CHAPTER 49

1.4K 25 5
                                    

A/N : Last chapter nlang pala bye bye na... Hindi lahat ng kwento masaya..

Chapter 49

5 DAYS AGO

Totoo nga yong sabi nila hindi lahat ng kwento sa masaya nag tatapos. Ilang taon narin simula nong mawala sya natanggap ko naring wala na sya at hindi na sya babalik sa ngayon kailangan kong ipag patuloy ang buhay ko kahit wala na ang taong mahal ko.

Nong una ang hirap tanggapin na ang taong mahal na mahal mo ay wala na. Pero Hindi naman kase pwedeng mag mukmok nalang ako sa isang tabi... pag ginawa ko yon sigurado akong hindi sya matutuwa kung nasaan man sya..


Nong nawala sya sobrang sakit pakiramdam ko gusto ko naring mamatay pero alam kong mas nasaktan ang pamilya at mga kaibigan nya.. naalala ko nong sinabi ng doctor na wala na sya lahat sila ang iyakan. ilang araw silang hindi kumain.


May mga tao talagang dadating lang sa buhay natin para pasayahin tayo ng panandalian at hindi pang habang buhay.

Mahal na mahal ko sya at hinding hindi ko sya makaka limutan. hinding hindi ko makakalimutan ang taong nag turo saking mag mahal. ang taong tumanggap kong sino ba talaga ako...

Paalam mahal ko mag kakasama rin tayo balang araw at sa susunod kong buhay ipapangako ikaw lang ang mamahalin ko...

NAIBATO ko nalang ang librong binabasa ko dahil sa ending non. bakit ba kase lahat ng librong dinala sakin ni ian para basahin ay hindi happy ending pag hindi mag kakatuluyan yong mga bida may mamamatay.

"Baby gumising kana please" pakiusap ko sa natutulog na si floricel... yes buhay sya na comatose lang sya ang sabi nong doctor sandali lang syang makaka tulog hindi ko naman alam na limang Araw pala ang sandali sa kanya..naalala ko pa yong araw na sinabi nong araw na akala naming lahat wala na sya.


–FLASHBACK–



"Doc Kamusta ang girlfriend ko?" tanong ko sa kanya. malungkot syang tumingin sakin saka umiling iling na syang ikina panlumo ko..


"K-Kuya" rinig kong tawag ni hestia don sa doctor.. yon ba ang kapatid nya.. akala ko ba magaling na doctor ang kuya nya bakit? bakit hindi nya magamot si floricel?


"Bakit kayo nag iiyak? Maayos na ang lagay ni ms. millazo kailangan lang syang masalinan ng dugo kaso wala kaming makunan ng dugong match sa kanya" napatigil ako sa pag iyak dahil sa sinabi nong doctor. Tumayo ako saka lumapit sa kanya.


"Ako pwede akong mag bigay ng dugo kahit ubusin nyo pa ok lang." saad ko. pero umiling lang sya sakin


"May kakambal ba sya?"  tanong nya na ikinakunot ng noo ko. ganon din nila ian.


"Ang kakambal lang nya kung meron ang pwede naming kunan ng dugo dahil yon lang ang mag mamatch sa kanya.. napaka rare kase ng dugo ni ms. millazo" dagdag pa nya.

"AKO ANG KAKAMBAL NYA." biglang may nag salita sa likuran ko kaya napa tingin kami don.


"Aeron Oliveros?" banggit ko sa pangalan nya tipid lang syang ngumiti sakin sa likod naman nya ay si steven at timothy. bakit mag kakasama sila? kaya pala wala silang dalawa kanina.

MAFIA SERIES 1 : FALLING IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt