa Caffeteria ay bumili agad ako ng pag kain. Wala naman kaseng masyadong tao ngayon dito dahil oras ng klase kaya mabilis lang bumili ng pag kain.

Isusubo ko na sana ang fries na binili ko ng makarinig ako ng kalabog sa kabilang table.
Hindi ko nalang pinansin yon at nag patuloy na sa pag kain.

"Bulag kaba ha? Tingnan mo nga yang ginawa mo sa damit ko. alam mo ba kung gano to kamahal ha kulang pa ang buhay mo pambayad dito." rinig kong sigaw ng kung sino. pero hindi ko nalang ulit yon pinansin. dahil ayaw kong maki gulo sa problema ng iba.

"Hindi mo ba ako kilala ha? ako lang naman ang nag iisang babaeng millazo." nag pantig ang tenga ko dahil sa sinabi nong babaeng mukhang clown sa sobrang kapal ng make up.

"Omy god dapat kase nag sorry nalang sya."

"Yeah ayan tuloy mapapahamak pa sya"

Rinig kung sabi nong dalawang babae sa katabing table ko kaya nilapitan ko sila. nanlalaki naman ang matang napatingin sila sakin.

"Queen F" Sabay na sabi nila.

"Tsk. call me floricel sino ba yong babaeng yon yong mukhang clown" tanong ko sa kanila at tinuro yong babaeng nag sasabing sya daw ako. nag tawanan naman silang dalawa saka nag salita.

"Janine she's the Queen B dito at sinasabi nya ring sya ang nag iisang babae sa pamilya millazo pero hindi naman kami naniniwala don dahil wala naman syang makitang kahit na anong pangalan." Paliwanag nong babaeng mahaba ang buhok na sinang ayonan nong kasama nya.

"Ako nga pala si Yesha at sya naman si Gelly"

"Gusto nyong sumama?" nakangising tanong ko sa kanilang dalawa.

"Bakit?" takang tanong nila na ikinalawak ng ngisi ko.

"May ipapahiya lang tayong clown"




(END OF CHAPTER 9)

A/N : Heheheh ambilis ng mga pangyayari diba? kaseng bilis ng pag kalimot nya sayo.😂😂

MAFIA SERIES 1 : FALLING IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (COMPLETED)Where stories live. Discover now