CHAPTER 15

2.4K 48 1
                                    

Chapter 15

"Habang maaga pa pigilan mo na yang nararamdaman mo Hindi mo sya kilala. Maybe Kilala mo sya pero sa pangalan lang. Pero hindi mo kilala ang tunay na ugali nya. kaya kung ako sayo pigilan mo na kung ano man yang nararamdaman mo." Biglang sabi ni Kuya timothy kaya napatingin ako sa kanya.

Anong ibig nyang sabihin na hindi ko kilala ang tunay na Ryu?


"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. sasagot pa sana sya pero naka rinig kami ng kakaibang ingay kaya sabay kaming napatayo.

"Sino Yan?" Tanong ni kuya Timothy

Pero walang sumagot kaya napakapit ako dulo ng damit nya.

"Baka kung anong hayop lang yon. Matulog ka kaya muna mukhang mamaya pa naman sila King"

Nakangiwing tumingin ako sa kanya. saan naman kaya ako matutulog dito?
Mukha namang nahulaan nya ang nais kung sabihin.  Nag latag sa ng mga tuyong dahon para maging sapin at saka umupo don.

At dahil inaantok narin ako ay humiga na ako sa inilatag nya at ginawang unan ang hita nya. Gulat na Gulat naman syang napatingin sakin pero hindi ko sya pinansin at pumikit nalang.


"Floricel"

"Princess Wake up"


Rinig kung panggigising sakin ng kung sino kaya iminulat ko ang mga mata ko.

"Anong itinawag mo sakin" Seryosong tanong nagunot naman ang noo nya at nag salita.

"Floricel?" sagot nya. Baka mali lang talaga ako ng pag kakarinig. hindi nalang ako nag salita ulit at bumango na sa pag kakahiga.

Hapon na pala? tingin ko mga 6:30 na ng hapon


"Apat na oras kang na-tulog"

"You Mean apat na oras na rin akong naka-unan sayo? bat di moko ginising agad?" Tumawa naman sya saka tumayo na rin.

"Mukhang kailangan mo ng pahinga eh."

"Gutom kana ba?" Tanong nya na saktong pag tunog ng tyan ko. kaya tumango nalang ako bilang pag sagot.


"Ako rin gutom na" Sabi nya kaya napasimangot ako. akala ko panaman bibigyan nya ako ng pag kain.


"Hindi ako naka kuha ng pag kain dahil hindi kita pwedeng iwan dito. Samahan ko nalang akong mag hanap ng mga prutas para naman may makain tayo"


"Huh baka mamaya may mga kung anong hayop jan" Takot na sabi ko. habang nakatingin sa medyo madilim na parte ng gubat. Humarap sya sakin saka ngumiti



"May tiwala ka ba sakin?" Biglang tanong nya. Tumango lang ulit ako bilang sagot. Mas lumawak ang ngiti nya dahil sa sagot ko. at hinawakan ang kamay ko papunta sa madilim na parte ng gubat.

Sana naman may mahanap kaming pag kain. dahil gutom na talaga ako



-FF-




Nasa kalagitnaan na kami ng gubat ng may marinig nanaman kaming kakaibang ingay kaya ibinaba muna namin ang mga pagkaing nakuha namin kanina.


"BULAGAAA"

"AHHHHHH"

Gulat na sigaw ko ng may biglang nag salita sa likuran ko. Nang tingnan ko kung sino yon ay halos manlumo ako.



Tangna. Makakasapak talaga ako.



"Gulat na Gulat Boss" Nangaasar na sabi ni James kaya inirapan ko sya. pati narin sila xander , ian at steven. samantalang seryosong nakatingin lang sa amin si Ryu.



"Bakit ambilis nyo naman ata?" sarkastic na tanong ko at tinaasan sila ng kilay. nag tinginan naman sila at sabay sabay na itinuro si ryu na wala paring emosyon ang mukha.


"Pinag hukay nya pa kami ng pag lilibingan nong isa jan" Sagot ni Steven habang naka tingin kay kuya timothy.

"Kaninong libingan?"

"Kay–"

Hindi na natapos ni xander ang sasabihin nya dahil biglang nag salita si Ryu.

"Pano kayo napunta dito? at bakit kayo mag kasama?" Sunod sunod na tanong nya.




"Mag hahanap lang naman kami ng makakainan kanina kaso naligaw kami tapos bumaba kami ng kotse para mag tanong tanong kaso naligaw ulit kam–


TEKA! Bakit ba kailangan ko pang mag paliwanag?"


Sinamaan nya ako ng tingin dahil sa sinabi ko. habang nag tawanan naman sila Ian kaya Taka ko silang tiningnan


"Anong nakakatawa?" Tanong ko na ikinatigil nila.


"Tama na yan. Mag hanap nalang muna kayo ng pwede nating mahigaan malapit ng dumilim hindi tayo makakauwi." singit ni kuya timothy kaya sabay sabay kaming napatingin sa kanya. Ngayon lang kase ulit sya nag salita simula nong dumating sila ryu.



"Kay Ryu na ko sasama mag hahanap kami ng mga kahoy pang gawang campfire. Mag kita kita nalang ulit tayo dito" Hindi ko na sila hinintay mag salita at hinila na si ryu.


Nang makalayo kami sa kanila ay nag simula na kong mamulot mga kahoy.


"Yong pag papanggap natin na tayo tuloy parin ba?" Tanong ko.


Yon kase talaga ang dahilan ko kung bakit hinila ko sya.


"Ikaw ang bahala. kung ayaw mong maikasal sa hindi mo kilala then itutuloy natin. ok lang naman sakin" Cold na sabi nya.


Well mas ok na rin siguro kung mag papanggap kaming mag girlfriend at boyfriend. dahil ayaw kong maikasal sa hindi ko kakilala at sa taong hindi ko naman mahal.

kaso hanggang ngayon kase naguguluhan parin ako sa sinabi ni kuya timothy. Yes kaka-kilala ko palang kay ryu at dapat hindi ko sya pag katiwalaan dahil hindi ko pa manan lubos na kilala ang tunay na sya. pero para kaseng may nag sasabi sakin na pag katiwalaan ko sya.


Pero kung dadating man yong panahon na makilala ko na sya ng buong buo at itong nararamdaman ko ngayon ay mas lumalim. tatanggapin ko sya. kung sino talaga sya.


Aware naman ako sa nararamdaman ko. ang pag bilis ng tibok ng puso ko pag malapit sya katulad nalang nong una naming pag kikita. ang parang mga paruparo sa tyan tuwing nag sasalita sya parang nong nasa library at restaurant kami. Yong pag ngiti ko ng walang dahilan. Alam ko kung ano yon.


Natatakot lang ako aminin na nahuhulog na ako dahil baka hindi nya ako saluhin at sa huli masaktan lang din ako.



*BANG* *BANG* *BANG*

Napa lapit ako kay ryu ng maka rinig ako ng sunod sunod na putok ng baril.


Hanggang dito pa naman hindi ako tinitigilan ng kamalasan.

"Stay Here" Utos ni ryu at akmang pupuntahan kung saan nanggaling ang putok ng baril.


"Don't Leave me" Takot na sabi ko. wala kase sila ian dito kaya maiiwan akong mag isa kung pupuntahan nya kung saan nanggaling ang putok.

Tumingin naman sya sakin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Titingnan lang natin kung saan nanggaling yon"

"Pero dilekado"

"I'm a mafia boss i can protect you"


Pag kasabi nya non ay hinila na nya ako papunta sa pinanggalingan ng putok ng baril.



(END OF CHAPTER 15)


A/N : Naguguluhan na ako sa utak ko.

MAFIA SERIES 1 : FALLING IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (COMPLETED)Where stories live. Discover now