"Daddy , Mommy" sabay kaming napatingin sa pintuan ng sumigaw si seven.


Tss. sinabi ko ng tita mommy ang itawag nya kay floricel dahil baka iba ang isipin nong taong laging naka masid samin.


Ang mga katrabaho ko sa kompanya ang alam nilang lahat may asawa at anak na ako. isang pamilya ang tingin nila samin dahil naka tira kami sa iisang bahay.

"Seven Papasok na ko wag masyadong pasaway kay tita mommy mo." paalala ko kay seven. lumuhod ako para maka pantay ko sya. "Babalik din ako bantayan mo ang tita mommy baka makipag date yan sa iba. tandaan mo kay tito Ryu lang dapat makipag date si tita mommy mo" bulong ko sa kanya. na ikinatawa nya. He knows ryu dahil palagi ko syang kinukwentohan ng tungkol kay ryu.

"Kung ano anong sinasabi mo sa bata umalis kana nga" biglang singit ni floricel at itinulak ako palabas ng bahay. tumatawang kinawayan ko nalang sila bago sumakay sa kotse ko.









FLORICEL'S POV




Nang maka alis si steven ay lumapit ako kay seven at kinarga sya. Five years old palang sya pero sobrang talino na nya. Napatingin naman ako sa may bintana ng may naramdaman akong naka tingin saamin. Palagi akong nakaka ramdam ng parang pinapanood kami pero pinag walang bahala ko nalang.

It's Been Three Years pero hanggang ngayon wala parin akong balita kay ryu. pano ba naman ako mag kaka balita sa kanya kung hindi naman ako lumalabas ng bahay. naka kulong lang ako dito sa bahay. inaalagaan ko si seven kahit yon nalang ang maitulong ko kay steven.


Gusto kong maka langhap ng sariwang hangin kaya lalabas ako ngayon para mag grocery. hindi ako nag sabi kay steven kanina dahil sigurado akong hindi yon papayag ng lumabas ako ng ako lang. aabsent nanaman sya hindi naman pwede yon baka bumagsak pa ang kompanya nya.

Sa loob ng tatlong taon palagi lang nasa tabi ko si steven dito narin sya sa bahay nag tatrabaho minsan masamahan lang ako. malaki ang utang na loob ko sa kanya. dapat nga may asawa at sariling pamilya na sya ngayon pero ito sya inaalagaan ako at ang pamangkin nya. napaka swerte ng magiging asawa nya.

"Baby Seven gusto mo bang sumama sakin mag gogrocery tayo?" tanong ko kay seven ngumiti naman sya at sunod sunod na tumango.











"Mommy I Want Some Toy Po" nakangusong sabi ni seven at hinila ako papunta sa tindahan ng mga laruan. Nandito kase kami ngayon sa Mall. Medyo naninibago ako dahil sa dami ng tao dito hindi naman na kase ako sanay sa maraming tao.

Habang hinihila ako ni seven ay mag nakabangga kami kaya nalaglag ang mga pinamili namin. Agad ko namang pinulot ang mga nahulog at nag sorry sa nabangga namin.


"Ito pa miss" Napaangat ang ulo ko ng mabosesan ko ang taong nag salita. biglang bumilis ang tibok ng puso at parang tumigil lahat ng tao sa paligid namin.

"Ryu"

"Floricel"

Sabay na pag banggit namin sa pangalan ng isa't isa. naka ngiti lang syang naka tingin saakin. tinitigan ko sya ng maigi. wala paring nag bago sa kanya malibanan nalang sa mas nag mukha syang matured.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya para akong napipi gustohin ko mang mag salita pero walang kahit na anong salita ang lumalabas sa bibig ko.

"I Miss You" Nakangiti paring sabi nya Pati ang mga mata nya ay naka ngiti. Biglang bumigat ang dibdib ko. hindi ba sya galit sakin? dahil inawan ko sya. Hindi ba sya nandidiri sakin?

"Ikaw po ba si tito ryu" biglang nag salita si seven kaya sa kanya napunta ang atensyon namin. Lumuhod si ryu sa harapan nya para mag kapantay sila.

"Yes Ikaw anong pangalan mo?" tanong ni ryu matamis namang ngumiti sakanya si seven bago mag salita.

"My Name is Seven gusto mo po bang sumama samin?"

"Pwede ba?" sakin naman tumingin si ryu. tumango lang ako bilang pag sagot dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung anong sasabihin ko sa kanya.




(END OF CHAPTER 57)


A/N : Nag kita na ulit silang dalawa.... Tatlong taon...

MAFIA SERIES 1 : FALLING IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (COMPLETED)Where stories live. Discover now