DOCE

480 13 0
                                    

Chapter Twelve: Accused

Nandito na ang buong SSC at seryoso ang mukha nila, ni isa ay walang ngumingiti kahit na si Theo na palaging nakatawa na parang bata ay seryoso ang pagmumukha at nasa malalim na pagiisip.

Binendahan na ang saksak na natamo ko, tinahi na siya kanina ni Kim habang nag uusap sa labas si Shawn at Ace, hinatid naman ni Ace si Charlotte sa kwarto niya at nagtungo naman kami sa underground sa bahay na ito.

Padabog na bumukas ang bakal na pinto ng lugar na ito at niluwa niyon ang seryosong mukha ni Ace at Thres na galing sa labas.

"Those men inside your house are now missing" napatayo ako sa narinig ko at nag tataka siyang tiningnan.

"What the hell? Ano yun? Naglakad sila papa alis?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya pero tinapunan niya lang ako ng malamig na tingin.

"I don't know, and we don't know, ng makarating ang mga tauhan ni Shawn ay walang mga katawan doon at tanging mga kalat sa bahay mo ang naabutan" paliwanag niya na nagpalaglag sa panga ko.

"No! Hindi sila basta basta makaka alis, the gun that I gave you can paralyze anyone, it won't cost a life but it's valid until 48 hours! How can that be- impossible!" Yun na lang ang naibulalas ko sa kanya.

"You said you created that gun right?" Tanong niya na tinaguan ko naman at nag tataka siyang tiningnan sa mga mata.

"Why do you have a gun?" Tanong niya na agad ko namang sinagot. "Its for safety purposes" dahilan ko sa kanya, which is totoo naman ang reason ko.

"Safety? Are you not informed na mahigpit ang security dito ng pumasok ka? Unless you know how dangerous this Academy can be?" May Kahulugang wika niya sa akin.

"What are you trying to say?" May bahid ng inis na wika ko pero tinawanan niya lang ako.

"Trying to be innocent huh? Stop the act Ms, Blair, una pa lang duda na ako dahil sa pagpapakita mo sa school na ito" nakangising wika niya at humakbang papaliapit saakin.

"Acting to be innocent and Kind? Nagawa mo pang kaibiganin sila Neon, Gray at Jullius. Tell me, are they also part of your so-called acting?" Wika niya at mariing hinawakan ang panga ko.

"Ano bang gusto mong sabihin ha?" Naiinis na wika ko dahil wala akong naintindihan sa sinasabi niya maliban nalang sa pinapahiwatig niyang nagpapanggap ako.

"The Academy is in Chaos in this past few months, dont tell me you didn't know anything about that?" Binawi ko ang panga ko sa kanya at tinulak siya.

"I don't know anything for god sake! Are you blaming me because of this?" Tanong ko sa kanya at tinulak ulit siya ng marahan.

"Bakit ba ayaw mo pang aminin?! Huli kana sa akto?!" Galit na sigaw niya at marahas akong isinandal sa pader sa aking likod dahilan para mapapikit ako sa sakit.

"Bakit mo pinadala ang mga taong iyon dito?! Bakit kailangan mo pa mandamay ng ibang estudyante at ipapatay sila!?" Galit na sigaw niya na nagpatigil sa akin at nagtatakang tiningnan siya.

"Ano bang sinasabi mo ha?! Wala akong kinalaman sa nangyayari!" Bulyaw ko at sinubukang itulak siya pero kumikirot ang tahi sa akin ni Kim kaya wala akong lakas para magawa iyon.

"You have a Gold key card right?", Tanong niya na ikinakunot ng noo ko. Ano namang kinalaman ng key card ko sa nangyayari.

"That card does not exist in this Academy unless you are something, we tried to investigate you but nothing so tell me who you are?!" May talim na wika niya sa akin.

"Im Allison Blair! I already-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinakal niya ako at diniin pa lalo sa pader dahilan para kapusin ako ng hininga.

Legendary Assassin (Completed) [Under Revision]Where stories live. Discover now