TREINTA Y CINCO

206 6 1
                                    

Chapter Thirty-Five

Halos manghina ako sa pagkakatayo ko ng marinig ko ang sinabi sa akin ni Ace kanina, Hindi ko alam kung bakit nasa bahay namin ang kwintas ng Fiance niya, Do we really have something to do sa pagkamatay ng Batang iyon at ng mama niya?.

Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko, ang sakit sakit isipin na wala kang alam sa mga nangyayari sa paligid mo, pinanood ko lang kung paano niya ako talikuran at hindi pakinggan ang mga salitang gusto ko sabihin pero para saan pa?.

Kahit na anong paliwanag pa ang gawin ko ay hindi ko naman kayang depensahan at patunayan ang mga sasabihin ko, Hindi ko alam kung totoo pa ba ang mga bagay na Alam at pinaniniwalaan ko dahil habang tumatagal ay marami akong bagay na hindi alam at mga sikretong unti unti kong nabubuksan.

"Allison" agad akong napalingon sa likodan ko ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko, "What are you doing here?" Tanong ko sa taong tumawag sa akin na walang iba kundi si Allendis.

"I followed you here" wika niya na ikina kunot ng noo ko, "Why? What do you want from me?" Masamang tingin na tanong ko sa kanya.

"Don't worry, It's just that my job is to protect you nothing more, so you don't have to be afraid" wika niya sa akin, masama ko muna siyang tiningnan bago tumayo ng maayos.

"Did you see anything?" Tanong ko pag tutukoy sa buong pag uusap namin ni Ace, "Im sorry, But don't worry I wont tell anyone" wika niya kaya wala akong nagawa na tanguan nalang.

Ano pa bang magagawa ko kung nakita at narinig na niya ang lahat ng pinag usapan namin? It's not like I can force someone to Forget something when I told him to right?.

"Go home, hindi mo na ako kailangan protektahan dahil sarili kong bahay toh" wika ko sa kanya pero sa halip na umalis ay lumapit sa saakin dahilan para mapa atras ako.

Aatras pa sana ako ulit ng hablutin niya ang kamay ko papalapit sa kanya dahilan para mapayakap ako sa kanya.

"What are you doing—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko sa kanya ng himasin niya ang buhok ko ng dahan dahan at umaktong para akong hinehele na bata.

"You can cry on me, or share a story, Don't worry I wont tell anyone about it, and just cry if you want" wika niya, hindi ko alam pero parang may humimas sa puso ko dahilan para maramdaman ko ang mga luhang namuo ulit sa mata ko.

Napahigpit na lang ang yakap ko sa kanya at napa hagulgol, I don't know but I feel like I'm like a fool and all my hard works we're all put in Vain because of my stupidness and Ignorance.

I've taken everything lightly and it ended up in complications as problem arises after another making me doubt my choices and myself, resulting in me hurting someone I cherished.

Bumitiw ako sa pagkakayakao sa kanya at inabutan naman niya ako ng panyo, siya na ang nagpunas sa mukha ko ng mga kuha ko dahilan para mapatitig ako sa mukha niya.

"Thanks" wika ko na nagpangiti sa kanya, "It's nothing, Just tell me everything if you need someone to listen to your problems" nakangiting wika niya na tinanguan ko.

Am I too easy to get attached on people? Ilang beses palang kami nagkakilala at kanina lang ang proper introduction namin sa isat-isa pero napaka gaan na ng loob ko sa kanya.

It's also the same as Lucas, And Keiran, it was like I've met them before but I'm sure I'm not, was it because they're also part of the Empire?.

"Do you love him?" Napatigil ako sa at nagtatakang tingin dahil sa tanong niya, "Saan mo naman nakuha ang tanong na yan?" Tanong ko sa kanya.

Legendary AssassinWhere stories live. Discover now