Ang lakas ng mga boses nila at nakakatawag yun ng pansin ng iba pang mayamang bisita na imbitado dito.

"Please don't make a scence, aalis na 'ko." I tried to calm myself, this is not the first time they have humiliated me in public.

"Oh, girls. Ano pa nga bang rason kung bakit siya nandito? Maybe she's a janitress here. Hindi ako makapaniwala na ang dating prinsesa noon ay isa nalang taga linis ngayon. How poor." si Karen, pinagmasdan ako nito mula ulo hanggang paa bago dumaan sa mata niya ang pekeng emosyon na tila naawa siya sakin.

Hindi ko na kaya na lalo pa nila akong ipahiya kaya naman mabilis akong naglakad para lisanin na ang lugar na 'to.

Hindi pa 'ko tuluyan nakakalayo ng may mahigpit na humawak sa braso ko bago ako iharap, hindi ko maiwasan magulat lalo't dahil sinampal ako nito ng malakas sa mukha.

"You bitch! Who told you that you can turn your back on us while we are talking to you!?" si Alexa na galit na galit na nakatitig sakin.

Dahil sa ginawa niya ay halos lahat na ng bisita sa party ay mga nakatingin samin "Gosh! why this expensive hotel hired a garbage woman, they should fired her!" nandidiring usal ni Grace.

Nakaramdam ako ng galit kaya naman tinulak ko si Alexa dahilan para mapa atras siya "Hanggang ngayon ba isip bata pa din kayo? Tigilan niyo na 'to pwede!?" lalong umusbong ang galit sa mga mata nila.

Hindi ko inaasahan na lalapit sakin si Karen bago ako nito malakas na tinulak dahilan para sumalampak ako sa sahig, hindi lang yun. Binuhos niya din ang juice na hawak niya sa mukha ko dahilan para kumalat din yun sa buhok at damit ko.

"You lowly piece of trash," humarap siya sa mga taong nanonood samin bago ako natatawang tinignan "Don't you know that this woman is Serena Reid? the youngest child of Romando Reid who was imprisoned for raping and killing many women?" tinignan ko ang mga tao at rinig ko ang kanilang singhapan.


Tinignan nila ako ng puno ng pandidiri sa kanilang mga mata, puno ng panghuhusga dahil sa ginawang kasalanan ng Ama ko kahit wala naman akong kinalaman doon.

"T-tumigil na kayo." mahina kong sabi, natawa silang tatlo ng sarkastiko "Bakit kami titigil? E totoo namang nakakadiri ka? Look at yourself, you really look like a trash. Stupid woman."

Gusto kong tumayo para lumaban pero hindi ko magawa, para akong nanghihina. Muli kong naaalala ang ginawa nilang pang bubully sakin nung college ako.

Unti unting pumapasok sa utak ko lahat ng panghihiya na ginawa nila sakin noon.

'God, bakit nag papasok sila ng anak ng isang murderer.'

'What if mamatay tao din pala yan?'

'Someone call a police.'

Rinig kong bulungan nila, kita nila na wala akong ginagawang iba, pinag tatanggol ko lamang ang sarili ko ngunit kung tignan nila ako ay tila ako ang nagsimula ng gulo.

Dahil ba kriminal ang Dad ko? Wala naman ako nung ginawa niya ang mga krimen na yun. Hindi naman niya ako kasama gumawa sa kasalanan niyang yun pero bakit pag nalalaman nila na kriminal ang Ama ko ay tinitignan nila ako ng puno ng pandidiri na para bang kagaya niya ay kriminal at masamang tao din ako?

Kidnapped By The Ruthless Criminal (Chavilire Series #2)Where stories live. Discover now